Chapter Thirty-Three

1.6K 69 48
                                    

"GOOD morning kids." Maaliwalas na mukha ni Caleb ang bumungad sa hapag-kainan.

Kaylee watched as her father picked up the steaming coffee in a mug from the table and took a sip. Nang maibaba ang kape, pinuntahan nito si Augustus na abala sa pagkain ng pritong itlog at sinangag na kanin.

"Ang galing naman kumain ng bunso ko." Puri ng ama sa kanyang kapatid.

"Mukhang maganda ang gising mo a?" May ngiting komento ni Lola Matilde habang nagsasalin ng pagkain sa plato ng kanyang ama.

Kay Lola Matilde naman bumaling ang kanyang ama, hindi pa rin napapalis ang ngiti sa labi. "Ha? Hindi ho ba dati naman?"

"Naku, iba ngayong umaga, siguro ay nanaginip ka nang napakaganda at tangan mo pa rin sa iyong paggising." Nilingon siya ng matandang katiwala, ngumiti.

Mabilis niyang iniiwas ang mga paningin, sa sariling pagkain itinutok ang mga mata.

"Kay, good morning sweetheart." Sa kanya naman bumaling ang ama.

"G-good morning, Dad." Sumipsip siya sa pineapple juice na nasa baso.

"Mukhang ang tahimik mo naman yata, may problema ba?" Bumakas sa mukha ng ama ang pag-aalala.

"W-wala ho." Tumindig siya. "Excuse me, Dad, may nakalimutan lang ho ako sa kuwarto ko." At mabilis na siyang humakbang palayo, umakyat sa ikalawang palapag ng mansiyon papunta sa kanyang silid.

Kaylee leaned her back behind the door, she tried to calm herself until her breathing became even. Tumingala siya sa kisame ngunit hindi iyon ang pumako sa kanyang mga mata kundi ang mga nasaksihan kagabi. Kumuyom ang kanyang mga palad, pumikit, paulit-ulit na nilaro sa isipan ang mga narinig.

A tear dropped; her lips quivered. She opened her eyes and looked at the lamp table by her bed, a portrait was standing on there. "Mommy...is it true?" Nagkatunog ang kanyang pag-iyak. "Totoo ho ba?" Tanong niya na tila ba nasa harapan lamang niya ang yumaong ina.

"Kaylee?" Nagulat siya sa pagtawag ng ama. Mabilis siyang bumalikwas, pinunasan ang mukha gamit ang mga kamay.

Kumatok ang ama sa pintuan. "Sweetheart, are you alright?"

"O-opo! Lalabas na po ako." Inayos niya ang sarili, mabilis na tiningnan ang mukha sa salaming nasa tokador bago binuksan ang pinto.

Nakangiting mukha ng ama ang sumalubong sa kanya. "Hey, ihahatid ko na kayo ni Augie sa school at baka ma-late kayo. Are you ready?"

Tumango siya. "Opo. Kunin ko lang po 'yong bag ko." Nagpatiuna na siya sa pagbaba sa hagdanan pagkatapos.

Nagpaalam siya sa matandang katiwala pagkabalik sa kusina. Inalalayan niya ang kapatid papunta sa sasakyan, siya na rin mismo ang nag-ayos ng car seat nito bago siya umupo sa passenger side sa harapan.

Naunang ibinaba ng ama ang kapatid sa school nito bago siya. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi niya ginawaran ng halik sa pisngi ang ama. Nagpaalam lamang siya at mabilis ng tumakbong palayo sa sasakyan. She couldn't pretend that everything was alright after what she heard and saw. Ngunit naroon ang takot sa kanyang dibdib, maniniwala ba siya? Marahas niyang ipinilig ang ulo't nag-focus para sa araw na ito.



KANINA pa nagsasalita si Rommel sa kanyang harapan ngunit wala roon ang kanyang konsentrasyon. Nagtataka siya sa inakto ng panganay na anak. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi nito ginantihan ang kanyang "I love you."

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon