CHAPTER 51

112 5 1
                                    

Chapter 51

Buwisit talaga na halimaw na 'yon sarap bigwasan nako! Kundi lang talaga ano! Naku talaga!

Ihahampas ko talaga sa kanya itong walis na 'to makikita niya!

"Hey... Ang init yata ng ulo mo." Pagsulpot pa ni Zerix sa kung saan.

'Yung totoo kabute ba 'to lagi na lang sumusulpot sa kung saan?

Ngumiti ito sa akin. Ang salubong kong kilay ay unti-unting naglalaho. Napabuntong hininga na lang ako at kinalma ang sarili.

"Smile na para magmukha ka na ulit tao." Pagtawa pa nito na ikinanguso ko.

Mariin akong napapikit. Malapit ko na ring burahin ang mukha nito. Ang hilig mang-asar dikit kase nang dikit kay Matthew kaya nahahawa na sa mga kalokohan. At noong isang araw ay nakita ko siya na tatlo-tatlo ang kaakbay habang naglalakad.

Babaero talaga siya.

"Che! Magpulot ka na lang ng kalat d'yan."

Nasa labas kami upang maglinis ng paligid dahil may darating daw na mga bisita bukas. Biglaan lang ito kaya ngayon ang buong school ay busy sa paghahanda.

Nilingon ko si Zerix upang silipin kung nagpupulot na ba ito ng mga kalat.

Pero iba yata ang nasilip ko...

Ang...

Jusko naman...

Ba't siya ganyan...

Nakakaloka...

Mababaliw talaga ako sa kanya...

Sa nakakahumaling niyang mga ngiti.

Maayos pa rin ang tindig niya, nakakrus ang mga kamay sa kanyang dibdib at malawak ang mga ngiting nakatuon sa akin.

Problem nito? Baliw na yata...sakin. chos.

"Ano ba?! Pulutin mo na 'yang mga kalat para matapos na tayo rito." pagnguso ko pa sa mga balat ng kendy sa paligid.

Hindi siya kumilos.

"Don't pout. Baka halikan kita bigla d'yan." Seryoso nitong sabi na ikinalaglag ng panga ko.

H-hahalikan? Kiss ganon?

Napaatras ako nang makitang gumalaw siya sa kinatatayuan niya at unti-unting lumalapit sa akin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa walis at ginawa itong panangga.

"U-umayos ka d'yan. 'W-wag kang lalapit." Grabe kahit crush kita hindi ako marupok noh. Slight lang.

Umabante pa ito kaya napaatras ako lalo. Seryoso ba siya?

"I-ipapalo ko talaga sayo 'to." Pagbabanta ko pa sa kanya.

Napahinto ako sa pag-atras at napalingon sa aking likuran ng may matigas akong nakapa.

Pader. Pader na pala ang aatrasan ko. Wala na akong aatrasan. Corner na ako.

"Hoy! Layo!" Pagtaboy ko pa sa kanya. Pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.

Napahinto ito, ilang dipa na lang ang layo namin sa isa't isa. Awtomatiko akong napapikit nang marahan nitong inilalapit ang mukha sa akin.

Jusko Lord. Baka mamaya panaginip lang 'to ah. Joke.

Mabilis akong napamulat nang makarinig nang malutong na mga tawa.

Err??

Hindi mapigil sa pagtawa si Zerix habang nakahawak sa kanyang tiyan at may pahampas-hampas pa sa hangin.

The Game Of Life Where stories live. Discover now