CHAPTER 20

59 8 0
                                    

Chapter 20

Late na akong nakauwi sa bahay dahil sa daming customer ngayon sa karinderya ni Aling Lita.

Patok ang bagong putahe sa menu ni Aling Lita. Nagbago rin ang ayos ng karinderya mas luminis ito at nagkaroon ng mga kulay at dekorasyon.

Halos araw-araw din nagtutungo si Aling Betty sa bahay namin para maningil ng utang. Nakakahiya na nga, pinagtataguan pa kase siya ni Tita Jinky. 'Yung inutang niyang pera ay pinangbili lang pala niya ng bagong cellphone.

Nakaramdam ako nang panunuyot ng lalamunan ko kaya naman napagdesisyunan kong bumaba para pawiin ang uhaw na nararamdaman ko.

Naabutan ko sa kusina si Tita Jinky, umiinom ito ng kape. Bakit gising pa siya? Ay mali, bakit ngayon lang siya umuwi?

"Ano, nagpunta na naman ba rito 'yung balyenang nakalunok ng megaphone?" Pagtatanong niya pa.

Nagsalin ako ng tubig sa baso bago sinagot ang tanong niya.

"Opo, tita... Tita, wala ka po bang balak maghanap ng trabaho?"

Sa totoo lang malaki-laki at malakas naman itong katawan ni tita lalo na si tito Arthur na puro inom lang ang alam.

"Eh, si Tito Arthur po?" Dagdag ko pang tanong.

Halos masamid ako nang isang malakas na sampal ang isinagot niya sa akin. Ilang sandali akong natulala at hinaplos ang aking pisngi. Iniling ko ang ulo ko at muling uminom ng tubig.

Sanay na ako sa trato sa akin ni tita Jinky lagi niya kase akong sinasampal bilang paunang sagot.

"'Wag mo nga akong pangunahan! Hindi pa ako natatanggap sa mga in-apply-an ko." Pag-iwas pa nito ng tingin.

Kailangan ko na yata talagang maghanap ng mas malaki ang kita para mapaghandaan ko na rin ang pangkolehiyo ko at pambayad sa utang na palaki nang palaki.

Napalingon ako nang makarinig ng yabag ng paa na papalapit sa direksyon namin. Bahagya akong nasindak at napaatras nang makita si Tito Arthur. Lasing na lasing na naman ito at hawak ang minamahal niyang redhorse.

"E-engeng pera, N-nerlen." Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya. At pulang-pula na ang mga mata nito.

"Wala po akong pera, tito." Pagkasabi ko no'n ay marahas ako nitong kinuwelyuhan. Napapatingkayad na lamang ako.

Matatalim na tingin ang pinukol niya sa akin. Umaakyat ang takot sa akin habang pinagmamasdan ang malademonyo nitong mga mata. Ilang sandali pa ay malakas ako nitong itinapon papalayo.

Dahil sa ginawa niya ay tumama sa kung saan ang noo ko at bumagsak ako.

"Walang kwenta!" galit nitong sigaw.

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Kinapa ko ang noo ko, napahawak ako sa aking ulo, kumikirot ito. Nagsisimula na ring manlabo ang paningin ko. Nang tignan ko ang aking kamay ay may bakas ng dugo roon.

"Oh My God! Arthur, tama na nga 'yan! Tumigil ka na! Nerlyn, umakyat kana sa taas dalian mo!" sigaw pa ni tita.

Mariin akong napapikit. Naghanap ako ng makakapitan para makatayo. Ramdam ko ang labis na pagkahilo at ang pagtulo ng dugo sa aking mukha. Pinilit kong tumayo at mabilis na naglakad paalis.

Umakyat agad ako sa taas patungo sa aking kwarto kahit na ramdam ko ang matinding pagkahilo dulot nang pagkauntog sa kung saan.

Halos pagapang na akong nakarating sa kwarto ko. Pabagsak akong nahiga sa kama. Hinayaan ko muna nang ilang sandali ang aking sarili na mamahinga bago gamutin ang dumurugo kong noo.

The Game Of Life Where stories live. Discover now