Chapter 23

29 0 0
                                    

Hindi naman gaano ka layo ang resort nila Flinn sa opisina namin at nagkataon din na  hindi traffic kaya 10:15 pm na kami dumating venue.

Pagdating namin ay nagsasayawan at nagvivideoke na ang team namin habang 'yung iba naman at nag-iinoman na.

"Hoy, guys! Andito na sila Sir Flinn at Miss Paw." sigaw ng isang trainee niya at agad naman na lumingon ang iba pa naming trainees.

"Ooooooooooooooooy. Lumelevel up na talaga ang ka sweetan nila Sir oh." panunukso ng isa. Naghiyawan naman 'yung iba.

"Gutom lang iyan, guys." saway ni Flinn sa kanila.

"Pagpasensyahan mo na lang sila ha." bulong sa akin ni Flinn. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy kaming pumasok ng hall.

"Happy Birthday, Flinn." malakas na sigaw ng mga tao na nasa loob. May isa pa ngang nagpaputok ng party popper. Mabuti na lang hindi ako magugulatin kung nagkataon napasigaw sana ako. Nakakahiya naman.

"Akin na ito Kuya." sabi ng isang babae kay Flinn at kinuha ang bitbit nitong dalawang box ng cake.

"Mom." bati ni Flinn sa Mommy niya at humalik dito. Hindi mapagkakaila na mag-ina sila kasi magkamukhang magkamukha ang dalawa.

"Happy Birthday, hijo." humalik sa dalawang pisngi ni Flinn. Ang sweet nilang tignang dalawa. Na miss ko tuloy ang Mom and Dad ko.

"Thanks Mom. By the way...." nilingon ako ni Flinn at hinila papunta sa harap ng Mommy niya.

"Paw, meet my Mom. Mom, this is Pauline officemate ko." pagpapakilala ni Flinn sa akin.

"Good evening po, Ma'am." ang bati ko na nakangiti sa kanya.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari.

"Silly. Call me Tita or much better call me Mom na rin." at niyakap na ako nito.

"I'll introduce you to our family members." Hindi pa ako nakakaGet over sa mga pangyayari ay bigla na lang hinawakan ng Mommy ni Flinn ang kamay ko.

Naglakad kami papunta sa grupo na nakaupo sa malaking round table. I look back to Flinn but he just stood there with an apologetic smile on his face. Hindi rin yata nito inaasahan ang ginawa ng kanyang Mommy.

Pinakilala ako ng Mommy ni Flinn sa lahat ng family members nila, ako naman ay todo beso sa lahat ng ipapakilala niya sa akin. Ang mas nakakagulat pa ay tinatawag niya na akong 'daughter-in-law to be' niya  kapag pinapakilala niya ako.

"Lin, ito nga pala ang si Pauline ang 'daughter-in-law to be' ko." Iyan ang exact na introduction spiel niya sa lahat ng ipapakilala niya sa akin.

"Mom, nahaharass na po si Paw sa ginagawa ninyo." sabi ni Flinn sa Mommy niya.

"Natutuwa lang kasi ako na finally ay may pinakilala ka ng babae sa amin after niyo magkahiwalay ni Florence." ang sabi ng Mommy niya na sa tingin ko ay ikinahihiya ni Flinn.

"Mom..." ito lang ang nasabi niya sa Mommy niya.

"Pasensyahan mo na ang Mommy ko ha." bulong sa akin ni Flinn. Tumango na lang ako kasi sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko at gagawin ko sa atensyon na binibigay sa akin ng pamilya niya.

Trapped (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon