CHAPTER 56

79 4 2
                                    

Chapter 56

Ang sakit ng ulo ko. Parang pinipiga ang ulo ko sa sobrang sakit.

"Hey..." Inaninag ko ang umalalay sa akin sa pag upo. "Are you okay? Do you need anything?"

Nang maayos kong maimulat ang aking mata. Agad itong naglibot sa buong paligid. Nasa isang kwarto ako. Bakit ako nasa kuwarto ko? Paano ako napunta rito?

"You okay now?" Zerix? Anong ginagawa niya dito? Wala kong maalala. "Do you want to go to the hospital? Are you hun-"

Wait. "Where's Ken?"

"He's not around. Hindi pa yata siya umuuwi. Are you with him?" Napaiwas ako ng tingin sabay iling.

"Ano bang nangyari?" Pagtanong ko.

"You fainted. Nahimatay ka kanina, basang-basa ka ng ulan nang umuwi kanina. Mabuti na lamang at nasalo ka ni Dwayne bago ka tuluyang mawalan ng malay." Sagot ni Zerix.

Napamasahe ako sa aking sintido.

Naalala ko na, matapos umalis ni Ken ay nanatili muna ako saglit sa garden. Ilang sandali pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayaan ang sarili na suungin ang ulan pauwi.

"Anong oras na ba? maghahanda na ako ng pagkain." Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Zerix.

"No, stay. You should rest. I will take care of you." Mahinahon ngunit may pagkaawtoridad nitong sabi.

"Ano ka ba, okay lang ako. Maliit na bagay lang ito. At saka ako ang dapat nag-aalaga at nag-aasikaso sa inyo." Seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"No." matigas nitong sabi.

"Yes."

"No."

"Ang kulit, ha." Napatawa kong sabi.

"Just rest." Hindi ko maiwasang mapangiti sa kakulitan niya.

"No. Kailangan ko nang bumangon." Pagpupumilit ko.

"Please... Stay. Rest. Let me take care of you." Pakiusap ni Zerix.

"Kulit mo talaga noh. Pero-"

"No more buts if you want to do anything. You should rest for now." Napatango na lamang ako. Hindi niya ako titigilan pag nagpumilit pa ako.

"Hey, is Nerlyn awake?" Bumukas ang pinto. Bumungad agad si Dwayne at si Matthew na may dalang tray.

Agad itong lumapit sa akin. Tinabig nito papalayo si Zerix na kasalukuyang nakatabi sa akin. Nagreklamo ito ngunit hindi siya pinansin ni Matthew.

"Are you okay now? Do you want a hospital? I will buy you one if you don't want to go with others." Sabi pa ni Matthew.

Napairap na lamang ako. Maluwag talaga turnilyo ng isang 'to.

"I'm fine."

"Ikaw talaga ang tigas ng ulo mo. You always make me worried." Mabilis kong tinakpan ang aking tainga dahil mahaba haba na namang sermon ang ibabato nito sa akin.

"Shut up, Matt. She needs to take a rest. So now shut up your mouth and leave this place. You make her more sick," ani pa ni Dwayne.

"Ouch, baby. You're too harsh. Come here I will give you a hug." Hindi maipinta ang mukha ni Dwayne dahil doon, maging ako ay napakunot ng noo.

"We should leave now. Let her rest." Pagpigil ni Zerix sa dalawang nagbabangayan. "Rest now, silly-girl. I'll be back later," aniya sabay halik sa itaas ng aking ulo. Maging sila Matthew ay nagulat sa ginawa nito.

Ilang beses akong napakurap. Pinaprocess ang ginawa ni Zerix.

"Nerlyn, magpahinga ka na diyan. Tuturuan ko lang ng leksyon si Zerix," ani Matthew at hineadlock si Zerix.

Nang tuluyan na silang mawala sa aking paningin ay agad kong nilagok ang isang basong tubig.

What just happened?

Inabot ko ang dalang tray ni Matthew kanina. Niluto niya ba ito? In fairness, masarap. Inubos ko ang hinanda nilang pagkain at ininom ang gamot. Saglit akong nagpahinga saka hinayaan ang sarili na makatulog.

Nakaramdam ako nang uhaw. Bumangon ako. Gabi na pala ay madaling araw pala. Ang bilis ng oras.

Napako ang tingin ko sa gilid ng kama. Namilog ang mata ko nang mapagtanto ang isang bagay may isang lalaki na nakayukong natutulog at hawak ang kamay ko.

What the?

Sino 'to? Bakit 'to nakapasok sa kuwarto ko?

Akmang tatanggalin ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya nang gumalaw ito. Ngayon ay kita ko na ang mukha ng lalaki.

The Game Of Life Where stories live. Discover now