Chapter Six

1.5K 52 6
                                    

THE show was almost two hours long. Kung siya lang mag-isa o mga kaibigan ang kasama niya ngayon ay baka umalis na siya dahil sa bagot. Tiningnan ni Caleb ang katabi, tila ba bawat minuto rito ay mahalaga. Nanatili ang ngiti nito sa mga labi at nakikisigaw rin sa pagsagot sa tuwing may itatanong ang emcee sa kung sino ba sa mga kandidato ang kanilang gusto.

"Three!" Erina screamed. Tumayo pa ito at ginaya ang isa sa mga nanonood na nakataas ang tatlong daliri. Tuwang-tuwa ang ilang sa mga katabi nila sa pagmamasid kay Erina. Siya pa yata ang gustong mahiya sa ginagawa nito.

Inilapit niya ang bibig sa tainga ng dalaga at bumulong, "Erina, relaks."

"But this is fun." Balik-bulong nito at dahil hindi niya inaasahang agad itong sasagot, halos nagdikit ang kanilang mga labi dahil hindi pa niya nailalayo ang mukha.

Bumaba't tumaas ang tingin ng dalaga sa kanyang mga mata't labi. Lumayo lang sila sa isa't isa nang muling naghiyawan ang ilang nanonood. Sinasabi na kasi ng emcee ang nakapasa sa top five finalist.

"Caleb, gusto ko iyon?" Turo ni Erina sa isang batang lalaking mga sampung taong anyos marahil at sa dala nitong basket na paninda.

Kumaway siya sa bata at nang lumapit ay bumili. Halata sa mukha ni Erina ang pagkatakam sa kanyang binili. "Mango." Turo pa niya sa manilaw-nilaw na prutas na nasa isang maliit na supot.

"I know." Maluwang na ngisi nito na para bang sinasabing alam talaga nito kung anong klaseng prutas iyon.

Naramdaman ni Caleb na namula ang kanyang mga pisngi dahil sa hiya. Nasapo niya ang batok at alanganing ngumiti. Iniabot niya ang mangga rito.

"Caleb, what's this?" Turo nito sa kasamang sawsawan sa supot.

Tiningnan niya iyon. "A, minatamis na alamang."

"Alaman? What's that?" Kumunot ang noo nito, tsaka idinampi-dampi ang dulo ng maliit na piraso ng mangga roon.

"Alamang." Pagtatama niya. "Sauted shrimp paste. Siguradong mayroon nito sa inyo."

"Yes, alaman, jeez." She rolled her eyes. "I have never tried it."

Napailing na lang din siya. "Tikman mo. Kainin mo iyang isinawsaw mo." Turo niya sa hawak nitong pirasong mangga na nilaro sa alamang kanina.

Hindi muna ito kumilos, tiningnan ang alamang na nasa mangga. Huminga muna ito nang malalim bago pikit ang mga matang isinubo iyon. Nangiti siya sa reaksiyon nito. Dahan-dahan itong ngumuya na tila ba kinakabisa ang lasa niyon at handang idura kapag hindi nagustuhan. Bigla itong dumilat.

"Hm! It's good!" Nanlaki pa ang mga mata nito.

"Masarap?"

"Sarap." Maikli nitong tugon sa nasisiyahang ngiti.

Hindi niya alintana sa sariling nakangiti na rin, katulad nang mga matang nakatingin sa kanila at natutuwa rin sa reaksiyon ni Erina. Binawi niya ang sarili. Tumikhim at umayos sa pagkakaupo.

"And the Miss Gay Peñaflor City of 2008 is..." anunsiyo ng emcee.

Nagsigawan ang mga nanonood ng kani-kanilang kandidato. Nakisigaw uli si Erina, habang siya ay pinanonood lang ito.

"Three! Three!" Nakataas pa ang kanang kamay nito na may bilang na tatlong daliri. "Three!"

"Candidate number three!" bitaw ng emcee.

Hiyawan ang mga nakatama ng sagot. Maging si Erina ay tuwang-tuwa at pumalakpak din sa pagkapanalo ng ibinoto nito.

"Oh my gosh! He was amazing. He does really look like Tina Turner, I love her songs you know." Pagkuwa'y nag-pose ito—itinaas sa hangin ang dalawang kamay, itinukod sa sahig ang isang paa, naka-side view ito sa kanya at matiim siyang tinitigan. Nagulat pa siya nang basta na lang itong kumanta't sumayaw, ginaya ang talent ng nanalong kandidato na replica ni Tina Turner.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon