CHAPTER 22

67 8 0
                                    

Chapter 22

Gusto kong kalbuhin ang lalaking katabi ko dahil sa sobrang pagkainis sa kaniya.

But I can't. The only thing I can do right now is dying because of frustration. I hate him!

Nag-iinit ang ulo ko sa kaniya.

"Hey, Nerlyn?" Pagtawag pa ni Matthew.

I took a deep breath as I face Matthew.

Kailangan mong kumalma. Inhale. Exhale. Kalma. Tao ka.

"What?" Mahinahon kong tanong sabay nang malawak na ngiti ngunit kaagad rin itong naglaho.

"Tsk, stupid..." bulong naman ng kung sinong halimaw na mahilig matulog.

I mentally rolled my eyes.

Mas mabuti pa yatang tulog na lang 'yang lalaki na 'yan. Kapag gising halos patayin na ako sa kaba.

"What happened to you?" tanong ni Dwayne, napabuntong hininga na lamang ako.

"Nahulog kase ako sa kung saan." Pag-amin ko. Tinignan ko nang masama si Ken na nakasulyap pala sa akin. Nakayuko ito at bahagyang nakasilip ang mga inaantok na mata.

Tusukin ko 'yan, eh!


~Flashback~

Napahinto si Ken kaya napahinto rin ako sa paglalakad.

Halos maduling ako nang bigla siyang yumuko para magpantay ang aming tingin. Inilapit nito ang kaniyang mukha sa akin. Agad naman akong napaatras at napaiwas.

Feeling ko ang pula-pula ng mukha ko. Jusko naman! Bakit ganito ang lalaki na ito?

"A-ano ba?!!!" Sigaw ko sa kaniya.

Dahil sa taranta ko ay naapak ko ang isang paa ko sa kung saan. Kaya naman hindi ko nabalense ang katawan ko. Dumausdos ako pababa. Nagpagulong-gulong na ako.

May kataasan kase ang bahaging kinatatayuan namin at ang pababang pa-slant ay papuntang garden. Kaya napadausdos ako at nagpagulong gulong pababa.

Buti na lamang ay mabilis na nakapunta si Ken sa baba. Hinarang ang mga paa nito bago ako tumama sa kung saan.

Hilong-hilo akong humilata sa damuhan. Halos umiikot na ang buong paligid. Ngunit kitang-kita ko kung paano naukit ang kurba ng isang masamang ngiti sa labi ng lalaking may dahilan ng pagkahulog ko.

Dinig ko rin ang malakas na pagtawa ni Ken.

Marunong palang tumawa ang isang ito? Akala ko puro pagtulog lang ang alam niyang gawin. Napangiti ako. Kay sarap pakinggan ng tawa niya.

No! No! No! May gana pa talaga siyang tumawa, eh, siya naman may kasalanan nito.

Itinaas ko ang aking kamay na nanghihingi ng tulong mula sa kaniya na makatayo ako pero ang halimaw tinapik lang ang kamay ko.

"HAHAHAHA, you're so funny, stupid-nerd!" tawa niya pa nang malakas at napaupo na rin sa damuhan.

Ngumiti pa siya sa akin. 'Yung ngiting nakakatakot na may masamang gagawin. Tumakas na naman ang kaba at takot sa aking dibdib. Hinila niya ako paupo. Ilang sandali akong pinagkatitigan. Namilog ang mata ko nang ginulo niya pa lalo ang magulo kong buhok.

The Game Of Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon