Chapter Twenty-Four

1.2K 57 19
                                    

PINAPASOK si Katerina ng nagpakilalang landlord ng unit na inuupahan ni Erina. Patingin-tingin ito sa kanya habang papasok sila sa maliit na silid, hindi kaliwanagan ang ilaw ngunit napansin pa rin niya ang wala sa ayos na silid.

"Magkapatid kayo ni Erina, ano? Magkahawig na magkahawig kayo e, para lang kayong magkambal." Ngisi ng lalaki, magka-edad lang sila marahil.

Sa halip na sumagot, nagpasalamat siya sa lalaki. "Salamat. Dito ko na lang siya hihintayin."

"Maghihintay ka ng matagal, hatinggabi ng darating iyon dahil sa uri ng trabaho niya." Pinasadahan nito ang kanyang kabuuan, hindi man lang itinago ang malisya sa mga mata nito.

"It's alright. I will wait."

Tumawa ito. "Magkapatid nga kayo, pareho kayong ingglesera e. Tanong lang, Magdalena ka rin ba?"

Napakunot siya ng noo, napamaang. "Magdalena?"

"Alam mo na, si Magdalenang sawing-palad, mababa ang lipad?" Lumitaw ang buong ngipin at gilagid nito sa maluwang na pagkakangisi.

"Hindi. Maraming salamat, makaaalis ka na." Hindi na niya itinago ang pagkadismaya sa tinig. Humigpit din ang paghawak niya sa dalang shoulder bag, humanda sa maaaring gawin nito sa kanya.

Tila napansin naman iyon ng lalaki kaya umatras ito. "Oo na, sige na, aalis na ako. Para ka lang si Erina, ayaw ring magpagalaw kahit sabihin kong libre na siya ng renta ng limang buwan." Tawa pa uli nito.

"Get out! Get out!" Marahas niyang tayo, nanlilisik ang mga matang ipinako rito.

Mabilis namang lumabas ang lalaki. "Shhh! 'Wag kang sumigaw at baka marinig ka ng asawa ko. Aalis na nga." At mabilis na nga itong lumabas.

Nanginginig ang kanyang buong katawan. Hinakip niya ang dibdib, pinakawalan ang naramdamang takot. Mabilis niyang ikinandado ang pinto. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya nabawi ang sarili.

Iginala niya ang mga mata, maliit lang ang silid, a studio type. Single bed, single pillow, thin blanket, small electric fan-mga kagamitang tanging mayroon sa silid. May maliit ding ref, maliit na mesa, walang upuan, walang tv, walang couch, walang kurtina sa nag-iisang bintana, walang pagkain.

Muli siyang napaluha. Erina was living a life of a dead. Walang tigil sa pagbalong ang kanyang mga luha, gayundin ang pagsirit ng hapdi sa kanyang damdamin. Erina was punishing herself. And she brought that to her, she did it.

"Erina..." Napaupo siya sa sahig, niyakap ang unan na gamit nito. "I'm so sorry...patawarin mo 'ko..."

Nakarinig siya ng ingay sa may pintuan, naalerto siya. Bigla siyang napatayo, hinablot ang maliit na mesa at handang ibato sa kung sino mang estrangherong magbubukas sa pintuang iyon. Gumalaw ang seradura. Bumukas ang pinto. Humigpit ang paghawak niya sa magaang mesa.

"Fuck...I made it here somehow." Isang pagak na tawa ang pinakawalan ng babaeng pumasok habang mabuway ang pagkakatayo.

"E-Erina?" Nakahinga siya nang maluwag nang masino iyon.

Natigilan si Erina, hinawi ng kamay ang mahaba at kulutang buhok na nakaharang sa mukha nito. Tumitig sa kanyang kinatatayuan.

"Erina..." Ibinaba niya ang mesa, lumapit ng ilang hakbang.

"Y-you." Bumagsak sa sahig ang maliit nitong clutch bag, gayundin ang susing hawak. Hinagip nito ang gilid ng pinto saka inilahad ang isang kamay palabas. "Get the fuck out of here." Sa mariin nitong tinig.

"Erina, it's me."

"Of course, it's you!" she hissed. Biglang nanlisik ang mga mata. "It's you, of all people, it is you." Dahil sa kalasingan, bumabagsak ang mga kamay nito sa tuwing iaangat nito iyon paturo sa kanya. "I...I trusted you, so much! Akala ko kakampi kita, but I was so, so, so... wrong." Kumuyom ang mga palad nito at ibinayo sa sariling dibdib.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon