Chapter Twenty-Nine

1.3K 70 11
                                    

NASANAY na si Erina na makisama at makipagtagisan sa mahirap na buhay, natutunan niya iyon magmula nang iwanan niya ang marangyang buhay ng isang De Dios. Hindi naging mahirap para sa kanya ang matulog sa lumang kama na may manipis na kutson at kandila na siyang tanglaw sa silid. Bukas pa ibabalik ang kuryente para sa pag-uumpisa ng konstraksiyon.

Juliet used to sleep here with her mother, she smiled upon remembering her childhood friend. Nasaan na kaya ito? Ano na kaya ang nangyari rito o may-asawa na ba ito-mga katanungang naglalaro sa kanyang isipan.

Lalo pang lumuwang ang kanyang pagngiti nang maalala ang kinilalang ama, kung paano siya nitong tinanggap nang buong puso at humingi ng patawad, natikom niya ang bibig upang pigilan ang pagbalong ng mga luha. How long has it been since then? A, kaytagal na...napakarami nang nangyari.

She pursed her lips when Katerina's image flashed in her mind. Hindi pa rin niya mawari kung ano ang dapat gawin sa kanilang kasalukuyang relasyon. Kumurap siya, may isa pang katanungang nagsusumiksik sa kanyang isipan, sino ang lalaking lumapastangan sa kanyang ina? At bakit? A part of her wanted to know who her real father was.

Bumalikwas siya ng bangon at tiningnan ang kanyang cellphone, may hinanap sa kanyang contact list, nang makita ay tumipa siya ng mensahe para roon saka ipinadala. Limang minuto ang lumipas bago sumagot ang kanyang pinadalhan ng mensahe. Agad niya iyong binasa. Lumaylay ang kanyang mga balikat, wala pa ring nakalap na impormasyon ang nurse tungkol sa kanyang hinihingi.

Muling tumunog ang kanyang cellphone, picture message iyon, sa ibaba ng picture ay may nakasulat na Martin Cristobal, M.D. Napadiretso siya sa pagkakaupo at matiim na tinitigan ang larawan. Sinabi pa ng nurse na hindi raw ito sigurado kung ang nasa litrato nga ang kanyang hinahanap ngunit nakita nito sa old files ng personnel ang pangalang iyon.

Bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib, natatandaan pa niya ang itsura ng doktor na nagpaanak sa kanya. "I will find you baby, I will surely find you," bulong niya sa sarili. Pumatak ang kanyang mga luha, hanggang sa nakatulugan niya ang pag-iisip sa anak.



MIRADEL was shy and timid when she first met her, especially after finding out that she was her former employer's daughter. Para lang itong si Juliet, mahinhin ang mga kilos at matipid kung ngumiti.

"M-Ms. Erina, tapos ko na hong lutuin iyong pananghalian, pwede na ho nating i-serve sa mga trabahador." Hindi tumitinging sabi nito.

"Ate Erina na lang, Miradel, hindi mo naman ako naging amo e, ang papa ko lang. Saka huwag ka ng mahiya sa akin, katulad mo lang din naman ako, katulong dito."

Nanlaki ang mga mata nito saka umiling. "Naku, hindi ho. Matagal hong nanilbihan ang magulang ko sa pamilya ninyo. Napakabait din ho ni Senyor Enrique sa amin. Kung hindi nga lang nabili itong..." saglit itong tumigil, napalunok bago nagpatuloy, "itong Villa De Dios, hindi kami lilipat ng amo."

Erina genuinely smiled. She liked what she heard, that there were people who stayed loyal to her family despite of the circumstances. Kinuha niya ang ilang mga pinggang may lamang mga pagkain at inihatid sa labas kung saan nakapuwesto ang mahabang mesang gawa sa katawan ng kahoy. Tinulungan na rin siya ni Miradel.

Lunch. Snacks. Dinner. Katu-katulong siya ni Miradel sa paggawa ng mga iyon, pagkatapos ay saka lamang niya nagagawa ang pinagagawa sa kanya ni Caleb.

Isang linggo rin siyang namalagi roon bago siya nito pinapunta sa hacienda Guerrier upang mag-report. Nagpahatid siya sa truck ng mga trabahador nang hapong papauwi na ang mga ito.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon