CHAPTER 37

63 7 0
                                    

Chapter 37

Awtomatiko akong napamulat nang mapagtanto na late na akong nagising. Halos magkandakumahog ako sa pagbangon. Lagot na naman ko nito kay Tita Jinky!

Napahinto ako sa pagmamadali, pabagsak na napaupo sa kama nang mapagtanto na wala na nga pala ako sa dati naming bahay. Minasahe ko ang sintido ko dahil nakaramdaman na naman ako ng pagkahilo. Naalala ko na naman ang ilang bahagi ng panaginip ko kagabi.

"Panaginip lang 'yon." Pagkumbinsi ko sa aking sarili. Panaginip lang ang lahat. Lahat-lahat.

Bumaba ako para mapaghanda ng pagkain sila Monster.

Ano na kayang nangyari sa kaniya? Bahala nga s'ya malaki na s'ya... pero sabi ko kila lolo Mendz at lolo Ed aalagaan ko sila. Konting pagtitiis lang sa ugali niya. Ang sabi naman sa akin nila lolo ay 'wag akong magpasindak sa kaniya.

Tulog pa sila pero naihanda ko na ang mga kakainin nila. Mamaya ay lilibutin ko ang buong bahay at lilinisin ang bawat parte hanggang sa kasuluk-sulukan nito.

"Matthew, gising na! Kumain na kayo hanggat maiinit pa ang pagkain." pagkatok ko pa sa mga pintuan. "Zerix! bangon na d'yan! ... Dwayne!!"

Hindi ko alam kung saan ba ang kwarto nila kaya katok lang ako nang katok.

Nagdadalawang isip pa ako kung gigisingin ko na rin ba siya o hindi. 'Wag na lang baka kung ano-ano na naman ipagawa n'ya! At baka magalit pa siya.

Nagwawalis ako sa sala nang tamad silang bumababa ng hagdan.

"Kumain na kayo roon bilisan n'yo!" Sigaw ko sa kanila.

Jusko hindi pa rin ako sanay na sila ang nakikita ko sa araw-araw!

Si Dwayne ay balot pa ng kumot habang tamad na tamad na bumababa. Si Matthew naman ay sobrang gulo nang ayos mula sa buhok hanggang sa gusot-gusot n'yang suot at may yakap-yakap pang unan. A-at si Z-zerix naman ay walang pang itaas na damit at nagkukusot-kusot pang mata na bumababa.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Bumalik ako sa pagwawalis.

"Morning, Silly-girl."

"Good morning, crazy-girl."

"Magandang lalaki ako."

Bati nila pero si Matthew ang naiiba. Ewan ko ba nababaliw na ang isa na 'yan. Gwapong-gwapo sa sarili pero tignan mo ang 'itsura parang batang paslit.

"Ayusin n'yo muna nga ang mga sarili n'yo bago kumain... maghilamos muna kayo, may mga tulo laway pa kayo at muta-muta." Natatawa kong sabi na siya namang nagpamulat sa kanila at dali-daling tumakbo pabalik sa kanilang silid.

Pero Joke lang 'yon kahit na bagong gising sila ay maayos pa rin ang mga 'itsura nila.

Inihain ko ang mga pagkain nang masiguradong maayos na ang lahat at wala na silang kailangan ay lumabas ako para walisin ang mga kalat doon.

Malaki itong bakuran...garden... or kung ano pa man ito. Sa kabilang parte ay may swimming pool. Napalunok ako nang maalala ang nangyari kahapon. Tinapos ko na lang agad ang ginagawa ko. Parang hindi ko kayang magtagal malapit dito. Marami-rami din ang gagawin ko sa loob.

Pagpasok ko ay nasa sala na at nanonood ang tatlo.

"Tapos na ba kayong kumain?"

"Yeah."

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang halimaw. Napansin iyon ni Matthew at napangisi.

"Asan si Ken kumain na ba?" tanong ko pa, mas lalong lumapad ang ngisi ni Matthew. Problema nito?

The Game Of Life Where stories live. Discover now