Chapter Seventeen

1.2K 42 1
                                    

ERINA looked at herself in the mirror--she liked what she saw, wearing a white soft silky A-line dress, sleeveless and above the knee. Huminga siya nang malalim saka pinigil, itinaas niya ang zipper sa likuran ng bestida. Mukhang nanaba siya sa halos dalawang buwang pananatili rito sa Pilipinas.

Nasa labas si Juliet nang buksan niya ang pinto ng silid. "Good morning!" Matamis na ngiting baling niya sa kaibigan. "Anong breakfast? I'm starving. Last night I dreamt of having a turkey dinner and that is so weird coz I don't even like turkey." Nagpatiuna siyang pumanaog ng hagdanan.

Naamoy niya ang niluluto sa kusina--ginisang bawang. Patakbo siyang pumasok roon ngunit natigilan nang bigla na lamang nangasim ang kanyang sikmura. Tinakpan niya ang bibig saka dumiretso sa banyo sa may kusina at doon inilabas ang inirereklamo ng tiyan. Dahil wala pang laman, halos tubig lamang ang kanyang isinuka.

"Erina, bakit? May sakit ka ba?" Agad namang dumalo si Juliet sa kanya.

Umiling siya. "I-I don't think so. Gutom lang siguro ako."

Nahuli niyang nakatitig lang din sa kanya ang ina ni Juliet, bakas sa mga mata ang pag-aalala. Nang ngumiti siya'y mabilis itong nag-iwas ng tingin, tumalikod at bumalik sa ginagawa. She decided to fill in her stomach after she heard it growl. She smiled upon remembering the talk she had with her Tia Katerina last night--she's coming back home. She had so much to tell her.



"HOW do I look?" Nag-model si Erina sa harapan ni Caleb, habang namumula naman ang mukha nito sa hiya.

Today was the D-day for her; nasa bayan sila, sa isang tindahan ng mga damit.

"Leb, I'm waiting." She repeated.

"'Maganda." Yumuko 'to.

"Just like that?"

"Kahit ano naman ang isuot mo ay maganda." Nagpalinga-linga ito sa paligid, saka yuyuko ulit kapag may dumaraang mga parokyano sa tindahan.

"Huwag ka ngang mahiya. You have a beautiful girlfriend, one hundred percent guaranteed." Kumindat siya.

Tumawa naman ito. "Hindi mo naman kailangang magdamit sa harapan ng pamilya ko, Erina, simple lang kami."

Tumigil siya sa pagtingin sa salamin at hinarap ito. "Ah, so you want to introduce me naked in front of them?" Nagtaas siya ng isang kilay.

Napanganga ito sa kanyang tinuran, bago umiling at tumawa. "Love naman e."

Tumawa rin siya. "I'm sorry. Pero Leb, family mo sila, I want to impress them especially for you."

"Gusto ko iyong damit mo, simple at maganda. You look stunning in white." Nguso nito sa damit niyang nakasabit sa dingding ng fitting room.

Ngumiti siya. Muli siyang nagpalit at isinuot ang sariling damit. Muli niyang tinitigan ang sarili sa body-sized mirror, at tama nga ito. Bahagya niyang kinulot ng paalon ang bangs habang ipinusod ang likuran. White flat shoes lang din ang suot niya sa mga paa. Humarap siya kay Caleb. "I'm ready to meet your family."

"Para kang lumabas sa isang classic portrait." Inilahad nito ang palad at inabot niya iyon.

"Is that a good compliment?" Nagtaas siya ng isang kilay.

Isang matamis na ngiti ang pinauna nito bago sumagot. "Oo naman."

"Okay." Saka hawak-kamay silang lumabas ng tindahan na walang binili.

Habang minamaneho ni Caleb ang jeep nito papunta sa kanila, kabado naman siya sa magiging reaksiyon ng mga magulang nito, ngunit naroon din naman ang pananabik. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga.



Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon