CHAPTER 30

79 9 0
                                    

Chapter 30

Ang sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak ito sa sobrang sakit. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

I tried to opened my eyes. I swallowed the lump on my throat. I recognize the familiar white ceiling. Maybe I'm in the clinic again? Hospital?

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero nanghina ako. Ilang sandali pa akong namahinga bago sinubukan bumangon.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko.

Kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako sa amin. Sinuri ko ang bagay na nakasaksak sa akin. Mariin akong pumipikit nang tanggalin ko ang nakatusok sa aking dextrose.

Naggala rin ang mata ko sa kabuaang ayos ng kwartong ito. Walang tao rito kundi ako lang. Napahawak ako sa aking ulo nang sumakit ito.

Teka na saan s'ya? Siya ba ang nagdala sa akin dito?

Namilog ang aking mata at napa-O ang labi ko nang makita ang suot kong damit. Jusmiyo! Suot ko ang isang itim na damit at itim na jogging pants. Bakit ibang damit na ang suot ko? Na saan ang damit ko?

Nahagip ng mata ko ang isang orasan. Naka ng tokwa! Absent na ako! Kailangan ko na talaga umuwi.

Napapatigil ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid. Para akong matutumba anumang oras. Bumibigat ang bawat paghingang nagagawa ko. Ang sakit na rin ng mga paa ko.

Biruin mo nakapaa lang akong naglalakad. Tumakas lang ako sa hospital, baka ako pa magbayad ng bills don. Pasensya na po talaga, sana mapatawad niyo ako.

Wala rin akong dalang pera kaya naglalakad lang ako pauwi. Hindi ko rin makita kung na saan ang suot kong tsinelas kaya wala akong choice kundi ang magtiis. Para na siguro akong pulubi.

Napahawak ako sa pader para ibalanse ang aking pagtayo. Sa wakas! Nakarating na rin ako sa bahay namin. Pakiramdam ko ay sumali ako sa isang survivial game!

Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si Tita Jinky na prenteng nakaupo sa may sala. Hawak-hawak nito ang kaniyang mamahalin na cellpone na 'di pa bayad ang pinangbayad.

Nagbaba ang tingin ko sa sahig, puno ito ng mga kalat. Nagbalik ulit ang tingin ko sa tita ko. Nagsalubong ang kilay nito nang makita ako.

Kinuha nito ang isang baso ng malamig na softdrinks, ininom niya ito habang nakatingin sa akin. Napalunok ako. Para ngayon ko naramdaman ang labis na uhaw at gutom.

"'Bat ngayon ka lang? Saan ka galing bata ka? Bakit ganiyan ang 'istura mo?" Sunod-sunod niya pang tanong.

Nanlalatang nagpatuloy akong maglakad.

"Umextra po sa isang shooting." Pabiro kong sabi. Tinignan n'ya pa ako na parang sinusuri. "Sige 'ta akyat na ako medyo masama rin po pakiramdam ko." Walang gana kong sambit.

"Para sumigla-sigla ka maglinis ka dito sa bahay. Aalis muna ako dapat pagbalik ko mamaya ay wala na akong maabutang kalat at alikabok dito. Iyong mga hugasin pala ay naghihintay sa 'yo pati na ang mga labahin ay labhan mo na rin kung ayaw mong palayasin kita ng tuluyan."

Grabe naman talaga bawal ba magpahinga man lang kahit saglit?

Napatango na lang ako.

Nagpalit ako ng damit at inayos ang aking sarili. Medyo bumaba na ang lagnat ko ngunit matamlay pa rin ako. Pinilit kong kumain at uminom dahil baka tuluyan na akong mamatay. Nagpahinga ako saglit.

Mamaya ay maghahanap na talaga ako ng bagong trabaho.

Napakalat naman sa bahay na ito. Parang mas lalo yata akong magkakasakit. Kapag nawala lang ako saglit ay parang binagyo na ito. Parang tambakan.

Habang nagwawalis ako ay sumagi sa isip ko ang aking panaginip.

Sa gitna nang nanlalamig na gabi kasabay ng malulungkot at bigat na pagbagsak ng ulan ay 'di ako makatulog.

Ang aking mga mata ay nakapikit lamang ngunit ang aking diwa ay parang may hinahanap.

Habang ako ay nakapikit biglang nagpakita sa akin si nanay isang mahigpit na yakap ang kaniyang iginawad sa akin na kailan man ay hindi ko na mararamdam. Kasabay ng yakap na iyon dama ko 'yung pagmamahal n'ya sa akin. Sa pagitan ng mga yakap ay may ibinulong ito sa akin.

The Game Of Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon