Chapter Thirty-Five

1.7K 76 27
                                    

ALVARO's eyes were intently set on his desktop computer, reading an email from his eldest son, Caleb. Pagkatapos ng ilang buwang pag-renovate sa dating mansiyon ng mga De Dios, natapos na rin ito at magbubukas sa susunod na linggo. Napangiti siya dahil inimbitahan siya nitong magputol ng ribbon sa pagbubukas ng Casa Del Rio, ang pangalang binuo ng anak para sa commercial guesthouse.

Tumayo siya sa kinauupuan at pumwesto sa tabi ng malaki't salaming bintana, pinanood ang anino ng papalubog na araw sa swimming pool sa kanilang bakuran. Papagabi na. Humakbang siya upang lumabas na ng pribadong opisina nang matigilan sa harapan ng isang bookshelf, salamin ang pinto niyon, pinagmasdan niya ang sariling kabuuan.

May ilang puting buhok na sumilay sa makapal pa rin niyang itimang buhok. At late forty, medyo pansinin na rin ang ilang gitla sa kanyang noo at gilid ng mga mata. Napahawak siya sa baba, sa pinaghalong itim at puting balbas na hindi pa niya naahitan. Dahil na rin siguro sa well-balanced niyang pagkain at pag-ehersisyo, nanatili pa ring maayos ang kanyang kalusugan at katawan. Nagpamulsa siya't tuluyan ng lumabas ng silid patungo sa silid nilang mag-asawa.

Lumuwang ang kanyang pagngiti nang maabutan ang asawa pagbukas niya ng pinto ng kuwarto. Tinawag niya ito. "Clari?"

Her slender body remained as it was despite of giving birth to three children. Pinanatili rin nito ang angking ganda at pag-aayos sa sarili. Hindi ito kailanman lumabas ng kanilang silid na walang palamuti sa katawan at kaunting kolorete sa mukha.

"Clari?" Hindi yata siya nito narinig.

Nakatitig ito sa sariling repleksiyon sa salamin, mukhang nahulog sa malalim na pag-iisip. Hawak nito sa isang kamay ang cellphone, mahigpit na nakahawak doon. Nilapitan na niya ang asawa at hinawakan ito sa balikat. "Clari?" he called again.

Nagitla ito nang makita siya, agad na napatayo at nanlaki ang mga matang napatingin sa kanya. "A-Alvaro! K-kanina ka pa ba riyan?"

Ngumiti siya, isang bagay na alam niyang magpapakalma sa asawa. Sadyang magugulatin ito at madaling kabahan. Kinuha niya ang kamay nito't hinaplos. "Oo, at mukhang nalunod ka naman sa sarili mong mundo. Are you alright?"

Mabilis itong tumango, paulit-ulit at lumunok. Iniiwas nito ang mga mata sa kanya, binawi ang kamay at muling naupo sa silya sa harapan ng tokador. Dinampot nito ang hairbrush at sinuklay ang mahabang buhok.

"Maliligo lang muna ako nang makapag-ahit bago mag-dinner." Binuksan niya ang isa sa mga kabinet at kumuha ng pamalit na damit.

"A-ah, okay."

"Siguradong okay ka lang, ha?" muli niyang tanong bago pumasok sa banyo na nasa loob ng kanilang silid.

Muli itong tumango. "Oo naman." Maluwang nitong ngiti.

He nodded his head then entered to the bathroom.

CLARISSA breathed out a heavy sigh when Alvaro was out of her sight. Pinagsalikop niya ang nanginginig na mga kamay. Tiningnan niya ang cellphone na nasa tokador, muling bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Nasapo niya ang noo, itinukod ang mga siko sa ibabaw ng tokador. Alam niyang darating ang araw na ito, subalit batid din niyang kahit kailan ay hindi siya magiging handa kapag nangyari iyon. Fear started enveloping her being, she embraced herself.

Alvaro has been good to her, as a man and as a husband. Naging mabuti at uliran din itong ama ng kanilang mga anak. Just thinking of him gone in her life made her tremble in fear. Mahal na mahal niya ang asawa, mula nang una niya itong makilala magpahangang ngayon, hindi nabawasan iyon at sa halip ay lalo lamang lumalim at tumindi.

Mabilis siyang lumabas ng silid, itinago ang takot at pag-iyak sa asawa. Ano ang kanyang gagawin? Paano siyang hihingi ng tawad sa asawa? Paano niyang itatama ang mali? Tinutop niya ang bibig upang pigilan ang malakas na pagsinghap.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon