CHAPTER 16

61 8 0
                                    

Chapter 16

Kinuha ko ang Science notebook at binasa ang reviewer ko. May quiz kami at graded recitation sa subject na ito mamaya.

The outer structure of the Earth consists of three parts: Atmosphere, Hydrosphere, and Lithosphere.

So basically, the Atmosphere is the layer of gases that surrounds the Earth, and Earth's Atmosphere is composed of about 78.08% nitrogen, 20.95% oxygen, 0.93% argon, and 0.04% carbon dioxide and small amounts of other gases. Also, the Atmosphere of Earth is divided into several layers.

It is divided into five different layers based on temperature.

Pagkabisa ko sa isip ko.

Sana lang ay makasagot ako mamaya ayokong tumayo nang matagal. Pero baka unang tanong palang ni Mrs. Lopez ay standing ovation na kaming lahat. Grabe magtanong 'yun! Para kang lulutuin ng buhay!

Mabilis kong itinago ang notebook ko at umayos ng upo nang dumating na si Ms. Agape.

"Good morning class!" Panimulang bati ni Ms. Agape sa amin.

Medyo late siya ngayon kumpara sa nakagawian niyang oras nang pagpasok. Madalas kaseng on-time pumapasok si ma'am. Bibihira lang siya malate. Kung malate man siya ay importante talaga ang kaniyang ginagawa.

Siguro ay may importante nga siyang inaasikaso. Dahil kung titignan ko ang mga malamlam at pagod nitong mga mata ay parang ilang araw na siyang walang maayos na tulog.

"Ma'am bakit po kayo late?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"I'm sorry class, may mga inaasikaso kase ako," tugon nito matapos mailapag ang kaniyang gamit sa teacher's table. "And I have something to tell you Ms. Nicolas." baling pa sa akin ni Ms. Agape.

Seryoso lamang itong nakatingin sa akin. Ngunit may nababakas akong kalungkutan sa mga mata niya. Nagsisimulang mabuhay ang kaba sa aking dibdib habang inaabangan kung ano man ang sasabihin niya patungkol sa akin.

Don't tell me? Papatalsikin na ako sa school?

Tipid itong ngumiti sa akin bago ituloy ang kanyang nais sabihin. "Our dean would like to transfer you in class A." Dahil sa mga katagang iyon mababakas ang pagkagulat sa aking mukha.

Wala akong nakapang mga salita patungkol sa bagay na iyon. Nakatulala lamang ako kay Ms. Agape.

Naririnig ko pa ang mangilan-ilan na bulungan ng mga kaklase ko. Ngunit hindi ko ito magawang mapansin dahil sa sinabi ni ma'am.

Ako itatransfer sa class A? Ba't ako itatransfer? Ayoko. At bakit ngayon pa?

"Dahil sa iyong kagalingan na ipinapakita sa klase nabigyan pansin ito ng ating Dean." Simple niyang tugon ngunit ayaw ko itong paniwalaan.

Matagal na akong nag-aaral dito at never nila akong napansin dahil sa mga achievements ko. Never nila akong pinagtuunan ng pansin kahit na ako lagi ang target ng mga bully dito.

Siguro ay mayroong mas malalim na dahilan kung bakit nila ako naisipang ilipat ngayon.

"Ma'am? Trully ba 'yan? Paano pag-ayaw ko po lumipat, ano pong gagawin ko? Ano po pwedeng gawin?" Kinakabahang tanong ko kay ma'am.

Pamilya ko na ang class D, napamahal na sila sa akin kahit na puro kalokohan ang mga pinaggagawa nila sa akin. At hindi ako belong sa section na iyon. Ano na lang ang mangyayari sa akin?

Huling taon ko na rin dito. Bakit ngayon pa nila naisipan ang ganyang mga bagay?

"Ayoko pong lumipat ma'am, okay na po ako dito." Pakiusap ko pa.

The Game Of Life Where stories live. Discover now