CHAPTER 3

137 12 0
                                    


Chapter 3

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang makauwi ako sa amin. Naunang umuwi si nanay dahil maaga rin naubos ang aming paninda at may tanggap pa ako ng labada kila Manang Pering.

Ang dami ngang pinalabhan ni manang karamihan ay maong pa.

Hindi rin ako mapakali dahil sugat na natamo ko kanina. Mahapdi pa rin ito at pakiramdam ko ay bumubuka-buka ang hiwa kaya 'di ako makapag-focus sa ginawa ko. Mabuti na lamang ay hindi ito malalim na sugat.

But that guy, his smile was confusing and creepy. Intensyon niya ba talagang saktan ako? Patayin?

Wala naman akong kaaway at hindi naman ako anak ng isang mayaman para papatyin. Hindi naman ako anak ng isang mafia boss para ako 'yong paghigantihan.

I shook my head. Maybe... nagkamali lang siya. Huwag ko na lamang sigurong isipin pa dahil hindi naman malalim ang sugat na natamo ko.

Napahawak ako sa aking balikat.

"Jusko, ang sakit ng katawan ko!" pero sulit naman ang hirap at pagod dahil malaki sila magbayad kung minsan ay may tip pa pero madalas hindi ko na tinatanggap 'yon.

Sobra-sobra na kase 'yong binibigay nila sa akin. May pamiryenda pa kase sila minsan. Maganda at maayos rin kung paano nila ako tratuhin.

Para sa akin kung paano ka tratuhin ng pinagtatrabuhan mo ay isang napakalaking bagay. Bibihira na lamang kase ngayon 'yong itatrato ka ng tama at maayos.

Sa ngayon kase hindi talaga biro ang makahanap ng trabaho at makapagtrabaho nang maayos.

Kaya nakakahiya na rin tanggapin ang pasobra nila dahil napakabait ng amo ko ngunit minsan ay hindi maiiwasan kapag kailangan na kailangan talaga.

Pabagsak akong naupo sa sofa at malakas na bumuntong hininga.

Ngayon ko naramdaman ang sobrang pagod at sakit ng katawan. Inaantok na rin ako.

"Oh, ba't ngayon ka lang?" Napamulat ako bigla sa pagkakaidlip nang marinig ang boses ni nanay.

"Medyo marami po kase ang pinalabhan ni Manang Pering," sagot ko habang nag iinat-inat. Sakit talaga ng katawan ko. "Ay nay, 'eto nga po pala pangdagdag sa gastusin."

Iniabot ko sa kanya ang perang binayad sa akin kanina. Tinabi ko naman ang sobrang dalawang daan para sa sarilii ko kung kainakailangan.

Lagi ako nagbibigay kay nanay kapag may tanggap ako ng labada para pangdagdag sa gastusin sa bahay.

Madalas kase hindi sapat ang kinikita namin sa palengke dahil sa mga bayarin na nag-aabang at utang na nagsusumigaw gayundin ang kinikita ni kuya. Kaya para makatulong kahit papaano ay rumaraket ako paminsan-minsan.

Kinuha naman iyon ni inay at napatango. "Kumain kana ron, nakahanda na ang pagkain. Nauna na kami kumain ng kambal dahil inaantok na raw sila. Ipagtabi mo na lang ang ate Cindy mo," aninya pa nagsimulang maglakad si nanay ngunit huminto rin s'ya agad at muling bumaling sa aking gawi.

Napalunok ako bigla. May nagawa na naman ba akong mali?

"'Eto gamitin mo." Sabay hagis ng salonpas na nasalo ko naman.

Napawi ang kabang namumuo sa aking dibdib at napangiti ako. May tinatago talagang ka-sweet-an itong nanay ko ayaw lang ipahalata.

"Salamat po nay," sabi ko ngunit nakita kong papasok na siya sa kwarto.

Bilis talaga sumibat. Alam ko na kung saan nagmana si Ate Cindy.

Nakatuwa talaga si nanay dahil lagi niya kaming iniintindi kahit na pagod na s'ya galing trabaho. Naghahanda pa rin siya ng pagkain at siniguradong nakakain kami. Alam kong mahal na mahal niya kami at mahal na mahal rin namin siya.

The Game Of Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon