Chapter Twenty-Seven

1.3K 72 37
                                    

"I DON'T understand." Namutla ang mukha ng kaharap ni Caleb na si Kristel, lumarawan din sa mga mukha ng mga bisita ang pagkalito sa kanyang sinabi.

"I like what you did in Kastilyo Parola, it was beautiful that's why the company decided to extend your contract and do the job here in Del Rio."

"T-thank you, and we really appreciate it, Mr. Guerrier-"

"Caleb, you may call me Caleb."

"C-Caleb, pero...karamihan sa mga disenyong nagustuhan ninyo ay kay Erina galing, though she isn't licensed yet, but she is currently in school and training to become one, medyo unfair naman yata na basta ko na lang siya tatanggalin ng walang dahilan."

"Dahilan? Hmm..." Dinampot niya ang baso ng pineapple juice at sumimsim roon, nang maibaba, isa-isa niyang sinuri ang mga kahara. "This big project is good enough reason for you to do that. Isa pa, partner ka ng kumpanya ninyo, 'di ba? You have the power to fire an employee. Simple lang naman, mamimili ka lang, ang proyektong ito, o siya."

Hindi na lamang pamumutla ang bumakas sa mga mukha ng mga bisita, naroon na rin ang takot at pagkailang. Tumingin ang dalawa-sina Glenda at Marvin kay Kristel. Napatungo naman ng ulo si Kristel, ibinaba sa mesa at itinago ang panginginig ng mga kamay.

"M-mabait si Erina. Hindi naman siya masamang tao para-"

"Kindness won't bring food to your table, Glenda." Ngiti niya sa babae. Napalunok ito at agad nag-iwas ng tingin.

"P-pwede bang magtanong kung bakit?" Agaw ni Kristel.

"May utang siya sa akin na dapat bayaran." Kinuha niya ang table napkin at pinunasan ang bibig saka iyon inilapag sa mesa.

Nagtinginan ang tatlo, waring nag-uusap na mga mata lamang ang gamit.

"Huwag kayong mag-alala, taga-rito siya, katunayan ay ang dati niyang tinitirhan na mansiyon ang binili ko para gawing guesthouse at siya ring trabaho na ipinunta ninyo rito."

Muling lumarawan sa mga mukha ng mga ito ang pagkabigla.

Tumawa siya, napasinghal. "Mukhang hindi ninyo masyadong kakilala ang katrabaho ninyo." Tumayo siya. "Anyway, you have five minutes to decide whether to accept my proposal. If you decide to decline, we don't need to say goodbyes and you are free to leave. And Kristel, just to remind you, losing your connection with us means losing the future of your company as well. Nasa sala lang ako kapag nakapagdesisyon ka na." Humakbang siyang palabas ng kusina.

Huminto ang kanyang mga paa nang masilayan ang wala pa ring malay na si Erina na nakahiga sa sofa. Mabilis na namuo ang galit sa kanyang dibdib, nag-umapaw, nais makawala. Halos madurog ang kanyang mga ngipin sa sobrang pag-iigting nga mga iyon. Hindi na niya ito kailangang hanapin pa, ito na mismo ang lumitaw sa kanyang harapan. Everything was going smoothly according to his plans.

Umungol si Erina, bahagyang kumilos. Napakislot siya, nanatili sa pagkakatayo.

Nahawakan ni Erina ang ulo, sinapo ang noo. Dumilat ito, kumurap-kurap, iginala ang paningin, waring inaalala ang nangyari. Nadako ang paningin nito sa kanya, dahilan upang bigla itong mapaupo at nanlaki ang mga matang napatingin sa kanya.

His lips remained sealed. His eyes focused on her. His body stood motionless as if his feet were nailed to the ground. His heart was throbbing hard, beating so fast his breaths could hardly catch up.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon