Chapter 24

29 0 0
                                    

Matapos ang pakikipag-usap sa halos lahat ng members ng clan nila Flinn ay sinimulan na ang birthday party. Feeling ko ay nagkaka-Claustrophobia na ako sa closeness namin ni 'Tita' (Yeah! She insist that I should at least call her Tita).

Nasa iisa kaming table at magkatabi ng upuan ni Tita. Makwento ito na halos lahat ng nangyari sa buhay ni Flinn ay naibulalas niya na sa akin.

"Noong maliit pa 'yan alam mo bang pinagsusuot namin ng dress iyan at pinaparampa na parang model." sabi nito sa akin. Natatawa naman ako sa mga kwento niya habang si Flinn ay namumula na sa sobrang hiya nito.

"Saan nga pala ang parents mo at ano ang trabaho nila?" tanong ni Tita sa akin.

"Nasa Bacolod po sila. My Dad is a businessman while my Mom is a Congresswoman. Nag-iisa lang po ako dito sa Manila." sagot ko sa kanya.

"I like independent woman, like you." nakangiting sabi nito sa akin at biglang nag-iba ang kanyang facial expression ng may naalala.

"You are the daughter of Congresswoman Elaine Lizares?" tumango ako sa kanya.

"Kaya pala napaka familiar ng mukha mo sa akin kasi you look like your Mom." mas lalong lumaki ang ngiti nito.

"Hahaha. I need to talk to your Mom and set the date of your marriage with my son." nakatawang wika nito. Hindi ko inaasahan na sasabihin nito ang ganitong bagay sa harap ko at ng ibang mga bisita. Ang lahat ng tao ay nakatingin sa table namin. Naramdaman ko na lang na umiinit na ang mukha ko.

"Mom!" saway ni Flinn dito.

"What? Gusto ko si Pauline para sa iyo. She's a fine young woman and very smart. Ang gaya niya ay hindi dapat pinapakawalan pa. Hahaha." patuloy lang ang pagtawa nito.

Ako naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig at hindi makagalaw.

*-*-*

Hindi ko alam kung paano ako nakawala kay Tita, akala ko talaga hindi niya na ako tatantanan pa. Mabuti na lang at nagpasya itong bumalik na sa suite nila para magpahinga.

"Miss Paw, hindi po ba kayo maliligo ni Sir Flinn?" tanong ng isang trainee ko na nag-eenjoy sa pagswimming.

"Kayo na muna." maikling sagot ko. Kita ko na nasa isang gilid naman sina Chuck at ang babaeng tikoy na naka two piece. Nagtatawanan silang dalawa habang nag-iinuman.

Nasa pool side kami ngayon at nakalubog ang mga paa ko sa gilid ng pool habang hinihintay si Flinn makabalik. Kumuha kasi siya ng Tequila para inumin naming dalawa.

Mangilan-ngilan na lang ang gising habang 'yung iba ay nagpahinga na. Marahil ay pagod na ang mga ito kasi kanina nga ay may shift sila.

"Paw, oh." sabi ni Flinn sabay abot ng inumin sa akin. Dala-dala nito ang isang tray na may laman ng bote ng Tequila, iodized salt at sliced lemons. Umupo naman ito sa tabi ko at gaya ko ay nilubog din ang mga paa niya sa swimming pool. Nakakailang shot na rin naman kami ng Tequila.

"Dare." malakas na sigaw ng babaeng tikoy na sa tingin ko ay tipsy na.

Hindi ko narinig kung ano ang dare sa kanya ng teammate niya. "Kiss." chant ng teammates nito sa kanya na chinicheer siya na gawin ang dare.

Nabitawan ko ang shot glass sa natunghayan kong pangyayari kaya nabasa ang damit ko.

Hinalikan ng babaeng tikoy sa LIPS si Chuck.

Akala ko ba hindi na ako masasaktan. Bakit ganito? Parang tinusok ng milyong-milyong karayom ang puso ko.

"Whoaah." sigaw ulit ng grupo na anglalaro ng 'truth or dare' ng magawa ng babaeng tikoy ang dare.

"Paw, are you alright?" pag-aalala ni Flinn.

"Ok lang ako. Teka....." sabi ko sa kanya sabay talon sa swimming pool. Ayaw ko kasi na makita niya ang pagpatak ng mga luha ko.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now