Chapter Twenty-One

1.2K 56 18
                                    

"CALEB anak, heto na ang ticket papuntang San Franciso, sasalubingin ka roon ng aking mama, ang iyong lola, siya na rin ang tutulong para makapasok ka sa mapipili mong kolehiyo na mapapasukan." Nakangiting pumasok si Clarissa sa family room at umupo sa kinauupuan nila ng anak.

Tiningnan naman ni Alvaro ang asawa, nakita niya sa mukha nito ang tuwa sa ginawang pagpayag ng kanilang panganay na mangibang bansa. Maging siya'y sang-ayon din sa desisyong iyon kaya naman agad niyang pinalakad ang pagkuha ng plane ticket.

Tumikhim si Caleb, bago matipid na ngumiti. "M'my, Dad, I decided not to go."

Nawala ang ngiti sa labi ni Clarissa. Napamaang, nagtaka. "B-but why?"

"Ayos na ho ako. Promise. See?" Binayo nito ang sariling dibdib upang ipakita kung gaano iyon katatag. "Hindi ho ito ang unang pagkakataong nasaktan ako, mas masakit nga lang, pero pangako ho, maayos na ho talaga ako. Alam naman ninyo ang ugali ko, hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang bagay na walang katuturan." He could see how his son forced a smile.

"Are you sure?" Sa determinado niyang tinig.

Matiim na nakipagtitigan ang anak sa kanya, bago matipid uling ngumiti. "Oho. Dito ho ako mag-uumpisa, at dito ko rin bubuuin ang pangarap ko. Ipagpapatuloy ko ho ang kursong kinukuha ko, tatapusin at tutulong din ho ako sa pagpapalakad ng inyong negosyo."

"Oh, Caleb! I am so happy to hear that. Akala ko, akala ko'y hindi na kita makikitang maging maayos uli pagkatapos ng...ng nangyari sa iyo. You deserve so much better." Napaluhang hinawakan ni Clarisa ang kamay ng anak.

"Salamat ho sa pagsuporta, M'my." Nilingon niya ang ama. "Siya nga pala, Dad, pwedeng mag-intern sa office mo? Gusto ko hong pag-aralan ng mas maaga ang pasikot-sikot sa administration, kahit mag-umpisa ako sa pinakamababang posisyon, ayos lang."

"First year college ka pa lang, kakayanin ba ng schedule mo?"

"I will work around it. Gusto ko na hong matuto agad."

"Caleb, bakit hindi mo na lang muna i-enjoy ang college life mo? Makapaghihintay naman ang negosyo ng pamilya." Singit ni Clarissa.

Nilingon ni Caleb ang ina. "'Wag ho kayong mag-alala, M'my, lahat naman ng ginagawa ko at gagawin ay siguradong ma-e-enjoy ko." Lumingon uli ito sa kanya. "So, Dad, pwede ba?"

"Istrikto akong boss." Matipid niyang ngiti sa anak.

"Mabuti ho, dahil istrikto rin akong tauhan." Balik ngiti nito.

"Sige. Sa opisina ka na dumiretso pagkatapos ng klase mo, si Ms. De Asis ang magsasabi ng mga gagawin mo."

"Salamat ho." Tumayo ito. "Goodnight na ho, M'my, Dad, mauuna na ho akong matulog. Maaga pa ho ang exam ko bukas." Saka na ito lumabas.

"Alv..." Clarissa started when Caleb was gone.

Nilingon niya ang asawa.

"Is he...is he really alright?" Bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala.

"He said he is, let's just believe in him."

"Ano ba talagang nangyari? Isang linggo siyang nawala tapos pipilay-pilay siyang umuwi? Isang buwan siyang nagkulong sa kanyang silid at halos hindi kumain. Alam kong ang babaeng iyon ang dahilan, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya pasado? Nasasaktan akong malaman na wala man lang tayong nagawa para siya ipagtanggol." Pumatak ang mga luha nito.

"Clari, hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa iyo. Walang sinabi sa akin ang ating anak, at ayokong magtanong at pilitin siyang magsalita. He will tell us when he's ready."

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon