Chapter Fifteen

1.5K 54 2
                                    

"ALLY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ALLY." Pagbati ni Caleb.

Tiningnan siya ng labing- anim na taong gulang na kapatid na si Allona, nakaupo sa silyang para rito sa may hapagkainan. "Who are you?" Taas ang isang kilay.

Napamaang naman siya.

Ngumisi ito. "Anong nangyari kay kuya Caleb, sino ka?"

"Ano bang pinagsasabi mo, Ally? Dumating na ba si Benny?" Tukoy niya sa kanilang bunsong kapatid na lalaki.

"Benny's at his friend's place for sleepover. E ikaw kuya, may iba sa 'yo, parang ano...?"

"Ano?" Nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Oh-my-gosh, you are totally smitten." Pinagkrus nito ang braso.

"Ha? Diretsuhin mo nga." Nakaramdam siya ng kaunting yamot sa kapatid.

Hindi naituloy ni Allona ang pagsagot nang pumasok sa kusina ang kanilang ama at dumulog sa hapagkainan. Napako ang paningin nito sa kanya, nanuri.

"Exactly my question, Dad." Allona voiced out what she thought was playing in their father's mind.

"Okay, ano ba, Ally?" May diin na ang kanyang salita.

"Nothing." Nagkibit lamang ito ng mga balikat, habang ang ama'y matipid na ngumisi.

Nang umupo ang kanilang ina sa silyang nasa kanang bahagi ng ama'y umusal sila ng pasasalamat sa Diyos bago nagsimulang kumain. Naunang natapos sa pagkain si Caleb. Ipinasok ng isa sa mga katulong ang panghimagas na hinog na papaya. Bago pa maisubo ni Allona ang papayang kinuha ay muling nagsalita si Caleb.

"Dad, M'my, puwede bang sa mansiyon muna ako umuwi?"

Natigilan ang mga ito, nagtaka higit lalo ang kanilang ina.

ALVARO looked at his son, and how his aura changed overnight. Pamilyar sa kanya ang reaksiyong iyon, ngunit hinayaan niyang ito mismo ang magpaliwanag kaysa magtanong.

"Why?" Clarissa, as always was quickly alarmed.

"G-gusto ko lang ho," sagot ni Caleb sa ina bago lumingon sa kanya. "May suhestiyon lang ako, Dad, gusto ko sanang tumulong kay Rommel sa pag-aaskikaso sa sakahan sa Del Rio, sumabay na rin sa kanya sa pag-uwi roon. Dadaan ako rito sa hapon bago pumunta roon."

"Caleb, ayoko." Agaw ni Clarissa.

"Clari." Sa asawa nabaling ang kanyang paningin.

"M'my, please?" As well as Caleb.

"Hangga't hindi namin naririnig ang paliwanag mo ay hindi ako makapapayag." Tumigas ang tinig ng asawa.

"Clari, huminahon ka."

"Pero Alv, dito tayo nakatira pero bakit doon siya uuwi?" Hindi na nito naitago

ang pagtatampo.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon