Chapter Eight

1.4K 50 2
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"DREW, Mat, kanina pa kayo?" Masaya silang sinalubong ng kanilang ina nang dumiretso silang apat sa kusina upang batiin ito.

"Mama, magandang gabi, po." Si Matthew ang unang humalik sa pisngi ng ina, na sinundan agad ni Andrew.

"Ma'." Maikling bati ni Andrew bago binuksan ang ref upang kumuha nang maiinom na tubig.

"Tamang-tama, malapit nang matapos itong kalderetang niluluto ko, magsipagligo muna kayo bago kayo dumulog sa hapagkainan. Juliet, pakitulungan ang iyong nanay sa paghanda sa mesa."

"Oho, Senyora Lucinda." Yumuko si Juliet upang magbigay-galang sa amo bago nilapitan ang ina nitong inihahanda ang mga gagamitin sa mahabang mesa sa dining room.

"How about me, what do I need to do?" Itinaas ni Erina ang kanang kamay upang kunin ang atensiyon ng ina.

Saglit itong natigilan, tila ba roon lang nito napansing naroon din siya. Iginala nito ang mga mata, naghahanap nang maibibigay na gawain sa kanya. Nagkatinginan silang magkakapatid, kung wala lang siguro ang mga ito ngayon, marahil ay hindi na siya pagtutuunan pa nang pansin ng ina.

"Wala kang gagawin, 'te. Tara sa kuwarto ko, may ipakikita ako sa 'yo." Hinawakan siya ni Matthew sa siko tsaka hinilang palabas ng kusina.

"Ligo muna kami, Ma'." Paalam ni Andrew na sumunod sa kanila ni Matthew.

"Huwag kayong magtatagal. Darating na ang papa ninyo mayamaya." Pahabol ng ina.

"WOW, I like your room." Iginala ni Erina ang paningin sa silid, malinis iyon, maayos, lahat ng gamit ay nasa tamang lugar. Tumigil ang kanyang mga mata sa poster na nasa dingding. "Are you in a band?" Tsaka nilingon si Andrew.

"I wish." Pumunta ito sa malaking built-in closet, binuksan ang pinto at may kinuha mula sa loob.

Natuwa siya nang makita kung ano iyon. "You play a guitar?"

Ngumiti lang ito. Umupo ito sa gilid ng kama tsaka ipinuwesto ang gitara sa kandungan tsaka sinimulang laruin ang strings niyon.

"Who are those then?" Nguso niya sa poster.

"Rivermaya 'te, favorite band namin ni kuya." Si Matthew ang sumagot.

Hindi niya naituloy ang gustong itanong uli dahil nagsimulang tumugtog si Andrew.

Close your eyes

Dry your tears

'Coz when nothing seems clear

You'll be safe here

Erina gasped not just in Andrew's smooth playing but also in Matthew's soothing singing voice, then smiled. Sigurado siya, maraming maghahabol na mga babae sa kanyang mga kapatid, dahil ngayon pa lang ay gusto na niyang tumili habang pinanonood ang mga ito.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon