Chapter 26

26 0 0
                                    

"Flinn, are you ready for me?" I seductively asked him while biting my lower lip.

Si Flinn naman ay parang kinakabahan sa ginawa ko. Marahil hindi ito sanay sa 'bitchy aura' ko. Sa katunayan nga ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na ma witness niya ang ganitong side ko.

"Take it off. Take it off." chant ng mga pasaway naming trainees. Naka T-shirt pa rin kasi si Flinn simula nung umahon kami sa pool. Makikita mo ang kanyang abs na nakadikit sa T-shirt niya dahil basa ito.

"You heard them, Flinn." panunukso ko sa kanya.

"You choose, you will take it off by yourself or I'll do it?" nakangisi kong sabi sa kanya habang siya ay tulala sa mga pangyayari. Nang hindi ito umimik ay nilapitan ko na siya at.........

"Whoaaaah." sigaw ng halos lahat ng trainees namin. Habang si Chuck naman ay gulat na gulat sa ginawa kong paghubad ng T-shirt ni Flinn.

** Suck it hard, Chuck. ** my bitchy self said.

"Saan ko ba dapat na i-body shot si Flinn, guys?" pang-aasar ko lalo kay Chuck. Hindi na maipinta ang mukha nito.

** 1 point for me, NONE for Chuck. ** I proudly said to myself.

"Sa abs na i-body shot 'yan." tumitiling sigaw ng baklang trainee ni Flinn.

"Ok." I innocently said.

Nilagay ko ang asin sa abs nito at pinatong sa leeg niya ang sliced lemon. Habang hawak ko ang shot glass. I lowered myself hanggang nasa 'oh-so-drooling' na abs niya na ako nakaharap. Ramdam ko ang bilis ng paghinga ni Flinn. Is it becaus of anticipation sa gagawin ko or na tetense siya dahil gagawin namin ito in front of  our trainees? I don't know and I don't care. All I know is that I'm hurting and I need to redeem myself from this misery.

Hinawakan ko ang magkabilang bewang niya para makakuha ng suporta kasi sa totoo lang nahihilo na talaga ako sa pag-iinom namin. Naririnig ko pa rin ang pagcheer ng trainees namin sa akin.

THIS IS NOW OR NEVER!

Lumapit na nga ako sa abs niya at dinilaan ang parte kung saan ko nilagay ang asin. Matapos kong dilaan ang asin ay nilagok ko agad ang tequila na para bang uhaw na uhaw ako. Then I held his shoulder to get the sliced lemon using my teeth. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa bewang habang kinukuha ko ang sliced lemon na nakapatong sa leeg niya. Matapos kong kunin 'yun ay sinipsip ko na ang juice ng lemon.

"Yeaaaaaaaaah!"

"Ang bongga ng pagkakabody shot ni Miss Paw kay Sir Flinn."

"Na i-video mo ba?" tanong pa ng isang trainee. Hindi sila magkamayaw sa pagsigaw sa ginawa naming munting palabas.

Nilingon ko naman sila, or let say nilingon ko talaga siya para makita ang reaksyon niya. Hindi naman ako napahiya ng makita ang namumulang mukha niya dahil sa; galit, maybe!

** SUCK IT HARD, Chuck! ** I victoriously announced to myself.

Hindi pa rin nakakaGet over ang trainees namin sa ginawa naming dare. Maya-maya ay biglang umalis si Chuck sa pool. May nakabig pa nga ito sa sobrang pagmamadali niyang umalis.

"Problema 'nun?" tanong ng isang babae kong trainee kay tikoy.

"Hindi ko alam." nagkibit balikat ito.

"Excuse me ha." sabi nito at umalis na rin. Susundan yata siguro niya si Chuck.

** What a whore?! ** hindi ko na talaga ma control ang pagka bitchy ko.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Flinn na parang pinoproseso pa rin siguro ang mga nangyari kanina. ** I'm sorry at nadamay ka pa sa kagagahan ko, Flinn. ** sabi ng konsensya ko.

I know hindi ko siya dapat na ginamit par makapaghiganti sa ginawang paglalampungan ng dalawang dikya na iyon pero kinain na ako ng tuluyan ng puot ko.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now