CHAPTER 19

53 8 0
                                    

Chapter 19

Nakatulala lang ako hanggang sa matapos ang klase namin. Lutang ako dahil sa mga kaganapan na 'di ko mawari kung bakit nangyayari sa akin.

Bwisit naman kase 'tong katabi ko kung ano-ano na lang bigla ang ginagawa.

Grrrr!!!

Siya na rin pala ang nagsagot ng activity namin matapos kong tumulala sa ginawa niyang pagbulong ng kanyang pangalan sa tainga.

I don't know why myself is acting weird. Hindi naman ako madalas tumulala. Ganon talaga siguro ang masamang bulong ng hangin.

At mabilis lang niya itong sinagutan. As in saglit lang niya tinitigan ang activity sheet saka pahikab-hikab na sinagutan ang mga tanong. Samantalang ako nga ang tagal kong pinagkatitigan 'yun pero wala akong makuhang sagot. O baka naman hinulaan niya lang?

Ang galing naman niya kung tama ang mga maging sagot niya.

Eh, halos tulugan nga niya lahat ng klase namin saka kitang-kita ko sa mga mukha ng kaklase namin na nahirapan din sila sa activity ni Sir William. Kapag nagdidiscuss naman si sir ay naiintindihan ko naman.

Nage-gets ko kahit papaano kaya pag nagpa assignment siya ay nasasagutan ko pero bakit naman gano'n pag activity na. Hindi ko malaman saan hinugot ni sir ang mga tanong niya. Activity palang pamatay na paano kaya pag-exam na?

Basta nag-iinit ang ulo ko sa kanila. Lalo na dito sa katabi ko.

"Guys, narito na ang mga papers natin na-check na rin ni Sir ang mga ito. Cris tulungan mo ko magpamigay," ani pa ni President Ace – siya ang president sa section na ito.

Pinagpartihan nilang dalawa ang papel na hawak niya. Iyon yata ang activity sa math na sinagutan naming kanina. Ambilis naman yatang na-check-an ni sir ang mga iyon? Siguro ay wala kaming nasagot na tama sa mga iyon. At ayoko nang makita pa ang papel namin na paniguradong duguan at bokya.

"Hey, here's your paper. Nice work." Nakangiti pang sabi ni Ace habang inaabot ang aming papel.

Nice work, nice work pa ano pampalubag loob?

Ngumiti ako pabalik sa kaniya at kinuha ang papel. Dahan-dahan kong sinilip ang papel namin. Unti-unting namilog ang mata ko at napatakip ako sa bibig.

"Woah legit ba 'to?!" mangha kong sabi.

"Nerlyn anong score niyo?" tanong pa ni Matthew pero hindi pa rin ako makapaniwala sa hawak kong papel.

Sa amin ba talaga ito?

Biruin mo 100 ang score namin. Perfect 100! Oh, diba activity palang pero 100 points na ang kailangan naming ipasa.

"Patingin nga, woah nice perfect!"

Legit ngang naka 100 kami! Sa sobrang tuwa ko ay 'di ko namalayan ang sarili ko na niyuyogyog ko na pala ang natutulog kong katabi.

"Waaa! Naka-100 tayo, naka-100 tayo!" Natutuwa kong balita sa kanya.

Naririnig ko ang samu't saring reaksyon ng mga kaklase ko. Napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon sila. Gulat na gulat silang lahat sa ginawa ko pati na rin sila Matthew ay naabutan kong nakaawang ang mga labi at parang tinakasan ng kaluluwa.

"Sht!" bulong pa ni Zerix.

Bakit ba ganyan reaction nila? Ngayon lang ba sila nakikita ng isang estudyante na natuwa sa nakuhang score sa math? Basta ang mahalaga naka-100 kami.

Nakakaloka first time ko lang makakuha ng ganito sa math. Madalas ay wala pa yata sa 10 ang score ko don pero nababawi ko naman ang mga bagsak ko kapag exam na.

The Game Of Life Where stories live. Discover now