CHAPTER 1

345 17 3
                                    

Chapter 1

"PESTENG PANGARAP NA 'YAN NERLYN!! HINDI TAYO MAPAPAKAIN N'YAN KUNG MANGAGARAP KA LANG D'YAN!" Galit na wika ng aking ina.

Siguro ay ginigipit na naman siya ni Aleng Betty iyong bruhang balyena na tindera sa palengke na pinagkakautangan namin.

"WALA TAYONG MAPAPALA KUNG MAGSUSULAT KA LANG D'YAN! TUMATAKBO ANG ORAS NERLYN TULOY -TULOY ANG BUHAY HINDI 'YAN HIHINTO PARA HINTAYIN KA LANG MATAPOS D'YAN!"

Tahimik lang ako at hindi kumikibo wala rin naman kaseng patutunguan kung magsasalita pa ako. Saka naiintindihan ko naman si nanay mainit lang ang ulo n'ya dahil nga siguro sinisingil na siya ni Aleng Betty. Naabutan niya pang umiiyak itong kambal.

Habang si Ate Cindy naman ay nagse-cellphone kunwaring gumagawa ng assignments pero nagpe-facebook lang naman. At sa t'wing lalandas ang tingin sa kanya ni nanay ay nilalaro niya ang kambal upang patahanin ito sa pag-iyak.

Pansin ko rin ang ilang pagngisi nito sa tuwing mapapatingin siya sa akin. Wari mo ba'y natutuwa pa siya na pinagagalitan ako. Maldita talaga.

"PESTENG PANGARAP NA 'YAN OHH! GUTOM NA 'TONG MGA KAPATID MO PERO 'YAN PA RIN ANG INUUNA MO! ABA'Y MAMATAY PALA TAYO SA GUTOM KAKAHINTAY D'YAN SA PESTENG PANGARAP MO NA 'YAN EEH!"

"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA IYO NA WALA KANG MAPAPALA D'YAN SA PAGSUSULAT MO NG MGA WALANG KWENTANG BAGAY. NI HINDI NGA SIGURADO KUNG MAKAKAPAG KOLEHIYO KA BA. KAYA AYUSIN MO 'YANG MGA PINAGGAGAWA MO!"

Nakayuko lang ako at tinatanggap ang bawat salitang binibitawan ni nanay. Naiintindihan ko naman s'ya, eh. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung ano ba ang ikinagagalit niya sa akin at sa aking pangarap? Kaya nga may pangarap ako para pagnatupad ay mas makakatulong ako sa kanila pero pilit nilang hinahadlangan.

"Nay, tama na iyan rinig na rinig ko ang boses mo sa labas. 'Wag mo nang pagalitan si Neshang," wika ng aking kuya na si Nathan.

Ibinaba niya ang kaniyang bag 'tapos ay lumapit ito kay nanay para pakalmahin ito. Kakauwi lang niya galing trabaho. Mabuti na lang ang dumating na siya kundi baka maiyak na naman ako dito.

Nabaling ang tingin nito sa akin nginitian niya ako na siyang nagpagaan sa loob ko. Kailanman ay hindi nagalit sa akin si Kuya Nathan.

"At ikaw naman Cindy ikaw ang ate dito dapat inaalagaan mo ang kambal, huwag puro cellphone at huwag iaasa lahat kay Neshang." Kalmado ngunit may pagkaawtoridad na baling ni kuya Nathan kay ate Cindy na nagpatigil sa kanya sa pagse-cellphone at umayos nang pagkakaupo.

"What?? Duh, I'm tired Kuya, okay. Napagod ako sa kagagawa ng assignments ko at kakalinis dito sa bahay," sagot ng maldita kong kapatid.

Akala mo naman talaga siya ang naglinis, maghapon nga siya d'yang nakahilata at puro cellphone ang inaatupag. Hindi pa nga yata siya naliligo saka s'ya daw naglinis? Napagod? What the... napagod kamo kakautos. Jusme, ako naglinis ng buong bahay 'di pa nga din yata ako naliligo. Mamaya na lang siguro or bukas. Kailangan magtipid ng tubig mataas ang bill.

"Tama na nga 'yan, kumain na tayo." Malumanay na sambit ni Kuya Nathan. "Kalma kana, Nay, ako na ang bahalang kumausap kay Aling Betty." Napabuntong hininga na lamang si Nanay. Pumunta siya sa kusina kasama ang kambal.

"Tara na bilisan n'yo at lalamig pa 'tong kanin!" Malakas pa nitong sigaw mula sa kusina.

"Mukhang gugutom na gutom si nanay at lumabas ang pagkadragon kanina HAHAHAHAHA," tugon ni kuya bago ako inakbayan. "Hayaan mo na lang si nanay, intindihin mo na lang siguro dahil na naman ito kay Betty The Balyena 'yon HAHAHAHAHA." Biro pa ni kuya dahil sa sinabi niya ay sumilay ang ngiti sa aking labi.

The Game Of Life Where stories live. Discover now