Chapter Twenty-Two

1.2K 52 19
                                    

CONGRATULATIONS, GRADUATES OF UPCCV BATCH 2012!

Tiningala nina Caleb, Rommel at Danilo ang malaking tarpolina na nakasabit sa gate ng kanilang unibersidad saka nagpakuha ng litrato sa professional photographer. Nakailang pose pa sila bago sila tumigil, at nagkanya-kanyang galak upang sumali sa kani-kanilang mga pamilya sa pagdiriwang sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo.

Pasakay na sana siya sa sariling jeep upang sumunod sa mga magulang papunta sa naghihintay na pagdiriwang para sa kanya nang makita niyang nakatayo sa tabi niyon ang dating kasintahan. Umikot siya sa harapan ng jeep at nilapitan ang kinaroroonan ito.

"Marie." Ngumiti siya. "Congrats."

Ngumiti rin ito, iyong dati na niyang nasilayan noon pa. "Sa 'yo rin, congrats."

"Kumusta ka na?"

Gumalaw ang lalamunan nito bago nagsalita, namula ang mga pisngi. "O-okay naman. Ikaw, kumusta ang pagiging daddy?"

Nagulat siya sa narinig, bago ngumiti. Sabagay, hindi naman sikreto ang ang kanyang ginawang pag-ako sa batang inampon. "Masaya. Fulfilling. Ang bilis nga ng panahon, malapit na siyang mag-three years old."

"I can see that you're really happy, Cale. I'm so happy for you, too."

Bahagya siyang napapitlag sa pangalang ginamit nito na ilang taon din niyang hindi narinig. Tinitigan niya ang dating kasintahan, walang nabago sa kagandahan nito, sa pagiging mayumi at mahinhin. "Yeah." Tangi niyang sagot.

"Cale, I'm still waiting. Kapag...kapag handa ka na uling magmahal, o mangailangan ng tatayong mommy ng anak mo, narito ako. Like I told you when we parted, I will always love you. At mahal na mahal pa rin kita." Nangiti ito, waring naalala kung paano itong nawalan ng hiya at sinabi ang mga sinabi. Mabilis na namula ang mukha nito. "I-I mean...I just want you to know that...that I still love you. And I will support you no matter what." Mabilis itong yumuko, hinawakan ang mukha.

Hindi siya umimik, nakatingin lang sa kaharap. How he wished, hoped for his heart to feel something, anything. Ngunit kahit pilitin niya, kahit katiting na damdamin ay wala siyang maramdaman. Kahit iyong dati man lang niyang naramdaman noon ay hindi na rin bumalik. "Marie..."

"No rush." Umatras ito ng ilang hakbang. "S-sige, hinihintay na ako ng family ko. Congrats uli. Bye!" Saka na ito tumakbong palayo.

Pinanood niya ang paglayo nito. Marie Santillian is a fine woman, a perfect mother his children could have if he wanted to. Umangkas na siya sa driver's seat. Habang umuusad ang kanyang sasakyan, naglakbay rin ang kanyang diwa sa kung anong desisyon ang makatutulong sa kanya at sa kanyang anak, lalo pa't lumalaking kailangan ni KAYLEE ang makagagabay rito ng buong oras, bawat segundo at minuto.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Kaylee needed whatever help she could get; especially a mother who will guide her along. Naghanap siya ng malilikuan at bumalik sa direksiyon ng unibersidad. Nakita niyang pausad na ang sasakyan ng pamilya ni Marie, mariin niyang diniinan ang busina ng sasakyan saka kumaway sa driver ng sasakyang kasalubong ngunit hindi siya napansin niyon.

Sa isang marahas na desisyon, sinundan niya ang sasakyan, inunahan saka humarang at tumigil. Mabilis namang nakapagpreno ang driver niyon at gumawa pa ng malakas na ingay ang ginawa nitong pagpreno. Lumabas ang driver niyon, nasa singkuwenta ang edad, nawawalan na ng buhok sa ituktok ng ulo at may suot na salamin. Namumula ang mukha nito sa pag-aalala at galit.

"Anong problema mong lalaki ka?!" Duro ng daliri nito sa kanya.

"Sorry ho, Sir. I didn't mean to do that. Nagmamadali lang ho kasi akong maabutan kayo." Yumukod siya.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon