Chapter Eleven

1.5K 50 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"IYONG gilingan, malaking pera ang ipinasok noon niyon kaya siguradong makababawi ang negosyo sa darating na anihan." Kumpay ni Enrique sa kamay habang kausap ang abogado ng pamilya na si Attorney Rosales. Larawan sa kanyang mukha ang iritasyon.

"Na hindi na masyadong dinarayo ngayon ng mga magsasaka dahil sa libreng gilingan sa bayan mula sa donasyon ng mga Guerrier. Kahit pa isang oras ang ibiyahe ng mga magsasaka para mapagiling ang kanilang mga aning mais at bigas kung lahat naman ay libre, walang kaso sa kanila iyon," agad na sagot ng kausap.

"Wala na akong magagamit pang salapi para maipambayad sa mga interes ng mga nalugi kong negosyo, paano pa kaya ang kapital? Kung hindi lamang sa bagyong sumira sa lahat ng mga negosyo ko ay hindi ako mangungutang sa bangko ng ganoong kalaking halaga para makabangon. Akala ko ay sapat na ang tatlong taon para mabawi ko ang lahat at makabayad pero..." Nagsalin si Enrique ng alak sa babasaging baso tsaka iyon tinungga.

"I also warned you not to compete with the Guerrier's line of business. Sakop nila ang maisan at bigasan dati pa. Maayos naman ang fruit plantation and poultry business mo dati pero nagpumilit kang sumuong sa linya nila at napabayaan mo ang sa iyo. Eksperto ang mga Guerrier sa negosyong iyon, pero hindi ikaw, Enrique."

"Punyeta!" Malakas na ibinagsak ni Enrique ang baso sa bar top, mahigpit na kumuyom ang kamay sa baso.

"Huli na para bumawi pa, said na ang perang mayroon ka para magpatuloy pa. Wala ka ng magagamit para ikolateral sa bangko," nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Attorney Rosales.

Tiim ang bagang na muling nilagok ni Enrique ang natitirang alak sa baso, nang matigilan at agad tiningnan ang kausap. "Ang lupain sa burol, sa tabi ng Twin-Hills waterfall, muntik ko nang makalimutan, pag-aari ng pamilya ko ang maluwang na lupaing iyon." Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

"Oo, isa iyon sa ipinamana ng mga magulang ninyo sa inyong magkapatid, pero kay Katerina nakapangalan ang pag-aaring iyon, hindi sa iyo."

Napalis ang ngiti sa labi ni Enrique. Natigilan. Nilapitan niyang muli ang sisidlan ng alak at nagsalin sa baso, sinimsim iyon nang dahan-dahan habang may nilalaro sa isipan.

"Kung papayag si Katerina na ibigay sa iyo ang lupang iyon, kalahati ng mga utang mo ay mababayaran at malaking tulong iyon, lalo pa kung maibebenta bilang isang commercial site dahil gagawin ng tourist spot ang talon, mas malaking halaga ang makukuha mo."

"I'll call her. Tatawagan na lang ulit kita kapag may balita na ako."

"Enrique, bilang kaibigan at abogado ng pamilya mo, pakinggan mo ang bilin ko, bitawan mo na ang anumang negosyong may kaugnayan sa mga Guerrier, hindi ka mananalo. Pagtuunan mo na lang ang negosyo kung saan ang kagalingan mo. Huwag kang magpadala sa iyong galit."

"Delmar," sa matigas na tinig ni Enrique, nagbabala.

"Kung ayaw mong mawala ang lahat ng kayamanan na ipinundar mo, huwag mong pakitirin ang utak mo nang dahil sa isang galit."

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon