CHAPTER 45

99 11 1
                                    

Chapter 45

"Watashi wa koko ni iru watashi wa anata wo mamoru."  Bulong nito sa akin. "Anata ga i naku te sabishii desu, Milledy."

Kunoot noo ko siyang tinignan. Hindi ako pamilyar sa salita na ginamit niya. Nababaliw na yata talaga 'to. Ngayon ko na nga lang siya nakita uli kung ano-ano pa sinasabi.

"Ano?" Pagtanong ko pa sa kanya.

"Sabi ko ambaho mo. Try mo rin maligo minsan." Pagtakip pa nito sa kanyang ilong. Grabe, ha.

Naagaw ang atensyon namin ng may tumawa nang malakas.

"Nasisiraan ka na siguro ng bait para gawing girlfriend 'yang mukhang basahan na 'yan." Ay wowers, ha nahiya naman ako sayo kuya. Ang linis mo! Ang linis linis mo kuya.

"Ngayon ay 'di namin papalagpasin ang ginawa mo sa boss namin."

Napasigaw ko sabay nang pagpikit at pagtakip sa ulo nang akmang susugod at aatake sa amin. Pero napatigil 'yon nang biglang may magsalita.

"One wrong move and you're definitely say hello to a wheel chair." Isang malamig at nakakakilabot na tinig.

Nilingon ko ito.

Bakit ba sa dinami-daming nagpapakita ngayon, bakit pati siya? Eh ayaw ko naman siya makita.

"Sino ka ba, ha?!" Matapang na sigaw nu'ng lalaki.

"Choose now! Don't waste my time!" Malamig pang sabi nu'ng halimaw.

Syempre sino pa ba ang nakakakilabot na magsalita rito. Kasama niya sila Matthew na seryoso lang ang tingin sa amin.

Akala ko ba next week pa ang balik nila?

"Pre... A-alis na tayo." Bakas ang takot sa isang lalaki habang nakatingin kay Ken.

May binulong ito sa lalaking nagmamatapang na dahilan ng pagkabalisa nito. Ilang sandali pa ay inakay nila ang kanilang boss na nawalan ng malay kanina.

Nanlalaking mga mata, parang hangin lamang dumaan sa aking harapan si Zerix. Sumugod ito kay Baneng, kinuwelyuhan at base sa higpit nang pagkakahawa nito ay nagpupuyos siya sa galit.

Napangisi naman si Ban.

"Miss me, baby?" Aniya pa. Magkakilala ba sila?

Nakalapit na sa aming kinatatayuan sila Matthew, napabitaw naman si Zerix kay Ban at napatabi. Nagulat na lamang ako sa sunod na nangyare.

"Oh..." Napaawang sabi ni Ban na ngayon ay bagsak sa lupa habang hawak ang kanyang panga.

Bigla na lamang kase siyang sinuntok ni Ken. Anong problema niya?!

Akmang tutulungan ko si Ban nang hawakan ako sa braso ni Matthew at napailing ito. Gulong-gulo ko pa siyang tinignan. Hindi ko sila maintindihan.

"As expected... On how welcoming me HAHAHA!" malakas na tawa ni Ban na lalo kong ipinagtaka. Pinunasan nito ang gilid ng kaniyang labi na may dugo. "Masyado mo naman yata akong miss boss?"

Boss? I'm so confused now.

Napatakip ako sa bibig dahil sa gulat. Biglang bumawi ng suntok si Ban kay Ken.

"Pero syempre mas miss kita bossing." Sunod niyang nilapitan si Zerix at sinuntok sa sikmura. "Syempre ikaw rin baby."

Bakit sila nagsusuntukan? Na saan ang mga guard dito?

"What are you doing here, dumbass?" ani pa nu'ng halimaw.

"Ano bang nangyayare?" Pagtanong ko pa kay Matthew. "Awatin natin sila."

"'Wag mo silang alalahanin ganyan lang talaga sila pag nagkikita. Miss lang talaga nila ang isa't isa. Kumbaga Parang welcome hug." Binalingan ko pa sila ng tingin at mukhang magsusuntukan na naman sila.

Weird naman. Suntukan talaga ang ginagawa nila imbes na group hug?

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Ano bang nangyayari bakit ang daming lalaking nakapalibot sa inyo?" Nag-aalala niya tanong pero mas nag-aalala talaga ako dun sa tatlo.

"Don't worry baby ikaw lang ang aking baby." Baling pa nito kay Dwayne.

Ang cute niya talaga!

"Baby your face!"

"Of course I have a baby face." Sabay naman kaming napatampal ng noo ni Dwayne dahil sa kanyang sinabi.

Napaatras ako sa gulat nang mabilis na sinipa ni Ban sa likod si Matthew at sunod ay sinuntok si Dwayne.

"Namiss ko rin kayong dalawa!"

"Damn! Masakit Ban!!!"

"Sht!!" Singhal pa nila.

"Tama na nga 'yan!" Pagtigil ko sa kanila. Pinagtitingan na kami rito. Nakakahiya...

Una kong nilapitan si Dwayne at itinayo, gayundin si Matthew. Bahagya ko pang hinila ang tainga ni Ban. Tinulugan ko rin si Zerix. At inirapan ko pa ang halimaw.

"Tsk." Che bahala siya d'yan malaki na siya.

"Uwi na tayo. Nagutom ako bigla." Si Dwayne na nakahawak pa sa kanyang sikmura.

Lumapit naman sa akin ang halimaw at binato ang kanyang bag. Pansin ko rin ang ilang sugat niya sa mukha. Mariin akong napapikit.

Kase naman nako pag 'to nalaman nila Lolo Mendz At lolo Ed baka malagot ako. Kung ano-ano pinaggagawa ng mga apo nila.

"Ambaho mo!" Bulong niya pa na ikinainis ko.

The Game Of Life Where stories live. Discover now