Chapter Nineteen

1.2K 50 12
                                    

"D-DID I hear that right, Erina?" Katerina held her breath, her brain couldn't process what her niece just said

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"D-DID I hear that right, Erina?" Katerina held her breath, her brain couldn't process what her niece just said.

Maluwang ang ngiting umupo ang pamangkin sa silyang katapat ng sa kanya. Nasa hardin sila't pinagmamasdan ang papalubog na araw. Kahit magaan ang hangin sa ere, tila naman nasasamid siya at hindi makahinga.

"H-how far are you?"

"I'm not sure, I have yet to check with a doctor. Caleb is going to bring me to his uncle who happens to be a specialist. But I haven't had my period in the last two months, Caleb's mom said I am for sure carrying our baby."

"C-Caleb, who? Is he your boyfriend?"

"Of course, Tia! And he loves me, so, so much! Look." Ipinakita nito ang singsing na nasa daliri. "Caleb is coming tonight to ask for my hand, we're going to get married."

She could see the happiness twinkling in her eyes, she had not seen her like that before. She was only nineteen, there were so much things--good things were waiting for her in the future, marriage could wait, but with her pregnancy on the way, she couldn't say anything.

"Aren't you happy for me, Tia Kate? Coz I am, very much so." Halos maluha-luha ang mga mata nito habang maluwang ang pagkakangiti.

"I'm...happy for you, of course. I am looking forward to meeting him, the lucky guy." Pinilit niyang ngumiti.

"He'll be here in an hour. You've got to help me to tell my parents, alam mo naman sila. Please Tia?" Hinawakan nito ang kanyang mga kamay, humilig pa sa kanyang dibdib, nang-aamot ng kakampi.

"O-of course you, silly girl. Alam ko namang ako lang ang kakampi mo."

"Let's go. Papa is in his study room." Nagpatiuna ito sa pagpasok ng bahay patungo sa silid ng kanyang kakambal.

Anuman ang mangyari ngayong gabi, kahit hindi siya sigurado at sang-ayon sa sitwasyon nito, kailangan niyang manatiling nasa tabi ng pamangkin, siya lamang ang maasahan nito.

"BUNTIS? Ikaw?" Mabilis na lumipat ang paningin ni Enrique sa tiyan ni Erina. Maging siya'y halos matinag sa malakas na boses na ginawa ng kakambal.

"Yes." But Erina was the bravest she had ever seen. Kahit alam niyang kabado ito, hindi napalis ang ngiti nito sa mga labi.

"He's coming tonight to meet you. Please, I am begging you, accept him respectfully."

Hindi muna umimik si Enrique, namula ang mukha nito sa pinipigil na emosyon, marahil galit. "Wala ka pang tatlong buwang naririto, nagpabuntis ka na sa kung sino?" sa mariin nitong tinig.

Dumiretso ang mga labi ni Erina, naging determinado ang reaksiyon. "He's not just anybody. He came from a really good family, and I'm sure you have heard of them."

"Wala akong pakialam! You should have reined her, Katerina!"

"Kuya Enrique--"

"I am not a pet!" mariing agaw ni Erina. "Nor a thing that you can discard anytime you don't have a use for it. Anak ninyo ako, Papa...but why can't you accept me? Why?!"

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon