CHAPTER 32

63 8 0
                                    

Chapter 32

"Nerlyn... gising." Isang tinig na nagpapauli-ulit sa aking isipan. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata.

Na saan ako? Patay na ba ako? Ito na ba ang langit?

"Anak... ayos ka lang ba?" Nilibot ko ang aking mata para hanapin ang tinig na iyon.

Tanging itim lang ang nakikita ko. Itim lang ang buong paligid. Madilim. Ako lang mag-isa ang narito. Sandali... madilim ba sa langit?

"Nay?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Kung nakikita ko si nanay. Patay na yata talaga ako? "Nay, patay na ba ako?"

"Hindi ka pa pwedeng mamatay anak. Magpatuloy ka sa buhay, sa pangrap mo. Hanapin mo ang tatay at ang kapatid mo."

Naguguluhan man ay nagtanong ako. "Si kuya Nathan, nay?" Ang daming tanong sa aking isipan ngunit 'yan ang unang lumabas sa aking bibig.

"Ang kap—"

"Araaayyyyyy!" Sigaw ko nang makaramdam ng hapdi. "Nayyy!!" Na saan si Nanay? "Nay?" pagtawag ko pa. May mga kamay na humawak sa akin. Nagpumiglas ako.

"Nay..." Na saan ka? "Bitawan niyo ako! Bita...waa...n..." bigla akong nanghina...

Naging malabo ang paligid bago ito nilamon ng dilim. Nang mamulat ko ang aking mata, pakurap-kurap akong napatingin sa ilaw.

"Apo... ayos kana ba?" ani ng kung sino.

Patay na ba ako? Patay na ba talaga ako?

Pinihit ko pakabila ang aking ulo. May nakita akong mga imahe ngunit malabo, may mga nagsasalita ngunit hindi malinaw sa akin kung ano ang sinasabi nila.

Pumikit ako para ipahinga ang aking isipan. Nang malinaw kong nakita kung ano ang mga imaheng nakaharap sa akin ay nanlaki ang aking mata.

"Lolo Ed?" Gulat kong pagkilala sa kaniya. "Pa...p-patay na rin po kayo?"

"Aba'y lokong bata 'to, ha." Tawa pa ni Lolo Mendz.

"Hala, pati ikaw lolo Mendz patay na rin?" Napaawang ang labi ko.

"Apo, huminahon ka hindi pa kami patay. Kaya hindi ka pa patay." Pagpapakalma sa akin ni Lolo Ed.

Nagbalik ang tingin ko sa kaniya. Sinubukang kong i-process ang kanilang sinasabi.

Talaga? Hindi pa ako patay? Err... bakit nasa hospital na naman ako? Napapadalas yata ang pagpunta ko dito.

"Hala, lo, hindi ba ay nabangga ako nu'ng paparating na sasakyan?" 'yun ang huli kong natatandaan. Bago dumalim ang buong paligid ay nilamon ako nang nakakasilaw na liwanag na galing sa isang sasakyan.

"Hindi apo, walang nangyaring masama s aiyo. Kami ang sasakyan na iyon. Hindi ka namin nasagaan o nabangga. Nahimatay ka malayo-layo palang kami sayo. Buti na lamang at may sumalo sa iyo bago ka bumagsak." Pagpapaliwanag ni Lolo Mendz.

May sumalo sa akin? Ang swerte ko naman pala talaga kung gano'n? Sino kaya s'ya?

"Asan po siya, lo? Kilala niyo po ba siya?" Gusto kong magpasalamat sa kanya. Kung hindi niya ako nasalo ay baka mas malala pa ang nangyari sa akin.

Maraming salamat din po Lord dahil hindi niyo pa rin po ako pinababayaan.

"Hindi na namin s'ya naabutan, noong papalapit na kami sa 'yo ay umalis din s'ya agad." Pagsagot pa ni Lolo Ed.

"Maraming salamat din po lolo Ed at lolo Mendz sa pagtulong sa akin. Utang ko rin po sa inyo ang buhay ko. Kung iba po ang nakakita sa akin ay baka hayaan na lang po ako. Kaya kahit anong pagawa n'yo po sa akin ay tutulong ako biglang pasasalamat sa inyo."

"Hindi na kailangan apo, ang makatulong at makapagligtas ng buhay ng iba ay napakalaking bagay sa amin. Bukal sa puso ang pagtulong namin at hindi kami humihingi ng kahit anong kapalit." Nakangiting sabi ni Lolo Ed.

"Bakit ka nga ba nasa gitna ng daan ng ganoong oras? At puro galos at pasa ka." tanong ni Lolo Mendz.

Napaiwas ako ng tingin. Nag-aalangan pa akong sumagot.

"Ano po... hehehe... muni-muni lang po." Pero isang seryosong tingin ang iginawad nila sa akin. Kaya napalunok na lang ako at ikinuwento ang dahilan kung bakit ako palakad-lakad ng ganoong oras.

"'Wag kang mag-alala apo narito kami para tulungan ka." Hinawakan pa ni Lolo Ed ang aking kamay. "Kung gusto mo ay kami na ang kukupkop sa iyo."

Namilog ang aking mata. "Nako, nakakahiya po... ayos lang po ako lolo. Kaya ko na po ang sarili ko." sabi ko. Kahit hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. Baka kila Wendy muna ako o kaya kila Bert.

Nagkatingin pa silang dalawa ni Lolo Mendz ta's nag-apir.

"Gusto mong bumawi sa amin 'di ba?" Napatango naman ako."Kung ganon ay bantayan mo ang aming mga apo."

The Game Of Life Where stories live. Discover now