Chapter Ten

1.4K 47 4
                                    

NAKARAMDAM si Erina ng kiliti sa katawan. Nabigatan siya sa kung anumang nakapatong sa kanya. Naalarma siya kaya mabilis siyang dumilat, natigilan nang makita si Caleb na humahalik sa kanyang leeg.

She stayed still. Her heart beat so fast like it was going to explode. Si Caleb, nasa kanyang ibabaw, hinahalikan siya. Ramdam na ramdam niya ang mainit at mapusok nitong mga labi sa kanyang balat. Ang pagkiliti ng dila nito sa kanyang katawan. Nakagat niya ang labi. Pinigil ang hininga.

Umaga na. Mayroong sikat ng araw na sumisilip sa loob ng kubo. Naririnig niya pati agos ng tubig sa creek, ngunit mas ramdam niya ang panginginig ng katawan ni Caleb na nasa kanyang ibabaw, lalo na ang maselang parte ng katawan nito sa kanyang hita.

What should I do? She asked while staring intently at the ceiling. Pinagsasamantalahan siya ni Caleb ngunit hindi naman niya maramdamang magreklamo, o umayaw, sa halip ay ayaw niya itong huminto. She was also taking advantage of him by pretending to be still asleep. If this will mean Caleb would stay with her, she would happily comply with this.

"E-Erina..."

Natigil siya sa pagmumuni nang marinig ang pagtawag nito. Nakipagititgan siya sa mga mata nitong nakapako na sa kanya.

"I...I'm sorry." Nakaluhod na ito sa kanyang harapan, nakahiwalay ang katawan sa kanyang katawan, at ang mga kamay ay nasa sariling kandungan, nasa posisyon ito nang paghingi ng pagpapatawad sa animo kasalanang ginawa.

"For...what?" In all honesty, she would have appreciated it more if he could have just pretended and ignored this had happened.

"N-nagising akong nasa tabi na kita, at...natukso akong h-halikan ka."

"And you are sorry about that? That...you kissed me?" Naramdaman niya ang pananakit ng dibdib, na para bang sobrang mali at bigla ay nandiri ito sa ginawa.

Tila ba ito natuka ng ahas at hindi masambit ng bibig ang nais sabihin. "O-oo. N-natukso ako."

Erina scoffed, then laughed softly. Ibinaling niya sa iba ang paningin upang itago ang munting luhang bumalong sa mga mata. His reaction made her feel dirty. The pain it caused drilled so deep inside her. Gusto niyang tumayo, tumakbo at lumayo rito, kaya tumindig siya upang gawin iyon ngunit bago pa man niya magawang tumakbo ay humablot ang mga palad nito sa kanyang kamay.

"S-sa'n ka pupunta?" Nasa mukha pa rin nito ang pagkabalisa at pagsusumamo.

"Away from you." At nasa tinig naman niya ang hinanakit.

"Alam kong galit ka at walang kapatawaran ang ginawa kong kalapastangan sa iyo, sampalin mo ako. Magalit ka sa akin," mabilis nitong saad.

The idea of hurting him did not even cross her mind, as a matter of fact, that was the last thing she would want to do. Humigop siya nang malalim na hininga, ikinurap ang mga mata upang palisin ang pamamasa ng mga mata tsaka niya ito hinarap.

"Can I punish you then?"

Mabilis itong tumango. "Kahit sampalin mo ako ng ilang beses ay ayos lang."

"Promise me you are not going to back away from me--"

"I promise," agaw nito't hindi na siya pinatapos sa sinasabi.

Lumapit siya't lumuhod din upang humanay sa posisyon nito hangang sa tuluyan na silang magkaharapan. Tumigas ang mukha nito, handang tanggapin ang sampal na sa akala nito'y kanyang gagawin.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon