Chapter Thirty-Four

1.6K 86 28
                                    

CALEB raised the short glass that has alcohol in it and took a sip, then put it down on the table. He shouldn't be drinking right now. His eyes followed the second hands of the clock hanging on the cream-colored wall of his study room, it was half past five already. Hindi niya mawari kung mabilis ba o mabagal ang pagpatak ng bawat segundo.

Magkikita sila ni Erina mamayang gabi. Ngunit anong oras nga ba niya kailangang pumunta sa kanilang tagpuan? Dapat ba mauna siya at maghintay sa pagdating nito? Napatiim-bagang siya. Who would have thought this simple matter will make him restless, and nervous as a heck. Bakit? Humugot siya ng malalim na hininga at saka marahang ibinuga.

Technically six at night will be considered as the first hour of the night. Muli siyang napatingin sa orasan, sampung minuto lamang ang lalakbayin ng kanyang jeep bago makarating sa paanan ng burol, at limang minutong paglakad naman bago siya makarating sa kubo. Maliligo ba muna siya bago pumunta?

He groaned at himself. He brushed his already disheveled hair with his fingers, then remained there tightly gripping a bunch of hair. Gusto niyang iuntog ang sarili. Muli niyang tinitigan ang orasan, at sa bawat pagpatak ng segundo ay siya ring papabilis at papalakas na tibok ng kanyang puso. Pupunta na ba siya? Kakain ba muna siya? He should at least bid goodnight to his kids and tuck them in to their beds.

Natigilan siya nang maisip na dalawang oras pa bago matulog ang kanyang mga anak, ibig sabihin ay mga alas otso pa siya makaaalis kung gayon. Ibinagsak niya ang sarili sa swivel chair, dinampot uli ang basong may lamang alak at tinungga ang kaunting laman niyon. Napamura siya sa sarili.

A knocked on the door made him sit straight. Bumukas ang pinto at sumilip ang kanilang katiwala. "Caleb, iho, kakain na, naroon na ang mga bata, sumunod ka na, ha?" Magaan nitong ngiti bago umalis ngunit iniwang bukas ang pinto.

Nanlalata ang katawan na tumayo siya. Tinawanan niya ang sarili. Mukha na siguro siyang gago ngayon. Ipinilig niya ang ulo upang palisin ang anumang bumabagabag sa kanya. He headed out to the kitchen. He saw his kids already started their dinner and joined with them.

Napansin niyang hindi suot ni Kaylee ang hearing aid nito, napangiti siya sa sarili, ibig lang sabihin ay ayaw nitong makipag-usap. Sigurado na siyang may bumabagabag sa anak, tutal naman ay Sabado kinabukasan, kakausapin niya ito at aalamin kung ano ba iyon.

"'Nay Matilde, ako na ho ang magpapaligo kay Augie, kayo na ho ang bahala kay Kay." Nakangiti niyang baling sa matandang babae pagkatapos nilang kumain.

"Sige." Ngiti rin nitong pabalik, bago lumapit kay Kaylee, tinapik ang balikat nito at sumenyas. "Mauna ka na sa silid mo, Kaylee, susunod agad ako pagkatapos kong magbilin kay Nene." Tukoy nito sa dalagita nilang katulong na pinsan ni Rommel.

Walang kibo na tumayo si Kaylee sa kinauupuan at nilisan ang kusina. Walang ingay ang mga yabag na umakyat ito sa hagdanan papunta sa silid nito.

"Mukha hong may topak ang dalaginding ko."

Nilingon siya ng katiwala. "Mukha nga, ilang araw na ngang hindi umiimik ang batang iyon e. Gusto mo bang tanungin ko?"

"Kayo ho, pero siguradong hindi iyon magsasalita."

"E paano naman, may pinagmanahan."

"Ho? Kanino?" Napakunot siya ng noo, ang yumaong asawa ang unang pumasok sa kanyang isipan ngunit agad iyon napalis at pinalitan ng imahe ni Erina.

"Kanino pa ba kundi sa iyo. Ganyan ka kapag may malalim na iniisip, mas sinasarili ninyo kaysa sinasabi." Umiling ang matanda.

Hindi siya sumagot sa tinuran nito, napaisip kung ganoon ba talaga siya. Pagkuwa'y nagpaalam na ito upang sundan si Kaylee. Tumayo na rin siya't inasikaso ang kanyang bunso, binuhat ito't iniakyat sa sarili nitong silid at pinaliguan. Nabasa ang damit niya dahil sa ginawang pagtampisaw ng anak sa tubig kaya naman nakiligo na rin siya.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon