CHAPTER 34

74 10 0
                                    

Chapter 34

Feeling ko mukha na akong panda. Sobrang laki ng eyebags ko samahan mo pa ng magulong buhok.

Hindi ako nakatulog kagabi. Hanggang ngayon ay mulat na mulat pa rin ako. Ang isip ko ay nililipad.

"Kaasar talaga ang halimaw na 'yon!" Inis ko ani at ginulo ang magulo kong buhok. Basta nabubwisit ako sa kaniya.

Naghilamos muna ako ng mukha. Inayos ko ang aking sarili bago bumaba at mapagpasyahan na magluto para sa almusal nila.

Naninibago talaga ako sa bahay na ito.

Pahikab-hikab akong naglakad patungong kusina. Bumibigat ang mga talukap ng mata ko ngunit nang tuluyan kong mamulat ang aking mga mata ay parang nawala bigla ang antok ko.

Nanlalaking mga mata kong tinapunan ng tingin ang nakita ko. Sisigaw na sana ko sa gulat pero parang naging slow motion ang lahat nang magtama ang aming mga mata. Gulat siyang napalingon sa akin at bigla akong binugahan nang iniinom niyang kape.

What the porkchop!

Mariin akong napapikit sa ginawa niya.

"What the...why are you look like that? Y-you look so scary..." Nababakas ko sa kaniyang boses ang gulat at bahagyang takot.

Mas lalo kong ginulo ang buhok ko. Umakto ako na parang zombie na white lady para takutin siya. Rawr!

"Aray naman!" angal ko nang batuhin niya ako ng tsinelas sa ulo. Ang aga-aga binubwisit niya ako!

Pinunasan ko ang binuga niyang kape sa mukha ko at ang magulo kong buhok. Napatulala ako saglit nang malinaw siyang makita.

Jusko naman bakit ba siya ganito?!

Nakaupo siya sa malapit sa lababo. Nakataas ang isang paa habang nakapikit na dinadama ang paghigop ng isang tasang kape. Gulo-gulo pa ang kaniyang buhok na wari mo ba'y kakagising lang.

T-ta's a-ano... t-topless siya! Parang model lang tulad sa mga commercial.

Jusko! Mahabaging langit.

*Ehem* bigla siyang napaubo, nag-iwas na lang ako ng tingin. Feeling ko ang init-init dito, jusko!

"Tsk, stupid... Don't you know how to use a comb?"

Nakakainis talaga ang lalaki na 'to!

"H-ha? a-ano, a-a-ano..." Shems bakit ba ako nauutal? Hindi na ako 'to.

Chill Neshang! Hindi kase ako sanay na may paganyan sa umaga ko. Kung araw-araw akong makakakita ng ganyan baka mabaliw na ako.

Nararamdaman kong nakangisi na naman ang isang ito. Nakakainis talaga siya! Lakasan mo loob mo, Nerlyn!

Mataray ko siyang nilingon at tama ako nakangisi siya. Napaayos ito nang upo— napa-indian sit.

'Wag mong pansinin Neshang nababaliw na ang isang 'yan. Isipin mo na lang na hindi siya nag-e-exist sa buhay mo.

Inirapan ko siya. Taas noong naglakad papalayo. Pero hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya at malokong nakatingin sa akin. Hindi tuloy ako makakilos nang maayos.

Nakakainis na talaga siya! Kumulo ang dugo ko sa kaniya!

Inis ako siyang hinarap."Ano ba?!"

"Huh?" Painosente niyang pagsagot.

"Alis 'di ako makapagluto nang maayos dahil sa 'yo!" Sigaw ko pa.

Sabi sakin ni lolo Mendz ay 'wag akong matakot sa mga apo nila lalo na kay Ken. Kailangan daw ako ang magpaamo sa kaniya.

The Game Of Life Where stories live. Discover now