Chapter Thirty-Eight

2.1K 81 32
                                    

HINDI agad nakaimik si Caleb sa tinuran ni Erina. Tuliro siya, hindi kumilos. Kumurap ang kanyang mga mata, ibinaling ang paningin sa ama, bago sa tiyuhin.

"Do you know why I left you, Caleb? Because I found out, and I thought that I was my mother's daughter with your father, Alvaro; that he left my mother and married your mom; that we shared the same blood and we were committing an unforgivable sin. Muntikan ko nang ipalaglag ang aking anak at iniwanan ko siya dahil isa siyang kasalanan." Erina was hysterical.

Ngunit wala pa rin siyang kakilos-kilos. Naramdaman niya ang pagbalong ng mga luha sa mga mata bago masaganang tumulo sa mga pisngi.

"I suffered for years. I thought I was dirty, so filthy! Ayoko nang muling maranasan pa iyon, ayoko na." Erina continued.

Flashes of memories came back to Caleb, since the times when Erina stepped on his pride; his love; his life. Kung bakit ganoon na lamang kadaling naglaho ang pagmamahal nito sa kanya, na kaagad siya nitong tinalikuran pagkatapos ng kanilang pangako sa isa't isa. Ngayon ay naging malinaw na sa kanya ang lahat. Ngunit hindi ganitong katotohanan ang kanyang nais malaman. Hindi ang ganitong kabaliw na kadahilanan. Hindi.

"Oh, god!" Erina fell on her legs, sobbing hard.

Naghirap itong mag-isa, inako ang kasalanan nilang dalawa at sinarili ang parusa. At sa mga panahong nagdurusa ito, galit at pananakit ang ibinigay niya sa babaeng minahal, mga bagay na hindi nararapat, na dapat ay kanya ring naranasan.

He too, cried his heart out. Kung gayon, ang lahat-lahat ng mga nangyari sa kanila ni Erina ay isa lamang kasalanan? Ah, his chest felt so tight. Tila may mabibigat na mga kadenang humihila sa kanyang katawan upang mapaluhod sa sahig. Napasunod siya. Napasabunot ang mga kamay sa buhok. Nagkatunog ang kanyang pag-iyak habang itinatanggi sa isipan ang katotohanang nalaman. Katulad ni Erina, napasigaw na rin siya sa iyak. How could this be?

ALVARO watched as his son dimmed with strong emotions. Gayon din si Erina na sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang nakadama ng paghihirap sa sarili. Nang dahil sa nakaraan nilang nakatatanda, ang mga ito ang nagdurusa. Hindi na niya papayagan pa iyon. Tama na.

"Guillermo, sabihin mo ang totoo." mariing agaw ni Alvaro, matalim pa rin ang mga matang nakatitig sa tinawag.

Tumayo si Guillermo. Nasa kilos nito ang panlulumo, nawala na ang lakas na ipinakita kanina nang sapilitang kuhanin si Erina. Dahan-dahan itong lumingon sa kinaroroonan ni Erina, mataman itong pinakatitigan. His face changed; a bittersweet smile rose at the corner of his lips.

"Hindi kami magkadugo ni Clarissa, step-siblings kami. I was fifteen years old and she was thirteen when my father married her mother. Sinunod nilang mag-ina ang apelyido ng aking ama."

Natigilan sa paghihinagpis sina Caleb at Erina, na kay Guillermo ang buong atensiyon ng mga ito at sa ipinagtapat nito. Maya-maya'y sa isa't isa ito nagtitigan, nasa mga mukha ang pag-asa. Panibagong luha ang umusbong sa kanilang mga mata, ngunit iyon ay dahil sa kaligayahan. Erina sobbed again yet smiles and laughter came with it.

Unang tumayo si Caleb, mabilis na nilapitan si Erina at niyakap ito. Erina hugged back, arms wrapped around tightly at Caleb's body. Pinaulanan ng mga halik ni Caleb si Erina sa ulunan nito, sa buhok, sa mukha, at saka muli itong yayakapin ng mahigpit.

"Caleb, oh Caleb!" Paulit-ulit na pagtawag ni Erina, hindi pa rin makapaniwalang malaya nilang maiibig ang isa't isa.

"I'm sorry, Erina, I am so sorry. Sa lahat-lahat. Hindi ko alam. Wala akong alam sa mga pinagdaanan mo. Patawarin mo ako sa mga ginawa ko. Oh, god, forgive me, love, forgive me." Caleb kissed Erina on the lips, it was short yet was satisfying. "Parusahan mo ako, saktan mo rin ako, tatanggapin ko, patawarin mo lamang ako."

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon