Chapter Thirty

1.3K 68 26
                                    


LAMPAS hatinggabi na ngunit ayaw patulugin ng sariling diwa si Caleb. Nasa silid siya ng anak na babae, matamang pinagmamasdan ang mahimbing nitong pagtulog habang yakap ang isang lumang baby bolster.

Kasinlaki lang nito ang unan nang baby pa ito, ngunit heto't maliit na kumpara sa inilaki ng anak. It was the only thing Kaylee had when he took her in, and for some reason she did not let it go and only stopped crying once she had the pillow closed to her.

Umupo siya sa gilid ng kama ng anak, kinuha ang kaliwang kamay nito't may tiningnan. Naipikit niya ang mga mata, humugot ng isang malalim na hininga at marahang pinakawalan. Muli niyang pinagmasdan ang mukha nito...napalunok siya, isang mahinang tawa ang kanyang pinakawalan. Suminghot siya't pinahid ang luhang tumulo sa mukha.

Nanginginig ang kanyang buong katauhan sa nasaksihan. And all these years, sariling anak pala niya ang kanyang kinupkop. Samu't saring emosyon ang kanyang nararamdaman. Gustong gusto niyang yakapin ang anak ngunit ayaw naman niya itong magising. Pinagsawa na lamang niya ang mga mata sa pagmamasid sa maamo nitong mukha.

Tumayo siya, maingat at sinigurong hindi magigising ang anak. Inayos niya ang kumot nito bago nilisan ang silid at dumiretso sa study room. Huminto siya sa portrait ng tiyuhin at ama at tiningnan uli iyon. Bumalik sa isip ang kanilang pag-uusap na nangyari kanina, at kung paano niya sinabing sagutin nang totoo ang mga itatanong ni Erina nang mayroon siyang pahintulot.

Umupo siya sa silya, dinampot ang sinaling alak sa baso na nasa mesa at tinungga, pumunit sa kanyang lalamunan ang mainit na alak kasabay nang pagbalik ng kanyang masakit na nakaraan.

"What will you do, Erina? Paano kang babawi sa mga ginawa mo? I can't wait to see how you are going to beg to take back what you threw away." Mahigpit na kumuyom ang kanyang kamay sa basong hawak.



MAINGAY ang pagbagsak ng tubig ng talon sa ibabaw ng lawa, ngunit hindi niyon nagambala ang nasa isipan ni Erina. Wala na yatang sisikip pa sa nararamdaman niya ngayon, halos hindi na siya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi niya malaman kung paano at ano ang kanyang dapat isipin at gawin sa mga nalaman.

Patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha habang walang tigil ang pagbalik ng isang nakaraan. She didn't just hear her baby cry, she saw her, how beautiful and perfect she was. How she held her for the first time and scared that she may drop and hurt her. How could there be such perfection in a sin?

Her cries made sound. She wept. She grieved for her lost when she gave her baby away. Mali, nagsimula ang lahat sa mali kaya naman ayaw niyang magpatuloy na mamuhay sa isang pagkakamali. Akala niya'y naputol niya ang isang kasalanan, nakalayo, nakalimot...ngunit sadyang mapanukso ang kapalaran. She just wanted to make everything right, but why did she end up hurting?

Hindi siya halos makahinga sa pag-iyak na pinakawalan. Kahit anong pagtambol ang gawin niya sa kanyang dibdib, hindi pa rin niya magawang palitan ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Makababawi pa ba siya? Matatanggap pa ba siya ng mga taong mahal? Maniniwala pa ba ang mga ito sa kanya pagkatapos ng kanyang mga ginawa?

Umiling siya, paulit-ulit saka nagpakawala ng malakas na tawa, tawang may halong pagtangis. Hindi...dahil maging siya ay hindi niya mapapatawad ang sarili sa ginawang pananakit sa lalaking mahal, lalo pa ang pagtapon sa isang buhay na pareho nilang pinangarap at binuo...hindi. Hindi.

"Get lost, Erina...get lost." Paulit-ulit niyang bulong sarili. "Tama nang malaman mo na buhay siya, na may pamilya siyang nagmamahal sa kanya. It's more than enough. Let her live her life quietly. She deserves it. Let her go, you did it once, you can do it again. She's happy and that is the most important. Tama na...tama na." Lumusong siya sa tubig at muli, hinayaan ang sariling lumubog kasama ng bawat kirot sa kanyang dibdib.



Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon