Chapter Eighteen

1.2K 48 3
                                    

"ARE you sure?" Napatayo si Erina sa kinauupuang kama ni Caleb sa silid nito.

Maluwang ang mga ngiting niyakap siya nito pagkatapos sabihin ang sinabi. "Oo Mahal, buntis ka raw. Magkaka-baby na tayo."

Mahigpit din siyang yumakap pabalik sa kasintahan. Hindi niya mapangalanan ang nararamdaman ngayon, halo-halo kasi. Bumalong ang luha sa kanyang mga mata. Kumalas siya kay Caleb at muling umupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang tiyan, ngumiti kasabay nang pagpatak ng luha sa kanyang mga pisngi.

"Erina?" Umupo si Caleb sa kanyang tabi. "Okay ka lang?"

"Leb, I'm going to be a mom." Her eyes sparkled with tears.

Hinawakan nito ang kanyang kamay habang ang isang palad ay humaplos sa kanyang pisngi. "Oo, at ako ang magiging daddy." Kumislap din ang mga mata nito sa mga luhang nagbanta sa pagbalong.

"Oh Leb!" Muli siyang yumakap dito.

"I love you, Erina. Hindi ko alam kung paano, pero alam ko kung gaano," Humugot ito ng malalim na hininga, "lalo pa't nagbunga ang ating ginawa, mas lalo kitang minahal."

She didn't think happiness would be possible, and she had it right at this moment, with Caleb, and with their unborn baby in her stomach. She couldn't wait to meet her, yes, it will be a she. She will give her child all the love that she didn't get from her own parents. She will not let her live in loneliness and sadness. She will make sure of that.



"TIA KATE!" Mabilis na sumalubong si Erina sa tiyahin.

"Erina, love." Matamis na ngiti nito. Kabababa lamang nito ng jeep ng kanyang ama na siyang sumundo rito sa airport. "How are you?" Kumalas ito sa pagyakap saka pinagmasdan ang kanyang mukha. "Oh, how much I missed you!" Pinisil nito ang kanyang baba.

"Ouch, Tia! I'm not a baby anymore. How was your flight?" Iginiya niya itong papasok ng bahay.

"Okay naman, medyo pagod. Look at you, looks like the foods here did you good. Hiyang na hiyang ka rito a."

Hindi niya napigilang mapahagikgik na para bang kiniliti siya. "I will tell you later. It's a surprise." Kumindat pa siya.

"Hm?" Tumaas ang isa nitong kilay, katulad ng kung paano rin niyang itaas ang kanyang kilay.

"Hmm!" she gruntled back after giggling.



ENRIQUE watched as Katerina and Erina chatted happily. May kumurot sa kanyang puso, kaalinsabay ng galit at lungkot para sa dalawa. Hanggang kailan niya maitatago ang isang lihim tungkol sa mga ito? Tama nga ba ang desisyong kanyang ginawa noon? Ngunit sa nakikita niya ngayon, gusto niyang isipin na tama lang, at makabubuting ibaon na lamang niya sa limot ang lahat.



MARAHAN ang mga hakbang na pumasok si Katerina sa kanyang dating silid. Inilibot niya ang paningin sa mga puting kurtina na may ruffles sa laylayan; kulay kremang pintura ng bawat dingding; ang body sized white teddy bear na nakaupo sa rocking chair na gawa sa rattan; ang kamang sinasapinan ng puti na may mga burdang bulaklak...iyon pa rin, walang nabago magmula ng lisanin niya ang bahay na ito.

Dumiretso siya sa matayog na built-in cabinet na kulay tsokolate, binuksan ang dalawang pinto. Mula sa papag ay iniangat niya ang isa sa mga shelf na nakapatong doon, may hinugot na isang brown envelope. Napangiti siya, ngiting hindi umabot sa mga mata. "You're still here..." she whispered to herself and finger-brushed the olden texture of the paper.

Umupo siya sa gilid ng kama, dahan-dahang binuksan ang envelope at hinugot ang nasa loob niyon. Pictures, little notes, love letters—things that she had tried to buried but couldn't let go so she hid them, and now...looking at the pictures again brought all the memories back from the past.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon