Chapter 11

34 0 0
                                    

Nakatayo lang sa gilid ko si Flinn habang ako ang nakaupo sa upuan niya at kaharap ang computer niya. Minsan yuyuko siya para makita ang template at hindi ko maiwasan na maamoy ang pabango niya. Aaminin ko na mabango siya. Ganoon lang ang ayos namin sa halos kalahating oras.

"Sir Flinn, ang sweet niyo pong tignan ni Miss Paw. Lalo na kung magkalapit ang mukha niyo. Eeeeeh." ang panunukso ng isang baklita sa aming dalawa na tumili pa talaga.

"Ang kulit mo talaga Jose." ang sabi ni Flinn na nakangiti sa baklita. Agad na binaling naman ni Flinn ang tingin niya sa akin.

"Pasensyahan mo na lang sila ha." pagpapatuloy nito.

"Wala 'yun." Iyon na lang nasabi ko sa kanya.

"Ok na 'tong template mo. May kailangan ka pa ba?" ang tanong ko sa kanya.

"Sir Flinn, sabihin niyo na po ang plano natin sa team building natin. Eeeeeh." ang sabi na naman ng baklita.

** Kunti na lang talaga makukurot ko na ang singit nitong baklitang ito. **

"Oo nga Sir." sabi ng buong team nila.

Nakakunot lang ang noo ko kay Flinn. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang pinagsasabi nila. 'Yung feeling na 'OP' ka, ako 'yun eh.

"Ah..Kasi Paw..Napag-usapan ng trainees natin na isahin na lang 'yung team building natin." ang nahihiyang sabi nito sa akin.

"Pumayag na po kayo Miss Paw." sabi ng isa nitong trainee.

"Libre naman daw tayo roon sa resort nila Sir Flinn eh." pag-uudyok pa ng isa.

"Ah. Kakausapin ko 'yung team ko mamaya." iyon lang ang naging sagot ko sa kanila.

"Sana pumayag ka Paw. Kahit iyon na lang ang birthday gift mo sa akin." ang pangongonsensya nito.

"Hindi nga? Kailan ba birthday mo?" tanong ko sa kanya.

"Next Saturday na at last day din naman ng team natin 'yun eh." nakangiting sagot nito.

"Kausapin ko muna 'yung team ko. Alam mo naman na hindi talaga ako mahilig sa team building na iyan eh." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Kahit para na lang sa akin, sana." nagpuppy eyes ang loko.

"Haha. Baliw." kinurot ko ang pisngi nito.

"Ooooooooooooooy." malakas na hiyawan ng team nito.

"Oh, siya. Alis na ako bago pa tayo ma chismis ng tuluyan."

"Paw." sabi nito sabay hawak sa kamay ko. Nilingon ko siya.

"Thank you ha." nakangiting sabi nito. Ngumiti lang ako sa kanya at umalis na sa training room nila.

Trapped (completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt