Chapter 16

29 0 0
                                    

"Trending na naman ang beauty mo, Teh!" ang pang-aasar ni Eivon. Sinabi ko kasi sa kanya ang mga nangyari. Hindi ko na siya sinagot para tumigil na siya pero sa halip na tumigil siya ay nagpatuloy pa ito.

"Pero bongga ang eksena niyo Teh! Pangteleserye." sabi nito habang tumatawa ng malakas.

"Pero, seryoso Paw. He still cares for you kasi kung hindi pinabayaan ka na lang 'nun."

"Ayaw kong isipin na nag-aalala pa rin siya para sa akin." ang simpleng sagot ko sa kanya. Binaling ko sa kanya ang usapan.

"Kamusta na nga pala kayo ni Rhynx?"

Nagkibit balikat ito bago sumagot.

"Ewan ko ba kung bakit nagpakatanga ako at sinagot ko siya. Alam ko naman na aalis siya at maiiwan akong nag-iisa dito pero..... mahal ko talaga siya eh. Iyon siguro ang nagagawa ng pag-ibig sa tao." malungkot na wika nito.

"Learn how to trust what you feel for each other. Kahit na malayo kayo, you'll make it kung may tiwala kayo sa isa't isa." ang sabi ko sa kanya.

Naisip ko tuloy kung naging matatag ba kaming dalawa ni Chuck hanggang ngayon ba ay kami pa rin? Masaya pa rin siguro kami ngayon. Siguro!

"Ayaw ko rin naman na totally umasa sa kanya kahit na sinasabi pa nito na mahal niya ako. Kung kami, kami talaga kahit malayo kami o magkasama lagi." Parang nagiguilty tuloy ako kasi feeling ko, ako 'yung nag-instill sa mind niya ng ganitong mentality.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'm sorry." Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako.

Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at tinignan ako. Pinunasan niya ang pisngi ko.

"You don't have to be sorry. Desisyon ko ito at pinapaniwalaan din, 'wag mo sanang isipin na dahil sa pinagdaanan mo ito kaya ko naiisip at napagdesisyonan ito. Ako mismo nangangamba rin sa maaaring mangyari sa aming relasyon lalo na nagsisimula pa lang kami." sabi nito sa akin na nakangiti. Iyong ngiti na nakikisempatya.

Matapos naming mag-usap ni Eivon ay nagpaalam na ako sa kanya para makauwi na rin.

Pagkauwi ko sa condo ko ay tumungo agad ako sa kwarto ko para humiga. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. May tumatawag sa akin. Hinanap ko sa loob ng bag ko ang cellphone ko at nagulat ako nang makita ko kung sino ang tumatawag.

TRAINEE_Charles Calling........

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hinayaan ko na lang ang tawag niya hanggang sa namatay na ito. After ilang segundo ay may natanggap akong text message niya.

Sender: TRAINEE_Charles

Please let me know that you're ok.

I quickly type a reply: I'm fine. Goodnight.

Sender: TRAINEE_Charles

Please let me talk to you after this training.

'We will talk after this training. I promise.' Iyon na lang ang nasabi ko sa sarili ko bago ako tuluyang nakatulog.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now