CHAPTER 48

82 6 0
                                    


Chapter 48

Everything feels normal like I'm a normal student. No bully. No issue. Just walking peacefully with no one minding my presence.

It feels good to read a book and study with no one pulling a prank on me. But unlike the others, I don't have a normal life like them. I have to work. I need to support my life by myself.

"How dare you?!" Sugod pa ng isang babae sa amin.

"Omg! Don't lay your dirty hand on my face," sambit ni Ms. Jaira nang mapigilan nito ang pagdapo ng palad ng isang babae sa kanyang mukha.

"Ang kapal talaga ng mukha mo noh?!" Nagpupuyos sa galit nitong saad.

"I said don't lay your dirty hand on my face!" Pag-iwas ni Ms. Jaira ng akmang sasampalin siya uli.

I don't have any idea what's going on right now.

"A-ano... tama na ya—" pag-awat ko sana pero parang umikot yata ng 180° ang mukha ko.

"Pwede ba 'wag kang mangialam dito!" Sigaw nito sa akin. Grabe pak na pak ang sampal ni Ate Girl.

"Hey! How dare you to slap her!" Mariin na hinawakan ni Ms. Jaira ang kamay ng babae, napadaing ito sa sakit.

"What's your problem ba, huh? Sugod ka nang sugod dito, ayaw mo naman magsalita. Ano puro action lang walang speakin' words? Pathetic!" Pagbitaw pa nito sa pagkakahawak sa kamay ng babae na siya namang kinaupo nito sa baba.

"Spill the tea!" Taas kilay na sigaw ni Ms. Jaira. "What? Don't you know what its mean?"

I'm clueless here. Nagpapahinga lang naman kami rito sa garden tapos may ganito ng eksena. Parang tulad lang sa mga teleseryeng napapanood ko sa tv.

'Yung tipong susugurin ng real wife 'yung kabit. Hala?

Malakas ang buntong hiningang pinakawalan ni Ms. Jaira. "Kung wala kang sasabihin aalis na kami. You wasting my time." Lumandas ang tingin nito sa akin ngunit bago pa makalapit sa akin si Ms. Jaira ay marahas na hinablot ng babae ang buhok nito.

Hala anong gagawin ko?! Popcorn, please... Joke.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Nanggagalaiting saad nito.

"Ouch, let go of me! How dare you!"

"Tama na 'yan—" pero malakas akong tinabig nu'ng babae.

"Ang kapal ng mukha mo para ahasin ang boyfriend ko! Sinira mo ang relasyon namin. Porket maganda ka akala mo makukuha mo na lahat!"

Hala paano na 'to nagsasabunutan na talaga sila. Popcorn with drinks, please... chos.

Hinawakan ko ang mga kamay ng babae upang patigilin ito sa kanyang pagwawala. Pilit ko itong inilalayo kay Ms. Jaira.

"Ang kapal kapal ng mukha mo, mang-aagaw! Ang landi mo!" Pagtangis pa nito. Pilit din siyang nagpupumiglas sa ginawa kong pagkayakap sa kanya.

"What?! I don't get you, wala akong inaagaw sa 'yo ni hindi nga kita kilala." Napahilot pa sa sintido si Ms. Jaira upang pakalmahin ang kanyang sarili.

Medyo magulo ang kanyang buhok buhat sa sabunatan na nangyayari gayundin ay gusot-gusot na ang uniform nito. Samantalang itong babae naman ay hindi ko na makilala dahil sa ayos ng kanyang buhok.

I-pa-face to face na lang natin 'to. Sa pula sa puti! Joke.

"'Wag ka nang magsinungaling! Nakita ko, kitang-kita ng dalawang mata ko na ka-chat mo ang boyfriend ko!" Piyok nitong sigaw sa kabila ng pag-iyak.

"Huminahon ka, pag-usapan niyo 'to nang maayos..." saad ko.

"Ang harot-harot mo! Ang landi-landi mo! Noong isang araw ay si Josh ang kasama mo tapos noong nakaraan si Nick, si Bren, si Clint tapos ngayon pati boyfriend ko nilalandi mo! Akala mo kung sino ka! Akala mo lahat ng bagay nakukuha mo! Maganda ka nga pero malandi ka naman! Ang kati-kati mo!" Sigaw pa nito habang nanlilisik ang mga tingin kay Ms. Jaira.

Grabe naman pinanghuhugutan nito. Parang sa ilalim pa ng lupa kumukuha ng lakas 'to. Ang liit-liit pero ang tapang-tapang.

"Sorry girl... but... First, hindi ako malandi, friendly lang talaga ako minsan. Masyado kase kayong issue na lahat ng bagay ay binibigyan niyo ng malisya. 'Wag din masyadong updated sa social life ko, huh. Baka nakakalimutan mo na may buhay ka rin na kailangan mong pagtuunan ng pansin. Hindi 'yung bawat kilos ko inaalam mo. Second, hindi rin ako maharot or whatever tulad ng ini-imagine mo, nagrereply lang ako, minsan. Malay ko ba na nagiging single 'yang jowa mo pag ako ang kausap. At hindi ko kilala kung sino man ang boyfriend mo." Naglakad papalapit sa amin si Ms. Jaira.

"Masyado ka yatang busy sa pangchichismiss sa akin kaya hindi mo na namamalayan kung anong pinagagawa ng jowa mo. Hindi mo namamalayan na nawawala na sa'yo lahat. Tapos ako sisisihin mo? How poor you are! And last, hindi ko kasalanan kung maraming nagkakagusto sa akin. Kung inggit pikit na lang, huh. Para kahit paano ay maging mapayapa 'yang araw mo. I can't believe that people like you are still existing! This world is really toxic." Pagpaypay pa nito gamit ang kaniyang mga kamay sa kanyang mukha.

Nang maikalma ang sarili. Marahan nitong tinapik ang pisngi ng babae at hinawi ang mga luha.

"If your boyfriend is really in love with you, he will never do anything that makes you hurt. If he is loyal to you, he will never find another woman to sweetly message everyday... If he really loves you, he will never date another woman or saying I love you or what." She bitterly smiled. "If he's still into you ipaparamdam niya araw-araw na ikaw lang at walang iba."

Mabilis lang iyon pero kita ko sa kaniyang mata ang lungkot. Huminahon itong babae kaya kumalas na ako sa pagkakahawak sa kaniya.

Napaupong napahagulgol ito.

The Game Of Life Where stories live. Discover now