Chapter Four

1.7K 62 3
                                    

AYAW makatabi ni Caleb si Erina dahil sa pagiging atribida kung umasal ito, ngunit umiling na siya't iminuwestra na maupo ito sa kanyang tabi. Agad namang sumunod ang dalaga. Nasagi nito ang kanyang braso nang maupo ito kaya naman hindi niya naiwasang lingunin iyon.

Hindi lang ito maputi, makinis din ang balat nitong malayang nakalitaw sa walang manggas na blusang suot. Kumislap sa sinag ng papaakyat na araw ang mahaba at maputi nitong mga hita. Ang ikli uli ng suot nitong shorts, halos umabot na sa singit. Napangiwi siya at piniling ibaling sa iba ang paningin.

"Ayokong mabasa!" tili ni Juliet habang pinipigilan si Rommel sa paghila rito sa tubig. Nagpambuno ang dalawa hanggang sa magwagi si Rommel at sabay na lumubog ang mga ito sa tubig.

"Ano ba? Mang-inggit ba kayo? Porke wala rito ang mahal ko e." Reklamo ni Danilo habang papaakyat muli sa talon upang tumalon.

"Hey, I heard its your birthday today, happy birthday." Siniko siya ng katabi.

"S-salamat." Sa isang iglap ay tila gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa ginawa nitong pagbati. Dinampot niya ang bote ng softdrink na iniinom, inubos ang kaunting laman na natitira roon.

"Do you have any plans for your birthday? Are you going to have a party?" Napako ang kanyang paningin sa hugis puso nitong mga labi, walang bahid ng kung anumang lipstick iyon ngunit ang natural na pagkapula niyon ay lalong nagpatingkad sa maputi nitong balat.

Umiling siya subalit ang mga mata ay nanatili sa mukha nito. "Inuman lang kasama mga kaibigan ko, at saka manonood din kami ng parada mamayang gabi sa bayan."

"Parada? What is that? Can I join you guys?" Umangat ang mga kilay nito habang nakangiti ang buong labi't mga mata, halata ang kasiyahan sa reaksiyon.

"Gay parade. Masaya silang panoorin. Kung pupunta si Juliet pwede kang sumama."

"Yes, I'll ask her. So, do you have a girlfriend?"

Saglit siyang natigilan. "Bakit ba interesado kang malaman kung may girlfriend ako?" Muling kumunot ang noo. Hindi na rin niya naiwasan ang uyam sa tinig.

Hindi nawala ang ngiti nito sa mga labi ngunit nabawasan naman. Nanatili ang mga mata sa kanya. Pagkuwan ay kumibot ang bibig nito't kinagat ang ibabang labi, tsaka nagkibit ng mga balikat. Inalis nito ang paningin sa kanya at ibinaling sa mga kaibigan niyang naglalaro pa rin sa tubig.

Ilang minuto ang lumipas na walang palitan ng mga salita ang namagitan sa kanila. Sabay pa nilang nasangga ang mga kamay sa sinag ng araw na sumilaw sa kanilang mga mukha. Tumingin ito sa orasang pambisig na suot.

"Shoot. It's already ten, I better get going. I have to catch my papa before he leaves." Tumayo ito tsaka pinagpag ang likuran ng suot na short shorts.

Napansin niya ang mahubog nitong puwitan at magandang hugis ng mga hita. See-through din ang suot nitong puting blusa kaya pansinin ang itim nitong bra. Naipilig niya ang ulo upang palisin sa imahinasyon ang halos hubad nitong katawan na nauna niyang nakita sa kubo. Kahit gaanong kainit dito sa Pilipinas, walang babae na magkakalakas ng loob na magsuot ng ganoon ka-revealing na damit lalo pa rito sa probinsiya, kung sa swimming pool ay baka pwede pa.

Napapitlag siya nang nahuli siya nitong nakatingin sa puwitan nito. Napangiti ito na tila sinasabing, "Huli ka." Mabilis niyang ibinaling sa lawa ang paningin.

Dumukwang ito, inilapit ang mukha sa kanya. Kapansin-pansin ang punong-dibdib nitong lumitaw mula sa maluwang na suot na blusa. Agad siyang tumingin sa mukha nito, tiim ang bagang.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon