CHAPTER 10

88 10 0
                                    


Chapter 10

"Ano nakita mo ba?"

Tinig ng kung sino ngunit 'di ko na nagawa pang pansin dahil sa isang pangyayaring kailaman ay hindi ko inaasahan.

Bigla kong naramdaman ang paglapat ng malabot na labi ng misteryosong lalaki sa aking labi. At sa sandaling iyon ay parang binura nito lahat ng pangambang nararamdaman ko.

Tumagal nang ilang segundo ang halik na iyon. Naramdaman ko ang unti-unting paglayo ng presensya nito sa akin. Marahan kong inimulat ang aking mata. Wait—What? bakit ako napapikit?

Hindi ko batid ngunit hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa medyo madilim siguro ang kinalalagyanan namin. Ngunit malakas ang pakiramdaman ko na nakangisi ang misteryosong lalaki sa harapan ko.

Napahawak ako sa aking mukha nang maramdaman na para bang may umaakyat na init roon. At ang pagpintig ng aking puso ay patuloy pa rin sa pagtatambol sa loob. Naikuyom ko ang aking kamay nang bumalik sa aking alaala ang nangyari kanina-nina lang. Sa pagkakataon na ito inis ang nangingibabaw sa akin.

Waaaaaaa!!!!!!!!! T-thatt jerkkkk!

I glare at him even if I can't see him properly. I don't like his presence.

Naningkit ang mata ko nang muling naramdaman ang matinding presenya niyang papalapit sa akin. Matapang ko itong hinarap ngunit napaatras din agad ako at napayuko ako nang inilapit niya ang mukha sa akin. Mabilis kong iniwasan ito.

"You're forgiven," seryosong bulong nito sa akin.

Sa simpleng mga salita na iyon ay parang may kumiliti sa akin pero may hatid itong nakakakilabot na pakiramdam. Maganda ang himig ng boses niya ngunit nakakatakot.

"H-ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Tsk, stupid."

Napaisip naman ako. Ah, baka 'yung kanina. Nabunggo ko siya ta's nadamay pa siya sa mga humahabol sa akin pero kung sanang hindi niya ako hinila at hindi siya sumama sa pagtakbo, hindi siya madadamay. Malaking gulo talaga ang dala ko dumagdag pa siya.

"I-I'm so—" napahinto ako sa sasabihin ko.

Awtomatikong nanlaki ang aking mata at halos lumuwa na ito dahil sa gulat. Nang muli kong maramdaman ang pagdampi ng malambot na labi nito sa akin. Mabilis ito kumpara kanina.

Ilang sandali akong napatulala. Napakurap-kurap ako. Nagwawala na naman ang mga kabayo sa loob ng dibdib ko. Mariin akong pumikit at ikinuyom ang kamay ko. How dare he is to stole a kiss!

"You jerkkkk!" Bwisittt siya, bwisit!

Pinaghahampas ko siya ng folder na hawak ko.

Nakakainis! Nakakainis siya! Buset ka!

"Ouch! Stop!" aniya pa ngunit 'di niya ako mapipigilan.

Waaa!!! Hiyah!!!!

Walanghiya kang lalaki ka! Irereport ko kita!

Nabitawan ko ang hawak kong folder nang mariin niya akong hinawakan sa pulsuhan at marahas na hinila papalapit sa kaniya. Dahil sa ginawa niya ay napahawak ang isang kamay ko sa kaniyang dibdib. Iniangat ko ang aking ulo upang siya ay tingalain. Sinuri ko ang mukha nito ngunit nakaharang ang mga hibla ng buhok ko sa mukha ko.

Medyo naaninang ko na siya ngunit hindi ko madetalyado ang kaniyang itsura. Pero in fairness base sa feature ng kaniyang mukha at pangangatawan walang dudang gwapo itong lalaki na ito. 'Yun nga lang malakas ang pakiramdam ko na masungit siya, suplado at napakasama ng ugali...

The Game Of Life Where stories live. Discover now