CHAPTER 15

58 8 0
                                    


Chapter 15

"Be proud of yourself, you survived the days you thought you couldn't."

Pagbasa ko sa quotes na nakasulat sa itaas na bahagi ng activity sheet. Pagtingin ko sa unang tanong ay kailangan na ipaliwanag ang binasang quotes sa itaas.

Napaisip ako...

May mga problema o hamon na darating sa buhay natin na talagang susubukin kung hanggang saan talaga tayo. Dumadating tayo sa point na sobrang hirap talaga at litong-lito tayo sa mga desisyon na gagawin natin o ano ang mga bagay na pipiliin natin. Dumadating tayo sa point na tanging pag-iyak na lang ang nagagawa natin. Dumadating tayo sa point na hindi na natin kaya at gusto na lang nating isuko ang lahat pero isang araw magigising na lang tayo na nalagpasan natin ang ano mang pinagdadaan natin. Na kinaya pala natin kahit na parang napakalabo na ng lahat. Kinaya natin dahil nagtiwala tayo sa kung ano ang plano ni Lord sa atin.

Minsan hindi magiging madali ang mga araw na magdadaan at dumadating tayo sa point na napakagulo at napakahirap ng lahat ngunit isang araw gigising tayo na kinaya natin lahat ng 'yon. Na nakasurvived na pala tayo dahil nagpatuloy pa rin tayo at hindi sumuko.

Basta ang tanging pinanghahawakan ko ngayon kahit na minsan ay hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari sa buhay ko ay ang patuloy na magtiwala kay Lord.

Maaga akong gumising para gawin ang mga dapat kong gawin. Inuna kong gawin ang aking school works bago sana maghanda ng mga kakainin nila tita mamaya ngunit ilang tanong palang dito ay wala na akong maisagot.

Sabado ngayon.

Sa umaga ay tumutulong ako sa pagtitinda kila Aling Mertz. 'Di na kase ipinagpatuloy ni tita na magtinda sa palengke nakakadiri raw. Maraming mga ipis at daga at malansa raw ang amoy. At isa pang dahilan ay baon na rin kami sa utang kaya kahit labag sa loob ay pinaubaya ko na ito kay Aling Betty. Pagsapit naman ng gabi ay naroon naman ako sa karendirya nila Aling Lita.

Kailangan kong kumayod para mabuhay.

Mukhang kailangan ko na rin maghanap ng trabaho na medyo malaki-laki ang kita, para matustusan ang mga pangangailangan namin lalo na ang pag-aaral ko. Bibihira na lamang kase kung magpadala ngayon ang magulang nu'ng kambal.

Kung aasa lang din ako kaya kuya ay walang mangyayari. Kung kila tita naman baka dumami pa ang utang namin.

Kaya kailangan kong tulungan ang sarili ko dahil ako lamang ang makakatulong sa akin.

Nag-iwan ako ng sulat bago umalis. Nang makarating ako kila Aling Mertz ay naabutan ko si Bert na natutulog. Ito talagang bata na 'to puro tulog na lang ang ginagawa.

"Magandang umaga Aling Mertz!" Nakangiti kong bati sa kaniya.

"Magandang umaga rin Neshang, kumain kana ba? Kumain ka muna, oh." Sabay abot ng tinapay sa akin.

Bigla na lamang nag-angat ng tingin ang nakayukong si Bert kusot-kusot pa ang mata at antok na antok. Isang malakas naman na batok ang iginawad ni Aling Mertz sa kaniya.

"Aray naman nay, 'bat mo po ginawa 'yun?" reklamo niya habang nakahawak sa ulo. Ang saya nilang tignan na dalawa.

"'Wag ka kase tulog nang tulog d'yan!" Pagsesermon pa ni Aling Mertz sa kaniya.

"Inaantok pa ko, eh." Pagmamaktol pa ni Bert.

"Paano kang 'di aantukin, puyat ka nang puyat kakanood ng mga kung ano-ano." Napaiwas naman ng tingin si Bert. Tumayo ito at sinimulang buhatin ang mga basket.

"Nay, alin ba dito ang idedeliver?" Masigla nitong sabi.

"Hayan sige, kala mo 'di ko alam mga pinaggagawa mong bata ka, ha!" Sambit pa ni Aling Mertz na ikinatawa ko. "Neshang, samahan mo ang bata na 'yan kila Aling Minda na ideliver ang apat na basket na 'yan." Utos pa niya. Agad naman namin kinuha ang basket ng gulay at sinimulang maglakad.

The Game Of Life Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang