CHAPTER 50

136 7 9
                                    

Chapter 50

What is love?

For you what is love?

A simple question yet still have a complicated answer. Love? Love? Love? 'Coz there is no definitely word can explain what is exactly love is. Maybe Merriam Webster says "love is a feeling of strong constant affection for a person or a person you love in a romantic way." So on and so on.

But we all know that love has a deeper meaning.

Love is sacrifice.

Love is what makes you happy.

Love is what you can see the best of you when you were someone you love.

Love is loving yourself

And many more...

For me, love has no specific meaning. It is the scariest thing you can do in this world yet a greatest feeling you ever felt in the universe.

No need to have meaning, no need to have reason or even a requirement to felt love and to be loved. Just let yourself find and give its true meaning for what is love is.

Basta magmahal ka lang. But remember libre lang ang magmahal kaya wag kang umasa na masusuklian ka.

Kase alam natin na masakit ang masaktan pagdating sa mga bagay na binibigyan natin ng importansya.

Dami say. But to be honest parang ang hirap i-expound kapag topic 'yung love. Ang dami mong gustong sabihin pero hindi mo alam kung paano.

Kase alam mo 'yon. Basta 'yon.

Kaloka naman kase 'tong speech na 'to. Na-stress ang pimples ko.

"Nerlyn..." pagtawag sa akin ni ma'am.

Huminga muna ako nang malalim bago naglakad patungo sa harapan.

As you can see, we have a speech today. Sobra akong kinakabahan. Pero kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to. We need to face our fears to move forward in the next level of our life.

Nasa kalagitnaan ako ng aking speech nang biglang may kumatok sa pinto. Napahinto ako dahil sa lakas ng katok nito.

"Excuse me, Chi este Ma'am Chi." Nakangiting bungad ni Ban. " Hi, girls..." Kindat pa nito sa kababaihan na hindi makapakali na animo'y parang kiti-kiti.

I mentally rolled my eyes.

Panira talaga siya. Ganda ganda na ng speech ko, eh. Ang daming kong kinain na pampalakas ng loob no.

"Eto po 'yong report plan pinapaabot ni Mr. Del Feñia." Abot pa nito ng isang long brown envelope kay Ma'am Chi. "Paki-email na lang daw po sa kanya ang need na requirements para sa next report po." Binuksan pa ni ma'am Chi ang envelope. Chineck ang mga papeles na nakapaloob dito.

Habang ginagawa ito ni Ma'am Chi ay nakangiting lumapit sa akin si Ban.

Naglabas ito ng isang panyo mula sa kanyang bulsa. Napaestatwa ako sa aking kinatatayuan nang hawakan niya ang aking mukha. Pinunasan ang tagaktak kong pawis. Hinawi ang ilang takas kong buhok na sumasagabal sa mukha ko at inilagay ito sa likod ng aking tainga.

Dahil sa ginawa niya ay lumikha ito ng samu't saring ingay sa buong classroom namin. Samu't sari ang naririnig kong bulungan.

"Ayos ba?" Bulong pa nito sa akin.

"Don't play around, Ban!" Mariin kong bulong dito at matalim siyang tinignan.

Kanina pa siya sa bahay. Ke aga-aga mambwisit. Hindi pa yata tumitilaok ang alarm clock ko ay naroon na siya.

The Game Of Life Where stories live. Discover now