CHAPTER 6

87 11 1
                                    

Chapter 6

Mabilis lumipas ang araw na walang kahit anong pananakit, pang-aapi, kaming naranasan. Para bang normal lang ang lahat. Isang normal na mag-aaral sa isang normal na araw na nakikisalamuha sa iba pang kapwa niya mag-aaral. Walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral.

"Good morning class," bati sa amin ni Ms. Agape.

"Good morning Ms. Agape," pagsagot namin.

"Take your seat."

"Filipino subject tayo, right?"

"Opo, Ms. Agape."

Dalawang subject ang hawak niya sa amin. Filipino subject at English. Bigla kaseng umalis ang teacher na naka-assign sana sa subject na ito kaya para hindi ito mabakante ay si Ms. Agape na mismo ang napresinta na humawak sa subject na ito. Hindi naman ito naging mahirap sa kaniya dahil tulad ng aking sinabi ay isa siyang napakagaling na guro.

"Okay, ngayong araw ay tatalakayin natin ang tungkol sa—" hindi pa niya natatapos ang kaniyang sasabihin ay napahinto agad ito dahil sa tunog ng kaniyang cellphone.

Kinapa nito ang kaniyang bulsa at mabilis na isinilid ang kaniyang kamay roon upang kuhanin ang kanyang tumutunog na cellphone. Saglit itong napatitig sa screen bago nito tuluyang sagutin ang tawag.

"Excuse me class." Pagpapaalam pa niya sa amin. Mabilis itong lumabas para pormal na kausapin ang biglang tumawag sa kaniya.

"Huy Nesh!" Tawag sa akin ni Bert.

Agad akong napalingon sa kanya.

"Ano?"

"Wala lang hahaha!" Tawa pa nito. Tinignan ko ito nang masama na ikinalakas ng kaniyang pagtawa. Napailing na lamang ako.

Baliw na talaga ang isang 'to. Tatawag-tawag wala naman palang sasabihin. Itong si Wendy naman ay busy sa kanyang cellphone. Hinahanap niya kung saan niya makikita ang future hubby niya kuno.

"Makikita rin kita kala mo." Pagpupursigi pa niyang sabi.

Paano niya hahanapin ang taong hindi naman niya kilala?

"NERLYN!!!" Malakas na tawag sa aking pangalan ng isa sa mga kaklase kong lalaki sa likuran. Napalingon naman ako na sana pala ay hindi ko na lang ginawa.

"Araayyy!" Daing ko.

Medyo masakit 'yon ha. Tumama sa aking mukha ang isang bolang papel na may halong pulbo o kung ano pa man iyon na kumalat sa aking mukha pati sa aking uniporme.

Mariin akong pumikit at kinuyom ang aking kamay. Pinagpagan ko ang aking sarili. Inayos ko rin ang aking salamin at tinanggal ang nagkalat na pulbo sa aking mukha at uniporme.

Binalingan ko ng tingin ang nagtatawanan kong mga kaklase. Ngumiti ako sa kanila nang malawak at matamis.

"Uy, salamat sa inyo ha, alam na alam niyo talaga na 'di pa ako nagpupulbo. Salamat." Nakangiting sabi ko na nagpaawang sa kanilang mga labi.

Mababait naman 'tong mga kaklase ko mga siraulo nga lang madalas dahil sa puro kalokohan ang mga nasa isip.

Sa paaralan na ito nasasaksihan mismo ng dalawa kong mata ang hindi pantay na pagtrato sa mga tao – sa mga estudyante. Maraming social issues and conflicts, bullying, discrimination, inequality, abuse of power at marami pang iba. Iyan naman ang realidad ng buhay na hindi kontrolado ng sinuman. Iyan ang realidad na hindi natin kayang takasan o iwasan.

Sa iba't ibang section sa loob na paraalan na ito ay maaari mong makita kung sino talaga ang mga nakakaangat. At ang section naming ay parang tambakan ng mga sakit sa ulo at mahihinang mag-aaral. Hindi naman sa mahihina sadyang tamad lang talaga mag-aral dahil hindi ka basta-basta makakapasok sa paaralan na ito.

The Game Of Life Where stories live. Discover now