Chapter Thirty-Six

1.7K 81 28
                                    


ALVARO thought of his wife, Clarissa. Alam ba nito na darating ang kuya nito? Pinahinahon niya ang sarili. Kinuha niya ang cellphone na nasa ibabaw ng mesa at tinawagan ang asawa. The phone just kept ringing. He tried two more times, but she did not pick up.

He picked up his car keys together with the other keys in a chain. Lumabas siya ng opisina patungo sa nakaparadang sasakyan. May dalawang oras pa siyang palugit bago dumayo sa Casa Del Rio event. Tonight, was the ribbon cutting, he and his wife were given the honor of doing it. Kahit maaga pa, nagdesisyon na siyang magtungo sa Del Rio.


CLARISSA drove straight ahead to Hacienda Guerrier hoping to find Guillermo in there. Sinalubong siya ng katiwala ng mansyon na si Matilde.

"Senyora Clarissa!" Lumuwang ang ngiti ng matanda. Sinalubong siya nito sa may pintuan. "Ang akala ko ay sa Casa ka na didiretso."

"A, Aling Matilde." Iginala niya ang paningin, may hinahanap. "S-si Guillermo ho, nasaan siya?" Pinuntahan niya ang library kung nasaan ang pinakamalapit na daanan papuntang swimming pool. Ang swimming pool kasi ang dating hilig ni Guillermo na pagtambayan noong dumarayo pa ito sa hacienda.

"Si Sir Guillermo? Ang kuya ho ninyo?" Nangunot ang noo ng matanda. Tumigil siya sa paghahanap.

"Hindi siya nagpunta rito?" Napamaang siya.

Umiling ito. "Aba, wala namang sinabi si Caleb na darating ang kanyang tiyuhin. At wala ring bisita na nadadalo rito maliban kay-" huminto ito sa pagsasalita.

"Kanino ho?" Nanlaki ang kanyang mga mata. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.

Tumikhim ang matanda. "K-kay Erina." pagtatapos nito.

"Erina? E-Erina De Dios?" Lalo yatang bumigat ang kanyang paghinga.

Tumango ang katiwala. "O-oo."

Her heart throbbed in anxiety. Nailapat niya ang kamay sa dibdib. Nag-isip siya, ngunit hindi niya alam kung ano ang dapat isipin at gawin. She wanted to stop Guillermo from being here again. To get him away from her family, especially from Alvaro. She wanted him to stay hidden, and to have his mouth remain sealed. But with Erina...if he saw Erina who had the exact replica of Katerina, it could become the trigger to his obsession.

"N-no." Umiling siya. Binalot na siya ng takot sa buong katawan. "No." She felt her knees giving away. Napahawak siya sa sandalan ng sofa, doon isinandal ang panghihina ng katawan. "No." she cried. Fear quickly eating her out.

"Senyora Clarissa? Bakit ho?" Nilapitan siya ng matanda upang alalayan ngunit pabalang niyang binawi ang kamay. Basa ng mga luha ang kanyang mukha at larawan siya ng takot sa buong katauhan.

"Oh my god..." Naupusan na siya ng lakas at napadausdos paupo sa sementadong sahig. "Oh god, no." She wailed.

"T-teka't tatawagan ko si Senyor Alvaro." Kumilos ang matanda ngunit agad niya itong inagapan.

"Huwag! Huwag mo siyang tatawagan." Umiling-iling siya.

"E, si C-Caleb kaya?" Nasa mukha na ng katiwala ang matinding pag-aalala.

"No, don't call them. No." Pinilit niyang tumayo. Pinatatag niya ang mga tuhod upang makakilos. "I... I need to find Guillermo." Nanginginig man ang mga tuhod, tumayo siya't lumabas ng mansiyon at tinahak kung nasaan ang sasakyan. Casa Del Rio was her next destination.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon