CHAPTER 44

88 10 1
                                    

Chapter 44

Ilang araw? Linggo? Hindi ko na binibilang ang nagdaang araw simula nang pumutok ang isyu na nilalandi ko raw sila Matthew at ang iba pang lalaki.

Hindi ko na lang pinapansin dahil hindi naman magtatagal ang issue na 'yan. Bukas makalawa ay may iba na naman silang issue.

Nalaman din nilang sa bahay ng apat na lalaking pinagkakaguluhan ng lahat – ako nakatira. Kaya mas lalong nag-iinit ang mga mata nila sa akin.

Totoo naman nasa bahay nila ako nakatira pero 'yong ibang sinasabi nila ay sobra na, hindi na makatotohanan. Ang sakit na!

Ang dami ko ng problema nadagdagan na naman. Lahat tayo ay may problemang kinakaharap. Kaya naman simula ngayon tumalikod ka na lang. Joke.

Marami na naman ang nainis, nagalit sa akin. Bumalik ang mga nang bubully sa akin at mas lalo silang nagkaroon ng lakas ng loob dahil wala rito sila Ken. Dahil nagpapractice sila sa ibang lugar.

Wala rin naman akong balak na sabihin sa kanila ang nangyayare. Duh I'm not sumbungera, chismosa. Minsan lang siguro, pero alam kong makakarating at makakarating sa kanila 'to pagbalik nila.

But one thing that made me felt sad... Wendy.

I don't know why, but... naging mailap sa akin si Wendy kaya naman mas dumoble ang bigat na dinadala ko. Dahil ang hirap isipin kung bakit bigla ka na lang iniwasan ng taong laging nasa tabi mo.

Lagi ko siyang pinupuntahan kapag lunch, pero wala siya. Kahit sa bahay nila ay hindi rin siya nagpapakita sa akin.

Ang hirap ng ganito, ang hirap na kapag iyong nakasanayan mo bigla na lang magbabago, bigla na lang mawawala.

Dahil ba 'to sa isyu na nilalandi ko raw si Matthew? Pero alam niya naman na si Zerix ang crush ko.

Oo crush ko si Zerix. Crush lang naman.

Sa katunayan noong nakaraang kasama namin si Matthew ay ibibigay ko sana ang mga picture na kinuhanan ko kay Matthew para ibigay sa kanya. Pinakiusapan ko rin si Matthew na magpicture kami kasama si Wendy ta's silang dalawa ni Wendy.

Pero bigla na lang siya umalis noon at doon nagsimulang hindi na siya magpakita sa akin.

Sanay naman ako mag-isa, eh. Sanay akong tanggapin lahat ng problema ng mag-isa. Pero ngayon parang tinalikuran na ako ng lahat. 'Yong kaisa-isang taong laging nandyan sa tabi ko ay mukhang tatalikuran na rin ako.

Pero naiintindihan ko naman siya dahil paniguradong may dahilan siya.

Alam kong may iba siyang dahilan. Hindi iyon magpapaapekto sa mga chismis na kumakalat ngayon. At kahit anuman ang dahilan niya ay iintindihin ko iyon.

Mabuti rin pala 'to na malayo siya sa akin baka mamaya ay madamay na naman siya sa gulo ng buhay ko.

Patago-tago muli ako sa mga halaman na madadaanan ko. Napatalon ako sa gulat nang may magsalita.

"Hey!" Jusko!!

"H-ha a-ano? 'Wag mo akong sasaktan." Umatras ako papalayo sa kaniya.

"Calm down, I won't harm you." Ngumiti siya sa akin.

She looks familiar.

"Bakit mag-isa ka lang?" Kailangan ba pag gustong mapag-isa may kasama?

"A-ano, you know?" Parang pamilyar talaga siya. "Parang pamilyar ka hehe."

"Omg! it's me your classmate Jaira, remember Dwayne's partner." napaisip naman ako.

"Aha! Oo, naalala na kita." Nahihiya pa akong tumawa.

Ngumiti ito sa akin.

"Can we be friends?" Biglaan niyang tanong na ikinagulat ko.

"Ha? Sure, ka ba d'yan? Baka naman jinojokies mo lang ako, ha."

Mahirap na... sa lagay ko ngayon. Sino ba ang gustong makipag kaibigan sa akin? Sa tulad ko na puro gulo lang ang dala.

"Baka mamaya trip lang 'to, ha? Sorry pero nag-iingat lang ako lalo na sa sitwasyon ko ngayon."

"Whatever. If you don't want then okay kaya ko naman makipagplastikan. Actually, ang tagal ko nang nakikipagplastikan sa mga kaklase natin." maarte at pranka nitong sabi.

Woah. I didn't expect that.

"Grabe ka naman... pero kung kaibigan ang turing mo sa akin kaibigan na rin ang turing ko sa 'yo at papahalagahan ko 'yon." Nginitian ko siya.

I have the feeling that I can trust this person.

"What if nakikipagplastikan lang talaga ako sayo? Paano kung kaaway pala ako, Friends pa rin tayo?" tanong nito.

"Of course kaibigan pa rin ang turing ko sa 'yo. Alam mo kase wala naman tayong mapapala kung makikipag-away tayo at magtatanim ng galit or gaganti tayo sa mga taong ayaw naman sa atin. Dapat nga mas intindihin at mahalin natin ang mga tao na napupuno ng galit dahil baka sakali sa ginagawa nating pagmamahal or kabutihan sa kanila ay mawala kung ano man 'yong pinalalago nilang galit."

"Maybe yes, maybe no... Dipende rin kase sa tao 'yon kung paano nila ito ihahandle. Basta ako plastik lang akong tao pero I don't harm anyone else. Unless kapag kailangan talaga." Mataray niyang sabi.

"Saka hindi tayo lubusang sasaya kung puro galit o inggit ang papairalin natin," wika ko pa.

Ang galit at inggit ay nakakasira ng buhay at pagkatao. Tandaan natin 'yan nakakalason ito ng pag-iisip.

"Yeah, yeah, yeah... So, friends?" Nilahad nito ang kanyang kamay sa akin. Ilang saglit ko siyang tinignan bago tinggap ito.

"Friends..." Ngiti ko.

Sobrang nakakailang feeling ko nasa akin lahat ng mata nila. Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa gitna ng dilim kung saan napapalibutan ng mga mata. Mga matang naghihintay ng pagkakataon na atakihin ako.

Pabalik na sana kami sa room nang biglang may bumunggo sa akin.

Hindi ko alam kung bakit napaupo 'yong babae dahil nahawakan ko naman agad siya. Yuyuko sana ako para tulungan ulit siya nang umiyak at sumigaw ito.

"Ouch! She pushed me! She wants to hurt me." Iyak niya pa. "Help me guys." Napaatras pa siya nang lumapit ako para tulungan siya.

Napalibot ako ng tingin. Bulungan na naman ang mga tao sa paligid.

"Hala hindi naman kita tinulak." Hindi ko naman talaga siya tinulak 'di ba?

"Liar, ikaw na nga nakasakit nagsisinungaling ka pa." Mangiyak-ngiyak nitong sabi.

"Hala a-ano..." Mas naging maingay ang bulungan naman mga tao. Nataranta ako.

Mali na naman ako sa mata nila kahit wala naman akong ginagawang masama.

Isang malakas pa na palakpak ang umagaw sa atensyon namin. Papalapit sa amin si Miss Jaira.

"Girl, you know puwede kana sana mag-artista, pero alam mo kulang ka sa iyak e." Nilapitan nito ang babae. Bahagyang iniangat ang mukha. "Look, Oh, ang fake ng tears, ha. Ano ba 'yan laway lang? Tubig? Pawis?" Maarte niyang pang pagtawa.

Pailing-iling nitong iniwan ang babae. Lumapit ito sa akin para tulungan ako.

"Ano bang address mo? Padadalan kita ng sako-sakong sibuyas baka sakaling maganda ang maging pag-iyak mo at mag mukhang makatotohanan." Taas kilay nitong asar sa babae.

Nakita kong kumuyom ang kamao nito at nanlilisik na tinignan si Miss Jaira.

"And guys gusto niyo rin onions? Or gusto niyo magpatingin sa ophthalmologist? Or any doctor sagot ko na... Kase 'di niyo naman nakita ang buong pangyayare comment kayo ng comment d'yan. Dun kayo sa facebook maggaganyan, post niyo rin ta's share ko." Aniya pa na nagpaawang sa mga tao. "It that's enough? Enough for attention you want, girl?" Binalingan niya ulit ang babae at inirapan ito.

Nakatulala lang ako sa kaniya. This girl... she's unbelievable.

Natauhan ako nang hilahin niya ako papalayo.

"Sana hindi mo na lang iyon ginawa baka madamay ka pa sa gulo ko." Nahihiya kong saad.

"Duh, it's okay I don't care about it. Okay din 'yon para may thrill." Natutuwa niyang sabi.

"Bakit kasama ni Jaira ang ugly nerd na 'yan?"

The Game Of Life Where stories live. Discover now