Chapter 27

30 0 0
                                    

It's 4:15 in the morning ng mag-aya na ang lahat na magpahinga. Lasing na lasing na kasi ang lahat. Iyong iba nga ay akay-akay na ng mga kasamahan nila pabalik ng room nila.

Dalawang oras na rin ang nakalipas noong nagwalkout si Chuck kasama 'yung babaeng tikoy. Kung ano ang ginagawa nila, walang may alam.

** Talk about DIRTY! ** sabi ng atribida kong konsensya.

Ayaw ko mag-isip ng masama pero kung iisipin mo hindi imposible 'yun. Isali na natin ang factors na: lasing silang dalawa, makati iyong babaeng DiKoy (crossbreed ng Dikya at Tikoy), malamig ang simoy ng hangin at madilim. Hindi na sila bata para hindi magawa 'yung mga bagay na iyon. Malakas talaga ang kutob ko na may nangyayari talagang ganoon. Sana nga mali ako. SANA!

"Magpahinga na rin tayo." alok ni Flinn sa akin. Siya pa rin naman ang Flinn na kilala ko, 'yung naka smile at gentleman. Kung iba 'yung ka-body shot ko malamang nagTake advantage na sila sa akin.

"Mauna ka na hindi pa kasi ako inaantok eh." Hindi po ako nagdadahilan, talagang nagiging hyper ako kapag naka-inom.

"Are you sure?" panigurado nito.

"I'll be fine. Mauna ka na." nginitian ko siya. Lumapit muna siya sa akin at inilagay ang isang robe sa balikat ko. Sweet si Flinn, lahat na yata ng katangian na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit anong magagawa ko kung ang puso ko ay tumitibok pa rin talaga sa iba. At 'yung "IBA" na iyon ay patuloy lang akong sinasaktan.

"Thanks, Flinn." hinalikan ko siya sa pisngi at nagsimulang lumakad pa puntang tabing dagat. Gusto ko kasi munang magmuni-muni at makapag-isip ng mabuti. Sabi kasi nila nakaka relax daw ng isip ang pagmumuni-muni sa tabing dagat. Hindi naman ako nahirapan sa paglalakad kasi maliwanag dulot ng kabilugan ng buwan. Tumingala ako para pagmasdan ang mga bituin na masayang kumikislap sa kalangitan.

Sa hindi inaasang dahilan ay napalingon ako sa bandang kanan ko kung saan may dalawang pigurang nahagip ang mga mata ko nakasandal sa isang puno ng buko. Nakatalikod sa akin ang lalaki habang hindi ko na man maaninag ang mukha ng babae dahil natatakpan ito ng lalaki. I  know I'm being too nosy here but there's something wrong.

** You are being to paranoid again, Paw. ** saway ng aking konsensya.

Bahagya akong lumapit sa kanilang dalawa. Alam ko na mali ang nakikiusyoso pero may kung ano sa loob ko na pinipilit akong lumapit sa dalawang, dare I say? Naghahalikan o naghahalayan. Ilang metro na ang lapit ko sa kanila ng............

"Ooooooh...Chuck" pag-ungol ng babae na ikinagulat ko.

"CH-CHU-CHUCK?" halos pa bulong ko itong binanggit. SANA nga pala hindi na lang ako naniwala sa sabi-sabi ng ibang tao na nakakarelax ang pagpunta sa tabing dagat.

'I can't take this anymore. It f*cking hurts!!'

"Mi-Miss Paw." nakita ko ang gulat sa mata ni DiKoy ng makita niya akong nakatayo at nakamasid sa ginagawa nilang MILAGRO. Lumingon si Chuck na bakas ang gulat sa mukha nito.

Tumalikod ako at buong lakas na tumakbo papalayo. Hindi ako lumingon kahit rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi ko alam kung gaano na ako nakakalayo sa masakit na masakit na nasaksihan ko ng napaluhod ako sa buhangin.

Hindi ko na napigilan ang mapahagolgol pa.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin ng mahigpit. Hindi ko na tinignan kung sino ang nakayakap sa akin. Wala na akong lakas pa para tignan kung sino siya.

Hinalikan niya ako sa noo bago siya nagsalita.

"You don't have to tell me, I know and I understand." iyon lang ang mga salitang binitiwan niya at napahagolgol ako na tuluyan.

Trapped (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon