Chapter Thirty-Seven

1.6K 75 56
                                    

GUILLERMO glanced at the passenger side where he laid down Erina's unmoving body. Inialis niya ang isang kamay sa manibela, inihaplos sa malambot na pisngi ng katabi. "Oh, Katerina...I still can't believe that I found you." May kinang ang mga matang itinitig iyon kay Erina bago muling ibinaling sa madilim na daan ang paningin.

Guillermo knew exactly where he was going – to the place where he first laid hands on his beloved Katerina. Ipinarada nito ang sasakyan sa paanan ng burol, hindi gaanong kalayuan sa mga poste ng ilaw na siyang tumatanglaw sa pangalan ng lugar na nakasulat sa malaking signboard.

Pumaikot ito sa passenger side, pinangko ang wala pa ring malay na si Erina, walang kahirap-hirap na kinarga paakyat sa burol. "Pangako, hindi na kita uli pakakawalan pa. Ang tagal kong naghintay, Katerina. I miss you so much!" Tiim ang bagang na bulong sa mukha ni Erina na nakasandig sa dibdib nito.

Guillermo was not unfamiliar to the place. May ilan mang pagbabago, hindi nito iyon pinansin. Huminto ito sa harapan ng kubo, pinakiramdaman ang madilim na paligid. Pagkuwa'y muli nitong pinagmasdan ang babaeng pangko pa rin, "I made you mine before, I will make you mine again then we will always be together for the rest of our lives." He whispered to Erina's ear.

Guillermo pushed his way in to the cottage. He could tell that the place has been renovated. He saw the bed and laid Erina's body on it. Hinawi nito ang buhok na tumaping sa mukha ni Erina, muling inihaplos ang mga daliri sa makinis nitong balat. "Hindi ka man lang pinatanda ng panahon, Katerina, napakaganda at napakakinis mo pa rin." Dumiin ang pagkapit ng mga daliri ni Guillermo sa balikat ni Erina.

"Uhmm..." Erina groaned.

Biglang nabawi ni Guillermo ang kamay, naalarma. Nanlaki ang mga mata nitong napatitig sa kaharap.


BUMALIKWAS si Erina, nais sapuin ang ulo ngunit hindi nagawang ikilos ang mga braso. She felt her body drained; her bones weakened. Mabigat pa rin ang kanyang ulo at nahihilo pa rin siya. Ramdam din niya ang masakit na paglunok, tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. She heard herself groaned. Her tongue felt numb.

"Katerina, I love you." Dalawang matitigas na mga daliri ang humablot sa kanyang mga balikat.

Pinilit na tumingala ni Erina, sinino ang nasa harapan. Malabo rin ang kanyang paningin kahit may lamparang de-gaas na nakasindi. "S-ss-ssin-no k-ka?" hindi niya maramdaman ang sariling dila.

"I came back for you." Mabilis na yumakap ang lalaki sa kanya.

Naalarma man, walang nagawa si Erina kahit nais man niyang umiwas. Mahigpit ang yakap ng lalaki, at sigurado rin siya na wala siyang lakas upang ipagtanggol ang sarili laban sa lalaki.

Unti-unting bumalik sa alaala ni Erina ang mga nangyari, kung paano siyang nawalan ng malay. Whoever this man was, he had all the cards to win the game he set up. Tears swelled up her eyes. She thought of Caleb, will he still accept her after this man tainted her? Hindi siya tanga upang hindi malaman kung ano ang sadya ng lalaki sa kanya – dudumihan siya nito.

Humalik ang labi ng lalaki sa kanyang balikat, napaigtad siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, nalasahan din niya ang sariling dugo mula sa mariing pagkagat sa mga labi. 'N-no, please, no..." garalgal ang tinig na pagmamakaawa niya.

"Akin ka lang, Katerina." Inihiga siya ng lalaki.

Katerina? Doon lamang rumehistro sa utak ni Erina ang pangalang binanggit ng lalaki. "S-stop. Stop." Wala mang lakas, umiwas pa rin siya. Hindi man sapat, ayaw niyang bumigay nang hindi lumalaban.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon