Chapter 12

31 0 0
                                    

"Ok na ok po talaga sa amin iyon Miss Paw."

"Oo nga Miss Paw."

"Pumayag na po kayo para makasama mo rin si Sir Flinn." sabi ng trainees ko nung tanongin ko sila sa proposal ng team nila Flinn.

"Mukhang mapapasubo ka nito ng husto Miss Paw ha." ang bulong ni Jappy sa akin.

Wala na nga akong nagawa kung hindi pumayag sa proposal nila. Agad naman naghiyawan ang lahat maliban sa nakasimangot na si Chuck. Problema nito?!

Nagchat na ako kay Flinn sa naging desisyon ng team namin at bumalik na ako sa trabaho ko. Pinuntahan ko ang isang trainee ko na humihingi ng tulong sa call niya ng biglang......

"Ayiieeeeeeeeeeeeeeeh." nagsigawan na lang bigla ang trainees ko. Paglingon ko nakatayo sa gilid ko ang nakangiting si Flinn. Napatalon ako sa sobrang lapit niya sa akin. Napaatras ako sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"I would like to personally say thank you at pumayag ka sa proposal ng team natin." ang sabi nito na mas lalong ngumiti sa akin ng napakalaki.

"Advance birthday gift ko na lang sa iyo 'yun." sabi ko sa kanya at babalik na sana sa upuan ko ng bigla niya akong........

inakbayan.

Nakaakbay lang siya sa akin habang papunta kami ng computer ko. Pagdating sa station ko ay agad na akong umupo para matanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Sir Jap, punta lang ako ng restroom!" malakas na sabi ni Chuck.

"Thank you talaga Paw ha. You just don't know how happy you've made me." ang sagot nito at lumingon sa trainees ko. "Thank you, guys!" sabi nito at lumabas na ng room.

Medyo natagalan ang pagbalik ni Chuck sa training room namin. Nagulat ako nung napalakas ang pasara niya ng pinto. Baka hindi lang ito namalayan na medyo napalakas ang pagtulak nito ng pinto.

Lumapit sa akin si Jappy at bumulong.

"Someone's jealous." tukso nito.

Ang tanga kong puso tila nasiyahan sa sinabi ni Jappy. Nagseselos nga aba ito kay Flinn? Gusto ko magdiwang sa posibilidad na iyon pero ayaw ko naman na umasa masyado lalo na't hindi pa kami nakakapag-usap na dalawa. As much as possible ayaw ko mag-assume sa mga pinapakita nito.

"Glyden, masisira ang beauty ko sa mga tanong mong paulit-ulit. Ilang beses mo na bang tinatanong sa akin kung paano mag-process ng reset password sa account ng customer?" ang naiiritang sabi ni Jappy na nasa likuran ng babaeng tikoy.

Ako naman ay busy sa pag-aassist ng mga trainees sa hanay ko. Hinati nga kasi namin sa dalawang grupo para hindi kami mahirapan.... oo na! Para hindi ako mahirapan at makaiwas kay Chuck.

"Sir Jappy, nag-hang po 'yung computer ko." rinig ko na mag isang trainee na nagreklamo. Hindi ko na lang pinansain ito habang abala ako sa pagrereply sa queries na natatanggap ko. 

Ilang sandali pa ang nakalipas halos lahat ng trainees ko ay naglunch break na.

"Miss Paw, lunch break po muna ako. Ok lang ba?" ang tanong ni Jappy sa akin. Tumango naman ako sa kanya at ibinaling ang atensyon ko sa e-mail ko na isang katutak.

"Miss Paw...." ang sabi ng isang trainee sa akin. Hindi ko namalayan kung sino ang nagtatanong kasi na stress ako sa e-mail na natanggap ko. Wala ako sa sarili kong pumunta sa trainee na nangangailangan ng tulong ko. Pagtingin ko.......

nalaglag ang panga ko.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now