CHAPTER 54

82 5 4
                                    

Chapter 54

Matthew's PoV


I was surprised this day.

I startle when I slowly open the door. I thought the moment I stepped in, I would saw his black aura, his poker face, or worse, his darkened face throwing a deadly glare on my handsome face that made my perfectly sculpture body shiver.

But I was wrong; he's grinning.

Mukhang maganda yata gising niya at walang panama ang kaingayan ko kanina.

Well, that's a good thing.

Baka mamaya ay mapuno ng itim na awra ang bahay at mapalayas ako bigla.

Hindi pwedeng magpakalat-kalat ang kagwapuhan ko kung saan-saan baka mamaya ay pagkaguluhan ako.

"Hey, what's with that unusual grinning face in the morning? Ganyan ba nagagawa ng maganda kong boses? At nabibigyan ka ng magandang gising?" Kung gano'n lagi kong kakalampagin ang pintuan niya.

Naglakad ako. Nilampasan ko siya sa couch. Pabagsak kong hiniga ang aking katawan sa kama.

Napagulong ako sa kabilang parte ng may parang basa sa parte ng kama.

Yuck! What the?! Laway ba 'yon?

"Nothing. And don't you dare do it again." Akala ko ba naman puwede na akong mag-ingay.

Si Nerlyn na lang gigisingin ko pero lagi naman maagang nagigising 'yon.

But today was different. I can't see her. Wala rin foods sa kusina. Lagi kaseng nakahanda ang pagkain kapag gising na siya. Pero weird, wala siya.

"Nakita mo ba si Nerlyn? Umuwi ba siya kagabi?" tanong ko.

"Why?"

"Wala siya sa kuwarto niya." Nagkibit-balikat lang ito.

Hanapin ko na lang baka nasa tabi-tabi lang siya at hindi ko napansin dahil maliit siya.

"Okay, gutom ka na ba? Ako na lang maghahanda ng pagkain natin." pagbangon ko.

Kung bakit hindi niyo tinanong napakamalas niyo naman pala. Pero narito na ang pagkakataon ay sasabihin ko na.

Well, kung hindi niyo naitatanong ay magaling akong magluto. Syempre masarap ako este masarap din ang luto ko. Ako ang paminsan-minsan na nagluluto lalo na pag nagrerequest si Dwayne. Madami pa akong kayang gawin kaya jowain niyo na ako.

Natatakot ako na baka sa sobrang tagal ko ng single ay pakasalan ko na lang ang sarili ko. Pero kawawa naman 'yung inilaan ni Lord para sakin. Kaya willing 'to wait ang kagwapuhan ko.

Baka worth it naman ang pagiging single ko ng 19 years o kahit gaano pa katagal na panahon.

I'm willing to wait for the right person. I want that person to be my first and last.

'Yong tipong wala nang atrasan kumbaga 'yung panghabambuhay na.

Bago tuluyang makalabas sa kanyang kwarto ay binalingan ko ng tingin si Ken.

"Hoy, magdamit ka lang at baka lamigin ka. Mahirap magkasakit ngayon." Tumango naman ito.

Madalas kapag nagkakasakit sila ay ako ang nag-aalaga sa kanila. Madali lang naman ilang lagok lang ng alak ay magiging okay na sila.

Saan ko naman kaya hahanapin ang babae na 'yon?

Bumaba ako, baka nasa library lang 'yon, doon nakatulog. Pero wala. Nalibot ko na ang buong bahay pero wala pa rin.

Napahinto ako sa paglalakad sa pasilyo. Kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang nakakapaglaway na niluluto na iyon.

Sa kusina.

Naroon na si Nerlyn at nagluluto.

Saan naman siya galing?

"Good morning, baby girl..." panimulang bati ko at sinilip ang kanyang nililuluto.

"Gisingin mo na sila at tanghali na." ani nito habang seryosong nagluluto.

"Ikaw din late ka nagising noh? Saan ka ba galing? Hindi kita nakita kanina." Saglit itong natigilan pansin ko ang bahagyang paglunok nito ngunit kaagad ding bumalik sa pagluluto.

"D'yan-d'yan lang. Gisingin mo na sila malapit na 'tong niluluto ko." Napatango ako lamang ako.

Umakyat muli ako sa taas. Unang kong sinilip si Ken. Wala na ito sa kuwarto baka bumababa na rin ito kanina.

Swerte nila at ganitong kagwapong mukha ang bubungad sa kanila paggising nila.

"Hey, baby Dwayne... gising na breakfast is ready." Shit ang sweet ko. I want to marry myself.

"Hoy, Dwayne! gising na!" Pagyugyog ko pa sa kanya.

Tignan mo 'tong bata na ito hanggang sa pagtulog ay libro ang kaharap. Tinanggal ko nakatakip na libro sa kanyang mukha. Kinuha ko rin ang isa pang libro sa kama niya.

Kawawang bata mukhang kailangan ko uli matulog dito para naman kahit papaano ay may magandang bagay siyang makita bago matulog at pagising niya.

Kaya nga lagi akong may kaharap na salamin. Para makita ko ang gwapo kong mukha.

"Hey!"

"Hmm? I'm too sleepy..." Pagulong pa nito sa kabilang parte ng kama.

"Sige ka baka si Nerlyn pa ang manggising sa'yo." Awtomatiko itong napabangon. Na ikinatawa ko.

"5 mins. Just give me 5 mins more..." napailing na lamang ako.

Kung pilyo kami ay kaya niyang makipagsabayan sa mga kalokohan namin.

Iba talaga ang nagagawa ni Nerlyn. Minsan kase kapag ayaw naming bumangon ay may ginagawa siyang kalokohan para magising kami. Napapangiti na lamang din ako kapag nagkakaparehas ang aming ginagawang pamamaraan.

Sunod kong pinuntahan si Zerix. Nangiwi ako nang makita ang kabuoang ayos ng kanyang kwarto. Ang kalat.

"Zerix, bumungon ka na d'yan!" Sigaw ko habang pinupulot ang kanyang nagkalat na mga damit sa lapag.

'Di ko alam kung tao pa ba ito o ahas? Kung saan-saan iniiwan ang mga pinagbihisan niya.

Kung ito ang makikita ni Nerlyn paniguradong mag-oorder na naman kami ng pizza para makakain. O 'di kaya pag si Lex ang nakadatnan sa kalat na 'to nako. Maghahalo ang balat sa tinalupan.

"Hoy, bangon na—" Bumuwelo ako ng kaunti bago siya dinaganan.

"Shit!" Napagulong-gulong ito sa kama habang hawak ang kanyang sikmurang namimilipit sa sakit. "D-darn you, M-Matt!"

"Bilisan mo d'yan." Pag-ayos ko ng tayo bago nilisan ang kanyang lungga.

Bumaba na ako. Gutom na talaga ako feeling ko makakaubos ako ng ilang kaldero ng kanin ngayon.

"Ba—by..." Napahinto ako sa pagsigaw nang makita si Ken at Nerlyn sa dining area.

Napatago ako para panoorin sila.

I smiled.

Inilapat ni Nerlyn ang likod ng kanyang palad sa noo ni Ken. Mahina akong natawa. Parang namula si Ken.

Shit! Sa tanang buhay ko hindi pa yata ako kinilig sa mga ganitong eksena. Sa mga napapanood kong drama waepek. Pero ang isang 'to mapapasabi na lang akong may himala.

I-ship this two.

The Game Of Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon