Chapter Two

2.5K 80 7
                                    

   "Doubt thou the stars are fire. Doubt thou the sun doth move

Doubt truth to be a liar. But never doubt I love" 

― William Shakespeare, Hamlet 


"OH, darn it!" Mabilis na bumangon sa pagkakahiga sa kama si Erina nang makita ang oras sa alarm clock na nasa ibabaw ng lamp table. "I did not plan to get stuck in bed." Mabilis siyang lumabas ng silid at bumaba sa sampung baitang ng hagdan na gawa sa marmol. "Hello?" Umalingawngaw sa kabuuan ng sala ang kanyang boses.

"Senyorita Erina, magandang umaga ho." Bungad ng isang dalaga mula sa koridor sa kusina.

Huminto siya sa gitna ng hagdan at napatingin sa dalaga. The girl was skinny. Mahaba ang buhok nito't nakatirintas nang dalawahan. Malapad ang noo't bilugan ang malaki nitong mga mata. Nakasuot ito ng bulaklaking bestida na kulay berde na nakapaloob sa puting apron. Hinuha niya'y magkasing-edad lang silang dalawa.

"Wait, is that you Juliet?" Bago nanlaki ang mga mata sa tuwa at halos talunin ang huling baitang sa pagbaba. "Oh god, it really is you! I miss you so much!" Tsaka ito niyakap at mabilis ding kumalas. "You remember me, right? We used to play when we were kids."

Matipid na ngiti ang iginanti ni Juliet tsaka tumango. "Maligayang pagbabalik, Senyorita Erina."

"What? Come on, it's me." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "We're friends, call me Erina."

Ngumiti lang uli ito tsaka gumilid upang bigyang daan siya papunta sa kusina. "Ipaghahanda ko na kayo ng pananghalian."

"Oh good 'cause I'm starving. Where is everybody?" Iginala niya ang paningin. "I forgot how huge this villa is. I almost lost my way to my room earlier this morning." Tinawanan niya ang sarili.

"Si Senyor Enrique ay nasa bangko sa bayan, maaga siyang umalis kasama ang mga kapatid mong sina Senyorito Andrew at Matthew. Si Senyora Lucinda naman ay nasa hardin, Senyorita Erina."

Hinarap niya ito, iyong malapit na halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Natigilan ito't halos hindi huminga, nanlaki pa ang mga mata.

"S-senyorita Eri--"

"Erina. Erina. Erina. Isa pa sa senyorita, I will hug you so tight you won't be able to breathe." She opened her arms to show her she was serious.

Natawa ito nang mahina. "Hindi ka pa rin nagbabago, E-Erina, masayahin ka pa rin."

"There, that's the childhood friend I know. It's good to be back, Juliet." Muli niya itong niyakap nang mahigpit. "And I'm really happy to see you again."

"Ikaw rin. Welcome home." Gumanti ito ng yakap.

Nasiyahan siya sa huli nitong tinuran. Masarap iyon sa pandinig. Kung sana lang ay marinig niya rin iyon sa bibig ng mga magulang.

"Anyway, send my lunch to where my mother is, excited na akong makita siya." Tsaka siya humakbang patungo sa hardin.


Maluwang pa rin ang garden, namumutiktik sa iba't ibang mga bulaklak at halaman. Abot tanaw mula roon ang swimming pool, kumikislap ang tubig gawa ng sinag ng araw. Medyo mahangin ngayong araw kaya naman napreskuhan siya. She found her mother trimming the torns off the red roses and arranging them in a vase. Nakatalikod ito sa kanya, nakaupo sa silya.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon