CHAPTER 4

118 13 3
                                    

Chapter 4

"Hoy Nerlyn! Agahan mo lang ang uwi mo mamaya at labhan mo ang mga damit ko." Mataray na pagkakasabi ni Ate Cindy habang inaayos ang gamit niya.

"Oo, ate ako na ang bahala sa mga damit mo."

"Ayusin mo lang talaga kundi malalagot ka sa akin. Maliwanag ba?!" Pasigaw niya pang baling sa akin at kinurot ako.

Napatango na lamang ako bilang sagot para 'di na humaba ang usapan.

Brutal talaga ang isang 'to. Maldita!

Biglang tumunog ang cellphone ni ate kaya naman naputol ang masamang tingin nito sa akin. Mabilis niyang kinuha ang phone niya sa ibabaw ng mesa at sinagot ang tawag.

"Hey sis...oh, really?... OMG! I'm on the way na. Wait for me," aninya pa sa kausap nito sa kanilang linya. Binaba niya ang tawag at agad kinuha ang mga gamit na nakapatong sa mesa. Dali-dali itong umalis ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Mukhang excited siya at nakalimutan niya ang kaniyang baon. Ihahatid ko na lang siguro sa kaniya ito mamaya.

Hindi kami sabay pumapasok ni Ate Cindy kase naiirita raw siya pagmumukha ko. Matanda siya sa akin ng isang taon ngunit magkaparehas lang kami ng grade level pero magkaibang section. Malaki ang pagkakaiba naming dalawa kaya 'di mo aakalain na magkapatid kami. Mas papasa pang kapatid ko si Wendy.

Bata pa lang ay hindi na kami magkasundong dalawa. Walang araw ang lumilipas na hindi niya ako sinusungitan at inaaway.

"Nerlynn!!!" Pasigaw na tawag sa akin ni nanay. "Nandito na si Wendy bilisan mo d'yan!" dagdag pa nito.

Binilisan ko ang pagliligpit sa aming pinagkainan dahil baka hindi na naman mapigilan ni Wendy ang kaniyang bibig at kung ano na namang chismiss ang ikuwento kay nanay. Lahat na lamang yata ng balita ay nasasagap niya kahit gaano man ito kalayo.

Inayos ko ang aking gamit. Mabilis akong tumungo sa sala upang puntahan si Wendy. Naabutan ko pang may inililista si nanay. Baka mga bayarin na naman. Naroon din ang kambal at naglalaro sa kaniyang tabi.

Kapag weekdays, kung minsan ay alas singko o 'di kaya ay alas sais na tumutungo si nanay sa palengke para maasikaso muna kami at iniiwan na lang niya ang kambal kay Tita Jinky—pinsan ni nanay para bantayan ang kambal.

"Let's go na, Nesh. Bye-bye na po tita Rina tama na po ang paglilista d'yan baka dumami 'yan lalo." Pabiro pang sabi ni Wendy.

Nagpaalam na rin ako kay nanay at sa kambal bago kami tuluyang umalis.

Maaga kami kung pumasok ni Wendy hindi na rin bago sa amin ang maagang gumising dahil madaling araw pa lang ay mulat na mulat na ang aming mga mata para magtinda sa palengke.

Agad kaming nakarating sa aming paaralan mabuti na lamang ay maaga-aga pa at wala kaming nakasalubong na mga bully. Baka mamaya ay may pa marathon na naman kami bigla.

"Huy, Nesh sa tingin mo dito kaya nag-aaral 'yung future hubby ko, hihihi?" Kinikilig na tanong ni Wendy.

Tignan mo nga naman ang isang 'to asawa na agad ang nasa isip porket nginitian lang s'ya nung crush niya. Baka nga para sa iba 'yong ngiti na iyon. Hindi para sa kanya.

Napahinto ako sa paglalakad. Kusang kumuyom ang mga kamay ko. Umakyat ang inis sa akin nang biglang sumagi sa aking isipan ang misteryosong lalaki na nakatinginan ko sa simbahan noong araw din na iyon.

May mga pagkakataon nga kagabi na 'di ako makatulog dahil doon. Binangungot yata ako. Kainis talaga 'yong lalaki na iyon. Kung makatingin akala mong may ginawa akong masama sa kanya. Pero sa akin ba talaga siya nakatingin?

The Game Of Life Where stories live. Discover now